Hinayaan ko na lang si Mio sa pagda-drive. Ayoko namang ma-aksidente kami kapag mainit ang ulo niya. Hindi ko na dadagdagan pa ang mga iniisip niya. Kinuha ko na lang ang aking cellphone para tumingin ng mga balita. Una kong tiningnan ang group para sa mga estudyante sa Vnight Academy. Talagang mas pinaganda nila ang mga building na nasira. Mas naghigpit na ang pagbabantay dito. Bawat sulok ng pader ay may mga nakabantay. Sana ay hindi nila tiningnan ang mga dorms. Malamang may susi rin sila ng lahat ng dorms at rooms. Napahinto si Mio kaya muntik na akong mauntog. Nakalimutan ko pala ang mag seat belt. "Anong nangyari?" tanong ko. Sinundan ako ng tingin ang tinitingnan ni Mio. May LCV sa unahan. Marami sila at hindi na mabilang sa mga kamay. Ngayon lang ako naka-encounter ng ga

