Chapter 4: Chasing After You

3778 Words
SUMABAY na sila ni Mads kay Benji pauwi pagkagaling sa ice cream parlor nina Reese. Iisa lang ang subdivision nilang tatlo. At halos magkakalapit rin ang mga bahay nila. "Thank you sa paghatid, Benj. Ingat ka sa pag-da-drive," ani Ramona sa kaibigan nang huminto ang kotse nito sa harapan ng bahay niya. "No worries. Hanggang bukas pala gamit ko 'tong kotse ni Tito. Gusto niyo magpasundo?" Umiling si Ramona. "Hindi na. Baka daanan ako ni Wesley bukas." Nilingon niya si Mads na nakaupo sa backseat. Kanina pa ito tahimik. "Ikaw... couz? Baka gusto mong magpasundo kay Benj?" Seryoso ang itsurang humalukikip lang ito sa kanila. Tinitigan sila bago walang paalam na bumaba ng sasakyan. Nagkatinginginan si Ramona at Benji. "Anong problema no'n? Mainit ulo? May menstruation?" Nagtatakang sunod-sunod na tanong nito. Ramona bit her lower lip. Hindi kaya naniwala ito sa sinabi ni Reese kanina? Idagdag pa 'yung biro ng mommy nito. Pagkatapos kasi nun napansin niyang naging tahimik na ang pinsan. "I... don't know, Benj... sige na. Una na ako." Bumaba si Ramona at natanaw na hindi pa nakakalayo si Mads. Ilang sandaling pinagmasdan niya ang pinsan saka ito sinundan. "Mads." Tawag niya rito. Huminto sa paglalakad si Mads. "Bakit?" He voice was cold as ice. Ramona bit her lower lip. "Are... you okay?" Nag-aalangan na tanong niya. "I noticed na tahimik ka kanina pa." Mabilis itong pumihit paharap. Her expression hardened. "Sabihin mo nga sa'kin may gusto ka ba kay Reese, Ramona?" Natigilan siya at di kaagad nakasagot. Why is she asking her that question? Hindi naman sila masyado nag-uusap ni Reese. "You can't answer? Okay fine. Just to let you know I like him." Humakbang ito papalapit nang hindi siya umimik. "I really do.." Nanatiling nakatitig lang si Ramona kay Madisson, in-absorb ang mga sinabi nito sa kaniya. "Lahat na lang ng pinaglumaan mo sa'kin napupunta mula pa nung bata tayo." Pagpapatuloy ni Mads. "But this time..." umiling-iling ito. "I don't want a hand me down." Hindi niya gustong mag-usap sila ni Madisson na para bang pinag-aawayan nila ang isang lalaki. Hindi rin niya inakala na maiisip nitong may kakayahan siyang agawin si Reese kung sakali. She's like a sister to her. Kahit kailan di niya pipiliing saktan ito. Bumuntong hininga si Ramona. "Mads, alam mong 'di kita itinuring na iba. You're like a sister to me... at wala kang dapat ipag-alala sa bagay na 'yon. Hindi naman kami nag-uusap ni Reese at... at... may boyfriend na ako." "I just wanna make sure, Mona. Unang beses 'to na may nagustuhan ako ng sobra... that I'll do everything to make him mine." "I told you... we're like sisters. I'll you support to what makes you happy." Pagbibigay niya assurance rito. "You sure about that?" Tumango siya. "O-Oo naman." "Aasahan ko yang sinabi mo." Sa isang iglap ay biglang nagbago ang tono ng boses nito. Bumalik sa Maddison na kilala niya. "Anyway, do you think me and Reese look good together?" "Of course... sobrang bagay niyong dalawa..." Ngumisi ito at kinagat ang ibabang labi. "I want us to end up in bed." Natigilan si Ramona at nag-init kaniyang pisngi. Hindi naman kaila sa kaniya na marami sa kaklase nilang babae o lalaki ang karanasan na sa ganoong bagay. Pero para kasi sa kaniya, gusto niyang ang unang lalaking makakakuha niyon ay iyon na rin ang huli. "Do you think we will end up in bed?" Lalong uminit ang pisngi niya sa follow up question nito. Why is she asking her that question? Hindi ba masyado iyong personal? "Um... I don't know, Mads..." nag-iilang na sagot niya. "Ugh! Ramona the virgin mary! Goodluck na lang talaga sa magiging first boyfriend mo! You know, yung ibang boys ayaw nila ng girl na boring!" Tumirik ang mga mata nito at saka patamad na inirapan siya. "Sige na! Uuwi na ako. Tatawagan ko pa si Reese. I asked his telephone number. He immediately gave it to me. Pinaalala pa niyang tawagan ko raw siya pag-uwi ko." Tipid tumango lang si Ramona. "Ingat ka pauwi." Bumeso ito sa kaniya bago tuluyang tumalikod at maglakad palayo. "See you tomorrow, couz!" Naiwanan siyang nakasunod ang tingin kay Maddison. But the thought of Mad and Reese talking over the phone bothered her to the extent she had a hard time to fall asleep. * * PINILIT iwasan ni Ramona si Reese matapos ang pag-uusap nila ni Maddison. Hindi na siya sumasali sa usapan kapag ito ang nag-open ng topic. Hindi niya hinahayaang mapag-solo sila, kahit impossible dahil lagi namang nakadikit dito si Mads. Hindi na rin niya ito sinusulyapan man lang dahil alam niyang magsasalubong lang ang tingin nila at di niya maiwasang makipag-ngitian dito. Maging ang mga pasimpleng pangangalabit nito sa classroom ay in-ignored niya. This is the right thing to do para hindi na maghinala si Mads sa kaniya. "Hi, Rams! Good morning! Looking good today!" Bati ng nakasalubong niyang kaklase sa hallway. Tipid na ngumiti si Ramona at saka pumasok na sa loob ng classroom. Natigilan siya nang makita ang isang maliit na box sa ibabaw ng desk niya. Kulay blue iyon at may nakataling putong ribbon. Bakit nandito 'to? Who put it here? Lumibot ang paningin niya sa buong classroom. Siguro nailapag ang box doon ng 'di sinasadya at nakalimutan? Apat pa lang ang estudyante roon. Nagkukumpulan pa ang tatlo sa bandang unahan na parang may pinagchichisimisan. Yung isa naman nasa isang sulok may nakakabit na headphone sa tainga. Binalik ni Ramona ang tingin sa box. Tinitigan niya 'yon bago dinampot at marahang inalis ang ribbon na nakatali sa takip. Kumunot ang noo niya nang makitang reese chocolates ang laman nun. Halos mapuno ang box ng maliliit na tsokolate. "Good morning..." Nagitla siya nang mula sa likuran ay tumama ang mainit na hininga sa kaniyang pisngi. Kilala niya ang pabangong iyon. Maging ang malalim at buo nitong boses. She looked at him. His face was inches away from her. Bumilis ang t***k ng puso ni Ramona. Para siyang hinipnotize at hindi magawang mag-iwas ng tingin. "Hey..." he said, staring into her eyes as if he's under in somekind of spell. Nakagat niya ang ibabang labi at hindi magawang sagutin ang binata. Hanggang sa parehas sila sa mapapitlag sa biglang pagdating ng pinsan niyang si Mads. "Reese! Ramona!" Kaagad na lumayo si Ramona kay Reese nang lapitan sila ni Maddison. "Kanina pa kayo dito?" Kunot ang noong tanong nito habang pinaglilipat-lipat ang tingin sa kanila. "Nah, I just arrived... five minutes ago," tugon ni Reese na sumulyap sa wrist watch nito. Bumaling sa kaniya ang pinsang si Maddison. "Ikaw, Mona." "Um... kadarating ko lang rin, fee minutes ako." Aniya't naupo sa kaniyang pwesto. Ramdam niya ang nanunuring titig nito. Binalewala na lang niya iyon. Wala naman silang ginagawang masama ni Reese. It's just happened na sabay silang dumating. Hindi naman niya ma-co-control ang coincidence. "Wait, what's that?" Tanong ni Mads na nakatingin sa box na nasa ibabaw ng lamesa niya. Walang paalam na dinampot nito ang box at binuksan. "Chocolates?" "Oo... I don't know who put it on my table." "You have a secret admirer, huh?"amused na komento ni Reese na nakaupo s pwesto nito sa likuran niya. Hindi umimik si Ramona. Nakikita niya kasi sa sulok ng mga mata na nakatingin sa kaniya si Mads. Nakamasid ito sa magiging kilos at reaction niya. "I'm sure, may nagkaka-crush na naman sa'yo dahil sa hair mo! Magpakulay rin kaya ako ng ganyan para naman dumami ang admirer ko!" "You have a beautiful hair, Mads... If I have a chance to trade my hair, I would definitely trade it to yours..." Tumaas ang sulok ng mga labi nito at nilingon si Reese. "Hey." "Yeah?" Nagtatakang baling ng binata rito. "Kaninong mas magandang hair sa amin ni Ramona?" "Mads.." mahinang saway niya sa pinsan. Sinulyapan lang siya nito at saka bumalik ang tingin kay Reese. "Umm... do I have to answer that? I mean, both of you have a nice hair," he said confused. "Well, curious question lang. Most of the student here alam ko na kasi ang sagot nila." Anitong umikot ang eyeballs. "No one can beat Ramona's natural hair color. You know, something peculiar is really interesting. And since you're new student, gusto ko lang malaman thoughts mo." Nanatiling walang imik si Ramona. Ayaw niyang pinagkukumpara silang dalawa. Dahil sa lahat ng aspeto magkaiba sila. "Uh, uhm..." he sounded so hesitant. Pero mapilit si Mads. "Duh! Hindi naman pang-quiz bee ang tanong ko, ah! Come on! I'm just curious!" Ramona bit her lower lip. She tried her hardest to ignore Reese these past few days. She thought, it was enough to give Mads a piece of mind and security. Hindi pala. Reese cleared his throat. "Don't get me wrong... but like what I've said this is the first time I've seen ginger hair..." "So... you're saying na mas maganda ang hair ni Mona?" Hindi niya narinig na nagsalita si Reese but base on Mads expression na magkalapat ang labi at pilit ang ngiti sa labi, nagkaroon siya ng idea. "I know Reese... I know..." bumaling ito sa kaniya at bahagyang naningkit na mata. "See?" Sabay tinalikuran siya at naupo sa pwesto nito. Napabuntong hininga si Ramona. Hanggang sa magsidatingan ang mga kaklase at ang mga kaibigan nila. Hindi na siya ulit nilingon ni Mads o kinausap man lang. * * Dumiretso si Ramona sa library nang tumunog ang bell hudyat ng lunch break. Niyaya siya ni Penelope para pumunta sa cafeteria pero nagdahilan siyang mag-re-review para sa recitation nila. Pero ang totoo, umiiwas lang siya na makasama si Mads at Reese. Hindi niya gusto yung pakiramdam na parang binabantayan ang bawat kilos at sasabihin niya. Para siyang nakakulong sa kaniya at ang hirap kumilos. Ayaw niyang mag-isip pa ng kung ano-anu si Mads. At lalong ayaw niyang mag-away sila kaya siya na lang umiiwas. "What happened to you and Maddi?" Oh, right. He's here. Naabutan na lang niya ang binata rito sa sulok ng matataas ng bookshelf. Past time na talaga ni Benj noon pa ang matulog sa library. Palibhasa kilala nito ang librarian kaya hindi isinusumbong sa adviser nila. "What do you mean?" "Kanina pa kayo hindi nagpapansinang dalawa. Something unusual, you know? Anong problema niyo?" "What made you think na may problema kami?" Pagmamaang-maangan niya. "Kilala kita, 'no. Kilala ko kayong dalawa." Kinuha ni Ramona ang librong kailangan nilang basahin sa isang subject saka nagpatiuna nang lumakad. Sumabay sa kaniya si Benj. "Walang problema. Wala lang siguro sa mood si Mads." "Wala sa mood?" Ulit nitong bakas ang pagdududa sa tono ng boses. "Let me guess..." "Guess? What?" Sinulyapan niya ang kaibigan at nakita itong nakatingala habang hinihimas ang panga. "Is it about, Reese?" Nakataas ang kilay na baling nito bigla sa kaniya. "W-What? Of course not!" Mabilis niyang tugon sabay nag-iwas ng tingin. "Tss. Mula pa kindergarden magkakasama na tayo kaya kilalang-kilala ko na kayong dalawa. And remember, this isn't the first Maddi had a crush on someone who likes you too." "It's not about him, okay?" "Really, huh? Bakit hindi ka makatingin sa'kin ng diretso? Ganyan ka kapag hindi nagsasabi ng totoo. So, tell me what's going." Bumuntong hininga si Ramona. Wala talaga siyang maililihim kay Benj. Lumabas na sila ng library pagkatapos humiram ng libro. Tahimik na nilakad nila ang mahabang hallway pabalik sa classroom. "Bakit naisip mo na dahil kay Reese bakit hindi kami nagpapansinan ni Mads?" Nag-aalangan na tanong ni Ramona. "Akala mo ba, hindi ko napapansin?" Napalingon siya kay Benji. "Ang alin?" "Kayo ni Reese. Madalas ko kayong mahuli." "M-mahuli na ano?" Huminto ito sa paglalakad at pumihit paharap sa kaniya. "Madalas mo siyang tinititigan. Si Reese din, nahuhuling kong nakatingin sa'yo." Nag-init ang pisngi ni Ramona. Siya tinititigan ni Reese? "A-anong bang sinasabi mo diyan, Benji..." "Oh, bakit? Hindi ba?" Nag-iwas siya ng tingin. "Hindi..." "Liar. Pwede mo lokohin sarili mo, pero hindi ako, Mona." Sumusukong bumuntong hininga si Ramona. "W-wala naman talaga kaming problema actually nag-usap na kami." "Nag-usap? About what?" Mabagal siyang naglakad. Sumabay sa kaniya si Benj. "About Reese..." "Oh..." tumango-tango ito. "So?" Sumulyap siya dito. "She told me, that she liked Reese at sabi ko wala siyang dapat ipag-alala." "Pa'no kung ikaw ang gusto ni Reese?" "Impossible..." "Impossible? He stares at you like, what? For hours? Tuwing lunch break, madalas na nakakunot ang noo niya habang nakatingin sa inyo ni Wesley. At nakita ko siyang sinisilip ka sa piano lesson mo." Umawang ang mga labi ni Ramona Oo nga, aminado siyang madalas na palihim niyang sulyapan si Reese. Pero hindi sumagi sa isip niya na ganoon rin ito sa kaniya. "Based on my observation, he likes you." Sunod-sunod siyang umiling. "Siguro, na-curious lang rin siya sa buhok ko tulad ng mga bagong nakikilala sa akin. Walang ibang kahulugan yung mga pagsulyap niya o pagtingin o baka nagkamali ka lang rin. He's not looking at me..." "Of course not. I know what I saw, okay? Lalaki rin ako." Kung magsalita naman ito akala mo may naging girlfriend na. Eh, sa pagkakatanda niya wala pa kahit isa. "Just forget it. I don't wanna have conflict with anyone, especially Mads. At saka may boyfriend na ako..." mahinang usal niya. "Bakit mo ba sinagot si Wesley?"" Tumaas ang sulok ng labi ni Benji. "Hindi ba, dahil lang sa pakiusap ng Mommy niya? And Mads will surely understand you if you have feelings for Reese. You both are like sisters." Napailing siya. Kung alam lang nito, kung gaano kadeterminado si Mads para makuha ang atesyon ni Reese. "Benj, I don't even like R-Reese..." parang ayaw pa niyon lumabas sa bibig niya. But that's the right thing to say. "Oh, really? You can lie to yourself but not to me." Umiling ito. Hindi kumbinsido sa sinabi niya. "Well, hindi ko naman dapat pinoproblema 'yan. Just a piece of advice, take risk and be happy." Nakagat ni Ramona ang ibabang labi bago nag-iwas ng tingin. "I'm fine. I'm happy right now." Nagkibit siya ng balikat. "Whatever you say, Mona. I-convince mo ang sarili mo diyan sa kasinungalingan mo." "BENJ! MONA!" Sabay silang napalingon sa dulo ng hallway at nakitang papalapit sa kinaroroon nila si Penelope. "s**t! Why she's always following me?" Naiiritang bulong ni Benj. "I gotta go, Mona." Nasundan na niya ng tingin ang nagmamadaling si Benji. Halos tumakbo na ito palabas ng building. "BENJI!" Tili naman ni Penelope. Huminto ang kaibigan sa harapan niya. "Bakit iyon umalis?" Awkward na ngumiti si Ramona bago umiling. "I have no idea..." "Argh! He's making my head hurts! Nagsalubong ang kilay ni Penelope. "Hindi pwedeng laging niya akong tinatakasan, no! Makikita niya!" Pagkasabi niyon, tinalikuran na siya ng kaibigan at malalaki ang hakbang na sinundan si Benji. Naiiling na naglakad si Ramona patungo sa hilera ng mga locker. Iniisip ang kani-kanina lang na napag-usapan nila ni Benji. Did Reese really liked her? Did he really stared at her? At sometimes sinisilip pa sa piano lesson niya? Subalit nag-echo sa isip niya ang boses ni Maddison. "This is the first time that I really want someone, really want..." Umiling siyang upang alisin sa isipan ang boses nu Mads. Her and Reese wont happen ever. Binuksan ni Ramona ang locker. Inilagay na niya ang mga gamit sa loob niyon nang may magsalita mula sa kaniyang likuran. "Are you mad at me?" Gulat na isinara niya ang pinto ng locker at nakita si Reese na nakasandal sa nakasaradong locker sa tabi niya. Bakit ba kailangan pa nitong lumapit ng lumapit. Obvious naman ang pag-iwas na ginagawa niya, hindi ba? He's making this hard for her. Ilang sandaling tinitigan niya lang ito bago tumalikod at umalis. Pero hinabol niya nito "Mona, Mona! Wait!" Mas binilisan ni Ramona ang paglalakad. Don't stop... Don't look at him... Subalit humarang si Reese sa daraanan niya. Let's talk... please?" "Wala naman tayong dapat pag-usapan, Reese." Nag-iwas siya ng tingin. "Are you mad at me, tell me please?" "Hindi. Bakit naman ako magagalit sa'yo..." "Then, why you're ignoring me this past few days? Is it about what I've said last time? Sa Ice cream parlor?" "N-no—" Napapitlag siya ng hawakan nito ang baba niya at iangat iyon. "Look, Mona... minsan may mga bagay akong nasasabi na hindi nag-iisip kung tama o mali ba 'yon, lalo na kapag... na-provoke ako.. I just don't like what was Wesley trying to imply that night.." "W-What do you mean?" "Yung sinabi niya, kung tinakot ba kita... I wont do that. Mas gugustuhin ko pang sapakin si Wesley kaysa takutin o gumawa ng bagay na ikakagalit mo..." Nakagat niya ang ibabang labi. Bakit pa ba nito sinasabi ang mga bagay na 'to sa kaniya? Sino ba siya para isipin nito ang mararamdaman niya? "I'm sorry... Please forgive me?" anitong may kinuha sa likod ng suot na pantalon. Kumunot ang noo ni Ramona nang abutan siya nito ng Resse's chocolate. "I think my peace offerring to you this morning wasn't enough..." he said. A boyish smile form on his lips. Namilog ang mga mata niya. "S-sa'yo galing 'yung box of chocolate?" "Yes, I'm sorry... hindi ako magaling sa mga ganito, eh..." tumatangong napakamot ito sa batok. He looks so cute... 'Mona, Stop it!' Saway niya sa sarili. "Reese.." umiling-iling siya. "You don't have to do this... Hindi mo 'ko kailangan bigyan ng peace offering. We're not that close, para ma-bother ka kung galit ba ako..." "Ayoko lang ng iniiwasan mo ako, Ramona. Tell me ano bang dapat 'kong gawin para hindi mo na ako iniiwasan ng ganito." Humakbang ito palapit at sinapo ang kaniyang pisngi. Halos naamoy na niya ang mabangong hininga nito sa sobrang lapit ng mukha nila. "Why does it feel so good.. being this close to you, Ramona..." he whispered. Her beats faster than normal. Butterflies are fluttering in her stomach. "Resse..." she mumbled and bit her lower lip. Tumaas ang kamay ni Reese at dinama ng hintuturong daliri ang kaniyang labi. "I've always wanted to this..." He then slowly leaned closer, but her gaze passed over Reese's should. Her eyes caught Maddison's dark expression as she looked at them. Nag-iwas ng tingin si Ramona at humakbang paatras. "I-I gotta go..." niya saka tumalikod at nagmamadaling tumakbo. "Mona, wait!" Hindi niya pinansin ang pagtawag ni Reese. She continued walking away. That's right Mona... run and don't look back.. "Reese, dont. Hayaan mo na si Mona. For sure she's gonna go look for Wesley.” Narinig niyang sambit ni Maddison dito. “Let’s go somewhere else.” Mariing kinagat ni Ramona ang ibabang labi bago tuluyang lumiko sa pasilyo at maglaho sa paningin ng dalawa. * * Nakatitig si Ramona sa repleksyon ng Ina sa salamin. Nakasuot na siya ng pantulog at kasalukuyang sinusuklay nito ang mahaba at lampas balikat niyang buhok. Daily routine na nila ito gabi-gabi. This is their way of spending time after a long day. Lumaki siyang malapit sa mommy niya. She can open up everything to her, even about crushes and boyfriends. “Mom?” "Hmmm?" "What would you do, if you like someone… then Aunt Marga likes him too?” Kunot ang noong sumulyap ito sa kaniya. "Bakit mo naman naitanong 'yan?" Nagkibit siya ng balikat. “I don’t know… I’m just curious. I mean kung nangyayari ang ganon sa ibang tao, anong magiging take mo do’n?” "Oh well, me and your Aunt Marga has different taste when it comes to men, Love. I mean… mas gusto ko ang mga lalaking neat, clean cut, and smart looking. Habang ang Auntie mo naman, mas gusto yung mga lalaking brusko! You know, buff, long haired, tattoos! Kaya imposibleng magka-gusto kami sa isang lalaki." Ngumuso siya. "What if… lang naman, Mom…” Muling ito sumulyap sa kaniya at natawa. "Bakit ba sobrang curious ka naman ‘at? Is there something wrong you didn't tell me?" "Um… I-I have this friend po kasi… may crush siyang boy then, gusto rin po ng bestfriend niya yung boy. She’s asking for advise… hindi ko alam sasabihin ko sa kaniya, Mommy.” Pagsisinungaling niya. She can’t tell her Mom it’s her and Maddison. Ayaw naman niya itong mag-isip na hindi sila okay na mag-pinsan. Baka mamaya kasi ay sabihin pa kay Aunt Marga at pagsabihan si Maddison. Ayaw niyang lalo silang mag-away. Patango-tangong hinila nito ang buhok niya saka sinimulang i-braid. "The question is… yung friend mo ba like din ng boy na ito?" "Y-Yeah, I think so.." she figeted her fingers on her lap. "Oh, okay. Assuming that I'm in the shoe of your friend and your Aunt is the bestfriend. For me, I will choose to let go of that boy. Hindi ko sisirain ang samahan namin ng kapatid ko dahil lang sa isang lalaki. But of course it's different for other people like you." "Me?" She looked up to her. "Yes. What would you do if that happens to you and Mads?" "L-Like what you've told me, Mom. I will do the right thing, parang kapatid ko na po si Maddi." "I know you baby." She caressed her hair "I'm sure Mads will do the same. Pero may mga taong, susundin ang puso kahit makasakit ng iba. Ang mali ay nagiging tama." Pinihit na siya nito paharap. "Ayan! Tapos na!" Natutuwang nakatingin sa buhok niyang naka french braid. "Tomorrow you'll look like a mermaid! With that red hair and big curls!" fondness written all over her face. Tipid na ngiti lang ang tanging naging sagot ni Ramona. Ngiti na hindi umabot sa kaniyang mga mata. 'Are you okay, anak?" She cupped her face. "May dinaramdam ka ba?" She shook her head and forced a smile. "Pagod lang po sa mga school activities. But don't worry, Mommy. I’m fine.” Itinabi nito sa drawer ang suklay saka umupo sa gilid bg kama. "You want me to prepare you a hot milk?" Umiling-iling siya. "No, thanks Mom. I already had tea earlier.” "Are you sure?" Paniniguro nito. Tipid ang ngiting tumango-tango siya. "Okay, you take a rest," hinaplos nito ang kaniyang mukha saka ginawaran siya ng halik sa noo. Bago lumakad patungo sa pintuan. "Goodnight, Little Mermaid.." "Night, Mom.." Pinatay ng mommy niya ang ilaw bago tuluyang lumabas ng silid. Ang night lamp na nakapatong sa bed side table ay naiwang nakabukas. Napatitig si Ramona sa box of chocolate na nakapatong sa ibabaw ng kama. Her mom was right. Hindi niya dapat sirain ang samahan nila ni Mads ng dahil kay Reese. Gusto ni Maddison si Reese and they’re both. So, walang masama kung magkakagustuhan sila. They actually looked good together. Ramona took a deep long breathe before laying down on her bed, staring at the ceiling. Why does it always hurt when we're doing the right thing?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD