Napa-irit si Bri sa nakita niya. Pinigilan na niya ang kaniyang Dad sa pangalawang suntok na gagawin sana nito. "Hindi ka naman namin ganiyan pinalaki ng Mommy mo. Bastos ka nang magsalita at walang galang sa ibang tao. Pati ang mga inosente ay dinadamay mo. Ganiyan ba ang natututunan mo sa Lola mo? Kung galit ka sa akin, sa akin ka magalit! Huwag kang mandamay ng ibang tao!" galit na sabi ni Mr. Collin. Hinila ako ni Denver palapit sa kaniya. Napatingin ako sa kaniya. "Okay lang ako. Hayaan mo na kung galit din siya sa akin. Basta alam natin na wala tayong ginagawang masama laban sa kaniya," saad ni Denver, sapat na para marinig ni Kuya Zeke. Nakayakap pa rin si Denise sa kaniyang kuya. Kitang-kita nito ang mga dugong dumadaloy sa mukha ni Denver. Nginig na nginig pa ang kaniyang kat

