"Magpahinga ka na muna, Mio. Alam kong gulat ka pa sa pangyayari kahapon. Tsaka na lang namin ipapaliwanag ang mga ginagawa namin sa potion at toxic bomb kapag okay ka na," saad ko. May ibang bagay kasi akong gustong gawin ngayon. Kung pwede naman siya ngayon ay sila Den na ang magtuturo sa kaniya. "Ayos lang naman sa akin na ituloy ngayon. Kailangan ko na rin kasing makabalik mamayang hapon sa kumpanya. Marami pa kasi akong aasikasuhin," saad niya. "Si Den na muna ang bahalang magturo sa iyo. May kailangan lang kasi akong asikasuhin ngayong araw. Nandiyan din naman si Denver at Kuya Zeke para turuan ka. Tamang-tama para ma-refresh sila sa paggawa ng mga iyon," saad ko. Si Den na nga muna ang bahala sa kaniya. Sayang din naman ang oras. Mas maganda kung maaga pa lang ay matutunan na n

