Bubuksan ko na sana ang pintuan papuntang rooftop nang biglang may pumigil sa aking kamay. Masama akong tumingin sa kamay na nakahawak sa akin. Tiningnan ko rin nang masama ang pumigil sa akin. Inayos ko kaagad ang aking reaction nang ma-realize na si Mio pala iyon. "Mio? Nakabalik ka na pala?" gulat na tanong ko. Seryoso lang siyang nakatingin sa akin, samantalang ako ay nag-alala sa kaniya. "Ayos ka lang ba?" nag-aalalang tanong ko. Lumapit ako sa kaniya. Curious ako sa kaniyang ginagawa. Hindi ko alam kung bakit ganito talaga ang pag-aalala ko sa kaniya. "Anong gagawin mo sa itaas?" tanong niya. "Delikadong pumunta sa itaas. Magpapakamatay ka ba?" Natawa ako sa kaniyang sinabi, kaya medyo nagtataka siya. Gusto ko ang pagkasungit niya. Siya iyong tipo na hindi agad nagtitiw

