Ngayon ay pabalik na ko ng Pinas. Susunduin ako nila Den at ng magkapatid. Pinag-iisipan ko kung sasabihin ko ba sa kanila ang nangyaring lag-amin ni Kaliex. Parang. Kinakabahan pa ako sa magiging reaction nila. Baka kumontra agad si Den sa pagiging malapit namin. Paano pa kaya kapag nalaman niyang umamin ito sa akin? Ang problema ko lang ay kapag nalaman ni Mio na umuwi na ako, sa bahay pa ni Tita siya magpadala ng kung anu-ano. Kung sabagay, nandiyan naman sila Lola at Lolo, handang magpaliwanag kapag kinailangan ko ang tulong nila. Makalipas ng ilang oras ay nasa airport na ako. Dating gawi, hinanap ko ang mga susundo sa akin. Hindi na kasi ako masyadong nagtatagal sa mga ganitong lugar. As much as possible ay dapat umiwas ako na makilala ng iba. "Minlei!" tawag ni Den. Pagkakit

