Kinabukasan ay maaga akong nagising. Ala singko pa lamang ng umaga ay bumangon na ako. Maaga na rin akong naligo para tuluy-tuloy na ang gagawin mamaya. Ipapaliwanag pa namin kay Mio kung ano ang mga ginagawa sa Mansion na ito. Nasabihan ko naman na siya ng mga ginagawa namin, pero mas magandang actual niyang makita ang paggawa ng mga ito. Paglabas ko ng kwarto ay binati na ako ng mga miyembro. "Tulog pa po ba sila Den at Mio?" tanong ko. Malamang ay puyat ang mga iyon. Anong oras na sila nakatulog kagabi. "Nako, Ma'am, baka po tanghali na po gigising ang dalawa. Inabot po sila ng madaling araw. Nanonood ng movie. Nandito nga rin po si Sir Denver at Sir Zeke," saad ni Stacy. Napangiti naman ako. Boy bonding pala sila. Maganda iyan para malibang-libang naman sila kahit papaano. "Ka

