Dumiretso na ako sa aking kwarto. Mahirap na at baka masermunan na naman ni Den. Tapos na nila ang sa potion. Tamang-tama na naka-alis agad ako sa toxic bomb laboratory. Hindi na kailangang magtaka kung bakit nandoon ako. Hindi na ako mapakali. Gusto kong malaman kung ligtas ba sila Miss Sera. Bakit naman kasi may banggaan pa. Kumain na lang muna ako. Inubos ko ang ilang tirang pagkain. Ayoko pa naman kapag may napapanis na pagkain. Maraming hindi nakakaranas kumain ng tatlong beses sa isang araw, tapos sasayangin lang ng iba ang pagkain nila. Ayokong maging ganoon, na halos tinatapon na ang pagkain. Pagkatapos kong kumain ay hinugasan ko na rin ang mga plato. May lagayan naman ako ng mga plato rito. Lumabas na rin ako ng kwarto at umupo sa may living room. Dala ko ang isang libro na

