Hindi nag-reply sa akin si Mio. Ang dami ko na naman tuloy katanungan sa aking isipan. Ako pa rin kaya ang pinaghihinalaan niyang nagpapasabog sa Academy? Bahala na nga siya kung anong gusto niyang isipin. "Tara na, Minlei," yakag ni Den. "Baka mamaya ay maghintay pa nang matagal si Denver." Binilisan ko na ang pag-aayos sa aking sarili. Nagsuot aki ng fitted na leather dress para magmukhang formal. Si Den naman ay naka-longsleeve naman. Company kasi ang pupuntahan namin, dapat maging presentable rin kami sa aming kakausapin. Sumakay na kami sa sasakyan. May driver pa rin kami dahil magpapalit ulit kami ng sasakyan, pero hindi ma kami magpapalit ng suot. May mahaba naman akong cardigan na pwedeng pampatong. Si Den ay may baon na coat na panaklob din. Habang nasa byahe kami ay nag-m

