Ngayon ay kinakausap ni Denver ang kaniyang mga tauhan. May naisip na raw kasi siya kung paano magagamit ang toxic bomb papunta sa loob ng office. Buti talaga na siya ang aking nilapitan. Alam ko talagang malaking tulong ang maibibigay niya. "May naisip na akong paraan, Minlei," saad ni Denver. "Medyo ilang buwan din itong gagawin, pero makakapaghintay naman tayo, hindi ba?" Mabilis din pala siyang maka-isip ng solusyon. "Anong gagawin natin?" tanong ko. May pinakita siya sa aking drone. Inangat ko nag tingin sa kaniya. Ganiyan na rin nag plano ko noong una. "Nasa isip ko na rin iyan, Denver. Hindi ko lang alam kung paano hindi nila makikita o maririnig," saad ko. Titingnan ko kung mas mapagkakatiwalaan siya, tsaka ko sasabihin ang secret tunnel na aking ginawa kapag sure na sure n

