SA sumunod ng mga araw naging bahagi na ng grupo nila si Reese. Kasabay sa lunch, sa uwian at kasama na rin sa paborito nilang hangout, ang basement nina Penelope.
Bukod doon kapansin- pansin rin ang lantarang pagdikit dito ni Mads kay Reese. Malakas kasi ang loob nito at mataas ang self confidence.
Ngayon lang niya nakitang sobrang pursigido ang pinsan na makuha ang atensyon ng isang lalaki.
Sa dami ng nanligaw dito na may kaya rin naman sa buhay at gwapong maituturing, hindi nagpakita ng interes si Maddison sa mga ito. Hindi lumalampas hanggang flirting stage.
But with Reese, all out ito. Nagpagupit, nag-iba ng outfit at mas naging revealing. Lahat ng basketball practice games ni Reese nandoon si Mads, may bitbit na water at snacks para sa lalaki at sa buong team nito.
She's making it obvious to everyone that she has a thing for Reese. She's sending warning and signal to their girl classmates na off limits na ito.
Marami rin kasi sa mga kaklase nilang babae ang may crush kay Reese. Well, she couldn't blame them. Kahit siya, may mga pagkakataong 'di niya mapigilang hindi titigan si Reese. He has so much charm and charisma. Talented pa at masayahin. Katangian na wala si Ramona.
"Sure kayo? Kaya niyo na diyan?" Kipkip ang librong tanong ni Ramona sa mga labmates niya.
Kakatapos lang ng physics subject nila sa hapong iyon. Hindi niya na nga nalamayan ang oras, kundi pa siya nakatanggap ng text galing kay Penelope. Ipinaalala nitong ngayon 'yong opening ng Ice cream Parlor nila si Reese na downtown at invited sila.
"Oo, Mons. Ikaw na nga halos gumawa ng mga report at nagdala ng mga kailangan. Kami nang magliligpit dito. go ahead," nakangiting taboy sa kaniya ng isa sa grupo.
"Um.. sige, kayo bahala."
"Ingat na lang. Hindi ka na namin maihahatid sa ibaba para matapos kami agad dito," singit ng isa pa niyang kaklase na nagsisimula nang magligpit.
Ikinumpas ni Ramona ang isang kamay. "Hindi niyo naman ako kailangan ihatid. Kaya ko naman ang sarili ko."
Minsan hindi niya alam kung matutuwa or maiinis siya sa mga kaklase at kakilala, they sometimes treated her like a fragile crystal.
"Ikaw lang ang iniisip namin. Ang kwento kasi ng night guard, may multo daw sa building na 'to baka makasalubong mo lang..." pananakot ng mga ito sabay nagtawanan.
"Ewan ko sa inyo... bye na nga!"
Iniwanan niya ang mga kaklase.
Mamaya niyang mapaniwala pa siya sa mga biro ng mga ito. Matatakutin pa naman siya.
Natigilan sa paglalakad si Ramona nang matanaw na si Reese sa nakasandal sa dulo ng hallway, sa tapat ng hagdanan na tila may hinihintay. Nakasabit sa balikat nito ang hinubad na coat habang nakapamulsa ang mga kamay sa pantalon at tinatapik sa sahig ang kaliwang paa.
Anong ginagawa niya rito?
Bumagal ang paglalakad ni Ramona at luminga sa paligid. Dalawa na lang silang sa corridor. Alas sais na rin kasi at kanina nag-si-uwian ang mga estudyante sa Science Building na kinaroroonan nila.
Ilang hakbang ang layo ni Ramona kay Reese nang mag-angat ito ng tingin. Nagtama ang kanilang mga mata. Dumiretso ng tayo si Reese at hindi siya nilubayan ng titig.
Bumilis na naman kaysa normal ang pintig ng puso ni Ramona. Mariin niyang kinipkip ang mga librong yakap-yakap sa mga braso na para bang sa mapapagitan niyo mapapakalma niya ang sarili.
"H-hi!" she greeted him hesitantly.
"Hello..." tugon ni Reese at tipid na ngumiti.
Ilang sandaling katahimikan ang lumipas bago napagtanto ni Ramona na kanina pa sila parehas na walang ginawa kundi titigan ang isa't isa. Namumula ang pisnging nagbawi siya ng tingin at ituon ang atensyon sa direksyong hagip lang ng sulok ng mga mata ang binata.
"Uhmm.. what are you doing here?"
"Wes, asked me to pick you up..."
Oo nga pala nagtext ang nobyo na hindi na ito nakapasok sa panghapon nilang klase kaya hindi na siya masusundo.
"Hindi na niya dapat ginawa iyon, I mean kaya ko naman mag-isa. Sorry kung naabala pa kita," mahinang usal ni Ramona.
"It's okay kakatapos lang ng basketball practice namin at along the way rin naman itong Science building hindi hassle na daanan kita bago tayo pumunta sa ice cream parlor namin. Nag-text pala si Mads texted na nandon na raw silang lahat, tayo na lang ang kulang."
Bakit ba kasi hindi niya napansin ang oras? Kung sana sumabay na lang siya sa mga kaibigan. Nakakahiyang, inabala pa niya si Reese. Pa'no kung napipilitan lang pala ito dahil hindi magawang tumanggi kay Wesley?
"Hey, ganyan ka ba talaga makipag-usap?" Pukaw nito sa atensyon niyang lumilipad.
Kumurap siya at bumaling rito.
"W-What do you mean?"
"Kanina ka pa kasi nakatingin diyan sa halaman.." nguso nito sa pasong napagdiskitahan niyang titigan. "Nandito ako sa harapan mo, Mona." Bahagyang itong yumuko para magpantay ang mukha nila.
"W-what.." namula ang pisngi ni Ramona.
"Are you afraid of me?" bulong nitong bumaba ang tingin sa labi niyang bahagyang nakaawang.
Oh, god why can't she breath normally? Parang mauubusan siya ng oxygen. Pa'no nito nagagawang guluhin ang isip at damdamin niya ng ganoon kadali?
Parehas na napaigtad si Ramona at Reese nang marinig ang malakas na pagtunog ng school bell. Kasunod niyon ay ang paalalang magsasara na ang paaralan at kailangan ng umuwi ang mga estudyanteng naroroon pa.
"Let's go it's getting dark.. and they're waiting for us," ani Reese na pinauna siyang maglakad.
Marahang tumango si Ramona. At sa loob-loob niya, kahit hindi dapat nakaramdam siya ng panghihinayang. Dahil tapos na ang oras na solo niya si Reese...
You're insane... bulong ng isipan niya.
*
*
Thirty minutes rin ang naging biyahe nila papunta sa downtown. Pumarada ang scooter ni Reese sa harapan ng ice cream parlor na pag-aari ng mommy nito. Bumagay ang exterior design sa pangalan ng shop. Brown na tulad sa isang cone ang pintura ng pader. Ang bubong naman ay may desinyo ng giant ice cream scoop.
Hindi napigilang mapangiti ni Ramona. "Ang cute!"
"Do you like it?" Tanong ni Reese na nangingiting nakatitig sa kaniya.
Sunod-sunod ang naging pagtango ni Ramona. Inalalayan siya nitong bumaba sa scooter. "Yes, first time magkaroon ng ice cream parlor dito sa lugar natin! Ang ganda pa ng design." She can't hide her excitement.
Kahit pa'no ay nabawasan naman na ang nararamdaman nilang awkwardness isa't isa. Medyo masalita rin naman kasi ito habang nasa biyahe sila. He tried to make her feel comfortable.
"I'm glad you liked it... mahilig ka sa sweets?" tanong nito habang inaalis ang helmet niya.
"Oo, sobra! Hindi ako mapapakali kapag 'di ako nakakain ng sweets sa isang araw!"
Bahagyang itong tumawa. "What specific chocolate do you like?"
"Reese! I love Reese!"
His mouth curved into a smile. Noon lang lang narealized ni Ramona ang pagiging madaldal.
"Hmmm... so you love me?" He looked at her, leaning closer to her.
Nag-init ang pisngi niya. "I-I mean, the chocolate..."
"REESE! MONA!"
Sabay silang napalingon sa pinanggalingan ng boses. Nakita nilang lumabas si Maddison galing sa loob ng shop at naglakad patungo sa kinaroroonan nila.
"Kanina pa namin kayo hinihintay sa loob." Kumapit ito sa braso ni Reese at saka bumaling sa kaniya. "Hinahanap ka na rin Wes, Couz."
Tipid na tumango si Ramona at mabilis na tinalikuran ang dalawa. Ngunit bago siya pumasok sa loob ng Ice cream parlor. Sinulyapan niya ang mga ito at nakitang ngiting-ngiting humilig sa balikat ni Reese si Maddison. . .
Huminga siya ng malalim at inalis ang tingin sa dalawa. Nilibot niya ang tingin. Nakita niyang kumakaway si Penelope na nasa tabi ng glasswall.
"Mona, Here!"
"Bakit ngayon lang kayo?" Umisod si Wes ng upo para bigyan siya espasyo sa tabi nito.
"Thirty minutes naman talaga ang biyahe mula sa Greendale hanggang dito sa downtown," sagot niya.
Wala pang ilang minuto dumating si Mads at Reese.
"Hoy! Tinakot mo ba si Mona!" Maangas na baling ni Wesley sa pinsan nito.
Lumingon si Reese at nagsalubong ang kilay. "f**k you! Enjoy nga si Mona sa pagsakay sa scooter ko. She enjoyed hugging." Ngumisi ito para mang-asar.
Pinamulahan ng mukha si Ramona at hindi nagustuhan ang sinabi nito. Pa'no na lang kung mag-isip ng hindi ang mga kasama nila? Lalo na si Mads na napansin niyang natigilan.
Binato ito ni Wesley ng coat na nakasabit sa balikat nito. "Asshole! In your dreams!"
The corner of Reese's mouth turned up giving Wesley a provoking stare. "You can asked her if you want. She also says she loves me—"
"Reese." Malumanay niyang saway sa binata.
Sinulyapan siya ni Reese. Huminto naman ito sa pakikipag-asaran kay Wesley at hindi na ulit nagsalita hanggang sa dumating ang order nila.
Everyone felt the tension in the air. Hindi umiimik masyado si Mads, na nakakapanibago. Hindi naman inaalis ni Wesley ang braso sa balikat niya. Tahimik na nagmamasid naman si Benji at Penelope.
"Reese!"
Napa-angat ang tingin ni Ramona mula sa kinakaing ice cream. Nang lumapit sa kanila ang isang magandang babae. She's wearing a white floral spaghetti strap dress that hugged her body perfectly. Maputi ito at kapansin-pansin ang masayang awra.
"Mom!" Bulaslas ni Reese na napatayo sa kinauupuan nito.
Umawang ang mga labi ni Ramona nang makita ang pagkakahawig ng babae kay Reese. She really looked young though. Parang kapatid lang ni Reese. And no wonder where he got his good looks.
"Bakit hindi mo ako pinakilala sa new friends mo, ha?"
Nakasimangot na isa-isang silang napipilitang in-introduce ni Reese sa mommy nitong si Mrs. Winona Betham. Natigilan si Ramona nang huminto ang paningin nito sa kaniya at pinakatitigan siya.
"Reese!" Amuse na bulaslas nito at namimilog ang mga matang kumapit sa braso ng anak. "Her hair! Natural ba 'yan?"
"Yes, Mom. You can go now!" Pagtataboy nito sa Ina.
Ngunit imbes na umalis, lumapit ito sa kaniya at hinawakan ang buhok niya. "Wow! So, beautiful! I'm so fascinated with ginger hair. Kaya nga nag-asawa ako ng foreigner. But sad to say hindi red hair!" Lumabi ito at saka bumaling kay Reese. "Make her your wife!I want ginger hair grandkids!"
Nasamid si Ramona sa kinakain niyang ice cream. Namilog naman ang mata ni Reese at Wesley.
"Mom!"
"Tita!" Sabay na bulaslas ng dalawang lalaki.
Malutong na humalakhak ang ginang sa nakitang reaction ng magpinsan. "I'm just kidding! kayo naman... I know girlfriend siya ni Wes!" Mrs. Winona rolled her eyes. "Anyway, maiwan ko na nga kayo at marami pa akong aasikasuhing bisita, enjoy!"
Subalit bago tuluyang umalis ay may ibinulong ito sa kaniya. "Mas gwapo naman ang anak ko kay Wesley, Hija. Your genes can make a beautiful babies for sure." Ngumisi ito at saka tinapik siya sa balikat.
"Mom!!!" Reklamo ni Reese sabay hinila na ang mommy nito palayo.
"OA mo, Reese William!" Angil ng ginang na tatawa-tawa na lang na nagpatangay sa anak.
Nahihiyang niyuko ni Ramona ang ice cream na kinakain niya upang ikubli ang namumulang pisngi.
Subalit hindi niya magawang pigilan ang pag-guhit ng ngiti sa labi. . .