Hindi pwedeng kuhanan ng litrato ang mga armas na ginagawa nila. Ayos lang naman sa akin. Mabilis ko naman maalaala ang mga nakikita ko. Papunta na kami ngayon sa bahay nila Denver. Si Zeke ay sumama para makita ang aming gagawin. Sa ibang sasakyan nakasakay si Zeke. Siya na mismo ang nagmamaneho noon. Nakapikit ngayon si Denver. Mukhang naka-idlip na. Wala siguro siya masyadong tulog dahil sa pag-aalaga sa kaniyang kapatid. Bawal tao ay may tinatagong sakit at hirap na nararamdaman. Sa likod ng masasayang mukha nila, ay ang hirap na dinaranas nila na wala masyadong nakaka-alam. Kaya hindi dapat maging malupit sa kapwa. Hindi ko alam ang mga pinagdaraanan nila.. "Den, kamusta na raw ba sa Academy? May bagong balita ka na ba?" mahinang tanong ko kay Den. Si Den naman ang naka-ass

