Nagkaroon lang kami ng simpleng salu-salo. Hindi na namin masyadong pinag-usapan ang mga ginawa ko sa ibang bansa. Pinamigay ko rin sa kanila ang mga pasalubong namin. Buti nga at nagustuhan nila ang padala nila Lola at Lolo. Ngayon ay papunta na kami sa kabilang Mansion. May surpresa raw sa akin si Risha. "Ano bang klaseng surpresa iyan, Risha?" tanong ko. Ngumiti siya sa akin nang pagkatamis-tamis. Talaga naman, nagawa pa talagang mag-model sa aking harapan. "Ano nga?" ulit na tanong ko. "Ano ba, Minlei? Sikreto nga e. Eto naman. Huwag kang basag trip. Magugulat ka na lang mamaya," saad ni Risha Nagtawanan tuloy si Den at Freilla. Napa-irap na lang ako sa kanila. Natututo na sila sa ganitong larangan ah? "Huwag lang si Kaliex ang gugulat sa akin, talagang malilintikan kayo," bant

