Naka-alis na pala si Denver at Denise. Si Bri naman ay isinama ni Kuya Zeke. "Okay naman po ba si Bri ngayon, Mr. Collin? Ano pong nangyari sa kanilang Lola? Alam na rin po siguro ano?" sunud-sunod na tanong ko. Mukhang masaya si Mr. Collin. Kampante at parang iba ang kislap ng kaniyang mga mata ngayon. "Masaya ako na tanggap na ako ng Mom ni Zia. Masaya siya na buhay pa kami ni Bri. Mas mahalaga raw na buhay kami at makakatulong pa raw ako sa kumpanyang itinayo nila ni Zeke laban sa mga bampira," kuwento ni Mr. Collin. Mabilis pala na natanggap ng Lola ni Bri si Mr. Collin. Wala rin naman siyang magagawa. Sana totoo ang pagtanggap na iyon. Basta ay poprotektahan pa rin namin si Mr. Collin. Hindi pa rin siya kasi pwedeng makalabas-labas. "Masaya rin po ako para sa inyong pamilya. Paa

