Chapter 2: How We Met

3375 Words
TUMUNOG ang malakas na school bell hudyat na magsisimula na ang klase. Nagmamadaling pumasok ang mga estudyanteng nakatayo sa gilid ng hallway sa classroom at nagsipag-upo sa silya ng mga ito. "Nandiyan na si Ma'am!" Humahangos na sigaw ng may binatilyong sumungaw sa pinto ng classroom. Mabilis pa sa alas-kwarto na kinuha ng buong klase ang libro at notebook dahil sa takot na mabulyawan ng istrikra at terror na teacher sa history. Abot-abot ang kaba ni Ramona na niyuko ang libro at nagpanggap na nagbabasa. Takot na takot siya sa masungit nilang teacher. Nasaksihan niya kasi kung paano nitong sinigawan at pinatayo sa unahan ang mga kaklase nahuhuling nakikipag-daldalan. She hates being the center of attention, lalo na ang mapahiya. Kaya naman maingat ang bawat kilos niya. "Pssst!" Kunot ang noong napalingon siya nang marinig ang pagsitsit mula sa kaniyang likuran. Mayamaya ay naramdaman niya ang pagsundot ng lapis sa balikat. Lumingon siya sa pinsang si Maddison. They are literally the total opposite of each other. Kung si Maddison ay sinalo ang lahat ng self confidence, wala namang natira kay Ramona. Mula pa kindergarten magkasama na silang dalawa. Si Madisson ang extrovert at mahilig sa mga revealing outfit. Habang si Ramona naman ang introvert at medyo conservative. Dakilang tagapag-tanggol niya si Madisson. To the rescue ito kapag may mga nang-aasar at nang-aaway sa kaniya. She's her savior and bestfriend. She didn't know, how will she survive childhood without Madisson. Malaki ang pasasalamat at utang na loob niya sa pinsan. Kaya naman nagdesisyon ang mommy ni Ramona na pag-aralin si Madisson ng highschool para magkasama sila at tulong na rin kay Aunt Magda na isang single parent. "What?" Ramona mouthed. Nagliwanag ang mukha nito sabay ngumuso sa unahan. Bumalik ang tingin niya sa unahan at natigilan nang makitang dumating si Mrs. Avelarde. Hindi ito nag-iisa. May kasamang matangkad na lalaki. Mukhang bagong estudyante. Nakasuot na ito ng official uniform ng school nila na kulay navy blue na coat, puting longsleeves polo na panloob at navy blue rin na pantalon. "Good morning, class," bati ni Mrs. Avelarde. "Good morning, Ma'am!" Tugon ng buong klase. "As you can see we have an addition to our class." Sinulyapan ng guro ang binatang katabi. "Introduce yourself." Nagbulungan na parang bubuyog ang mga estudyante habang pinupukol ng iba't ibang uri ng tingin ang bagong kaklase. May humahanga, nagtataka at na-iintriga. Napakamot sa batok ang lalaki. Halata sa itsura na naiilang ito na para bang ayaw napupunta rito ang atensyon ng nakararami. "Um, Hi..." He clears his throat, and loosened his necktie a bit. "I'm Reese William Bentham. My friends calls me Ree, Reese, Will. Whatever suits you it's fine with me..." Curious na pinagmasdan ni Ramona ang bagong kaklaseng nagpapakilala sa unahan. He's quite tall with piercing blue eyes that resembled the deep ocean. He has pointed nose, prominent jawline and chocolate hued bouncy hair that seems to dance with every move he make. She couldn't help but also notice the small scar on his left eyebrow. Until her gaze landed on his lips. It looks so soft with subtle curves. Hindi naman ito ang unang beses na nakakita si Ramona ng gwapo. In fact gwapo rin naman ang boyfriend niyang si Wesley. But there's something interesting and eye catching with her new classmate. Hindi niya alam kung dahil sa kakaibang kulay ng mga mata nito o undenialable charm? Pasimpleng sinulyapan ni Ramona si Wesley na nakaupo sa right side niya. Patawa-tawa ito habang nakatingin sa bagong nilang kaklase. Bumalik sa unahan ang atensyon niya nang matapos magpakilala ang binata. Nangingiting ipinamulsa nito ang mga kamay. "Reese?" Nagtaas ng kamay ang muse nilang si Mela. "Pwedeng magtanong?" Maarte pa nitong nilaro ang makapal na strands ng buhok sa daliri. "Yes?" Reese asked politely. Kinagat ni Mela ang hintuturong daliri. "May girlfriend ka na ba?" Napuno ng kantiyawan at tilian ang buong klase. Mostly mga kaibigan ni Mela at ang grupo ng mga kalalakihang likas na mapang-asar. "Wooaahh! Mela, on the moves!" sigaw ng mga kaklase nilang lalaking nakaupo sa huling row. "QUITE!!" Nanlalaki ang mga mata at butas ng ilong na singhal ni Mrs Avelarde. "Stop it! Kung ayaw niyong ma-detain!" banta pa nito. Tumahimik na uli ang klase. Inilibot ni Mrs. Avelarde ang paningin sa classroom, hinahanapan ng mauupuan ang bagong estudyante. Nanatili namang nangingiting nakapamulsa si Reese na nakatayo sa tabi ng guro. "Madisson," huminto ang tingin ni Mrs. Avelarde sa likuran ni Ramona. Ibinaba nito ang makapal na salamin sa mata at kinunotan ng noo ang pinsan niya. "Stand up." "Ma'am?" Nagtatakang usal ni Maddison. Umangat ang isang kilay ng guro rito. "I said stand up." "Ano ba 'yan," pareklamong bulong nito bago napipilitang tumayo at padabog na isinukbit ang bag sa balikat. Pasimpleng sinulyapan ni Ramona ang pinsan at nakitang nagsasalubong ang kilay nito at nanghahaba ang nguso. "Nagrereklamo ka?" Nakataas ang kilay na sita rito ni Mrs. Avelarde. "Hindi po, Ma'am," pabalang na sagot Madisson sabay humalukipkip. "Maupo ka sa unahan ni Ramona, puro kadaldalan lang ang inaatupag mo diyan sa likuran!" "Hindi naman ako dumadaldal.. kainis..." bubulong-bulong na sabi ni Maddison na pigil ang pagtirik at pagtaas ng mga kilay na sumunod sa utos ng guro. Binalingan ni Mrs. Avelarde si Reese. "And you, maupo ka roon sa inalisan ni Maddison, sa likod niyang babaeng may kulay ang buhok." Turo nito kay Ramona. Tumango at sumunod si Reese sa inutos ng guro. Nakahawak ang kamay sa strap ng backpack na lumakad ito sa aisle. Nang dumaan ang binata sa kinauupuan ni Ramona, mula sa sulok ng mga mata ay napansin niyang sumulyap ito sa direksyon niya. Bigla ay bumilis ang pintig ng puso niya. DudumDudumDudum! "BRO!" Lumingon si Ramona nang marinig si Wesley. Nakita niyang nakipag-highfive ito kay Reese at saka dumukwang at may ibinulong sa bago nilang kaklase. "Welcome to South Side Greendale High! Where girls love to f**k!" Isa sa hindi niya gustong ugali ni Wesley, ang pagsasabi nito ng mga bagay na wala namang katotohanan. Pati na rin ang mga mga offensive jokes. Kung sa circle of friends nila ang makakarinig ay ayos lang dahil sanay naman na kasi sila rito. Kaso pa'no kung ibang tao? Mamimisinterpret pa ito at baka sabihan ng hindi maganda. Naiiling na sinaway ni Ramona ang binata nang marinig ang sinabi nito. "Wesley." He looked at her apologetically. "Sorry." "Ouch! Under!" Singit ni Maddison habang nang-aasar na nakangisi kay Wesley. "May respeto lang ako kay, Mona," nakataas ang sulok ng labi na sagot rito ng binata. Umirap si Maddison at hinawi ang buhok bago binalingan si Reese na nakaupo na sa pwesto nito. "Anyway... Welcome to the jungle, Reese." "Thanks! Mads, right?" Ngumiti bago nilingon si Wesley at nakipag-fistbomb naman dito. "Hey, bro!" Nangingiti at naiiling na pinagmasdan ni Ramona si Maddison na nakatitig na lang kay Reese kagat ang ibabang labi. Oh-uh. He better watch out, nagsisimula na si Mads the seductress! "Rams!" Kunot noong napalingon si Ramona sa tumawag sa kaniyang pangalan at nakita ang kaibigang si Penelope. Mukhang hindi ito mapakali. "What?" Nagtatakang bulong niya. Umikot ang mga mata nito bago pumilas ng papel sa notebook. Nagmamadali itong nagsulat doon, binilog at saka ibinato papunta sa kaniya. Bumagsak ang papel sa kandungan ni Ramona. Binasa niya ang nakasulat sa papel. "Nasan si Benji?" Sinulyapan niya ito bago siya nagsulat sa papel at inihagis iyon pabalik sa kaibigan. "I dont know... Maybe he's at the library?" Noon tatlo lang silang magkakaibigan siya, si Benj na naging bff niya no'ng kindergarten at si Madisson. Nang mag-transfer si Penelope noong sophomore year, sa kanila nito napiling makipag-kaibigan. Na later on, nalaman ni Ramona ang totoong dahilan. Secret crush nito si Benj. Habang si Wesley naman ay napasama lang rin sa grupo noong sagutin niya ang panliligaw nito. Tumingin sa wrist watch niya si Penelope. Mayamaya ay nasundan na lang niya ito ng tingin nang biglang tumayo. "Ma'am, can I go out?" Umangat ang tingin ni Mrs. Avelarde sa pinapasadahang attendance sheet. Nakataas ang isang kilay na tinitigan nito ang hindi mapakaling si Penelope. "Ma'am... a-ano kasi, may UTI po ako at bawal magpigil ng ihi." humawak pa ito sa puson at nagkunwaring namimilipi para mas magmukhang makatotohanan ang pagsisinungaling. Nagdududang tinitigan ito ng guro bago sumenyas at tumingin sa tumingin sa relo nito. "I'll give you fifteen minutes, Ms. Morris. Kapag wala ka pa in fifteen minutes I'll mark your attendance as absent." "Yes, Ma'am!" Lihim na ngumisi at kumindat pa si Penelope sa kaniya bago nagmamadaling lumabas ng classroom. Sigurado si Ramona na hahanapin lang nito si Benji kaya nagpaalam na lalabas. Lihim na binabantayan ni Penelope si Benji. Kung lihim pa ngang matatawag 'yon. Kahit kasi saan magpunta si Benji nakasunod si Penelope. Hindi pa kayang ipagtapat ni Penelope ang nararamadaman nito para kay Benj. Natatakot kasi itong baka masira ang pagkakaibigan nila. Kaya naman bantay sarado ito sa kaibigan. Baka raw kasi makahanap bigla ng iba. Napailing si Ramona. Hindi niya maintindihan, bakit may mga taong gagawin ang lahat para sa love? Hindi kasi gano'n ang nararamdaman niya para kay Wesley. Masama ba siyang girlfriend? Napaigtad si Ramona nang may kumalabit sa na kaniya mula sa kaniyang likuran. Lumingon siya at nakita dumukwang si Reese. Hindi nito inaalis ang tingin sa kaniya. "B-Bakit?" Why does she has to stutter? "I saw this under your chair." Anito sabay iniabot ang pink niyang handkerchief. "Oh... thank you.." Sumandal ito sa upuan, umangat ang sulok ng labi at ngumiti. "You're welcome, Ramona..." Why does it sounds like he it whispered to her ears? Pinamulahan ng pisngi si Ramona sa naisip. What is happening to her? Umangat ang mga kilay nito habang nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ay gumihit ang pilyong ngiti sa labi. "Why are you blushing?" Nag-iwas ng tingin si Ramona. "W-What? Of course not..." "Hey! Off limits si Mona!" agaw ni Wesley sabay binato ng notebook si Reese. Nilingon niya si Wesley. Bakas ang iritasyon sa mukha nito habang masamang tinititigan si Reese. Natawa naman si Reese. "What? I didn't do anything. I just gave her handkerchief, right?" baling nito ulit sa kaniya sabay kindat. Binato ulit ito ni Wesley ng nilamukos na papel. "I said she's off—" "At the back!" Bulyaw ni Mrs. Avelarde. "Ang aga-aga nanliligaw kayo diyan! Reese! Wesley! Ramona! Face at the front, kung ayaw niyong tumayo dito sa harapan!" Hiyang-hiya na niyuko ni Ramona ang mukha sa libro. Kulang na lang magtago siya doon. First time niyang mapagalitan at special mention pa! Nakakahiya! Narinig niyang ang mahinang pagtawa ni Reese. Palihim niyang sinulyapan ang bagong kaklase at nahuli itong pinagmamasdan siya... Is he really checking her out? *** Pagdating ng lunch break, tulad ng nakasanayan nila Ramona sabay-sabay silang nagtungo nina Penelope at Maddison sa canteen. Umupo sila sa paborito nilang pwesto. "Saan si Wesley?" Tanong ni Mads kay Ramona nang mailapag na nila ang mga lunchbag sa table. Nagkibit balikat siya. Nauna na silang tatlo. Pinaiwanan kasi si Wesley ng teaher nila sa Math. Kinana pa nga, inaalala ni Ramona kung anong dahilan. Sana naman ay wala itong failing grades. Hindi nagkukulang sa mga paalala kay Wesley pagdating sa mga assignments, recitation, at quizzes. Madalas niya rin itong tulungan gumawa ng project. Sa katunayan iyon ang dahilan bakit niya sinagot ang binata. Pinakiusapan siya Mama ni Wesley. Na baka raw makinig at maging magandang ehemplo siya rito. Mailayo niya sa mga bad influence na kabarkada. Mukhang effective naman dahil mula no'ng maging magkarelasyon sila, minsan na lang niyang makitang sumasama si Wesley sa dating mga kaibigan. Nakakapasa na rin ito sa mga exams at quizzes nila. Masaya si Ramona na nakakatulong sa ibang tao. Minsan nga lang ay nakokonsensya siya lalo kapag sinasabihan siya ni Wesley ng I love you at tanging ngiti lang ang isinasagot niya. "Kakausapin raw siya ng teacher natin sa Math," sagot Ramona pagkatapos maupo sa kaniyang silya magkatabi sa harapan niya si Mads at Penelope. "Ang cute nung transferee 'no?" Pagiiba ni Mads na sa topic. Tinusok nito ng isang hiwa ng chicken sa baon niya at saka isinubo. "I heard pinsan siya ni Wesley." "Really?" Nag-angat ng tingin si Penelope mula sa pagpipindot sa latest na cellphone nitong Nokia 1100. "Oo nga. Hindi convincing 'no? Ang laking gwapo ni Reese kay Wesley." Ngumunguyang tugon ni Maddison. "Narinig kong usap-usapan sa kanila daw 'yong bagong ice cream parlor sa downtown. What's that name?" nangunot ang noo ni Penelope na tila nag-iisip. "Ayon! The Drippity Cone." Natigilan sa pagsubo si Mads at namilog ang mga mata. "Wow! Hindi lang pala siya cutie! Mayaman rin!" Nagniningning ang mga mata nito sa excitement. Turned on para sa pinsan niya ang mga lalaking may kaya sa buhay. Out spoken naman si Mads na gusto nitong makapangasawa nang hindi na nito kakailanganing magtrabaho at pagpapaganda na lang ang aatupagin. Hindi rin naman ito masisi si Ramona. Lumaki ang pinsan niyang hirap sa buhay. Ang mga pinaglumaan niyang damit ay dito napupunta. Hindi rin ito makakatuntong ng highschool kundi pinag-aral ng Mommy niya. Kaya naman abot-abot ang pasasalamat ni Aunt Marga sa kanilang mag-ina. At ewan ba niya rito sa lugar nila. Palibhasa maliit lang ang populasyon at halos magkakakilala ang residente, kapag may bagong mukha usap-usapan na kaagad. Lalo na't nagpatayo pa ng business. Talagang mainit ang balitang iyon. The South Side Greendale, have a nice weather. Most of the year, malamig ang klima ang klima sa lugar nila. There's forest of pine trees and strawberry farm na dinadayo ng mga tourista. In nearby town, meron lake kung sila madalas maligo kapag summer. Hindi rin uso ang jeepney's at tricycle. Advocate kasi ng mother nature ang governor at mayor nila. The transportation they have are eco friendly and shuttle. Ang mga estudyante naman malimit na bike ang gamit at scooter. Tumawa si Penelope sa reaction ni Madisson. "Mukhang dumating na ang pinakahihintay mong prince charming, Maddie!" Sumalong-baba si Madisson at parang nanaginip na pumikit-pikit. "He's so handsome. Ngayon lang ako nakakita ng blue eyes sa buong buhay ko! I've never imagine na magkakaroon ng mas gwapo sa crush kong si Leonardo De Caprio!" Tumango-tango si Penelope. "At naalala niya ang pangalan ko! 'Di ba narinig mo 'yon, Mons? Sabi niya. . . Mads, right? 'Di baaaa!" kinikilig na mahinang tili nito. Natatawang napailing si Ramona. Sanay na siya sa ugali ng pinsan niya. "Speaking of..." Sinundan nila ng tingin ang hinahayon ng mga mata ni Penelope. Nakita nilang naglalakad papunta sa direksyon nila si Wesley at Benji kasama ang transfer student na si Reese. Nagmamadaling sinuklay ni Madisson ang buhok gamit ang mga daliri. "Guys, ano maganda na ba ako?" pabulong na tanong nito habang pinapagpag ang nagusot na uniform. "Straight body girl and chin up!" utos ni Penelope na sinunod naman ni Mads. Iiling-iling na inilabas naman ni Ramona ang water cooler sa lunch bag. "Hi, girls!" Bati ni Wesley ng makalapit ang tatlo. "Okay lang ba sumabay sa'tin si Reese?" "Of course!" Maagap na sagot ni Mads. Umisod ito at tinapik ang bakanteng silya sa tabi nito. "Here you can sit beside me." Nagkabit balikat na naupo si Reese doon katapat si Ramona. "Benj! Dito ka, oh," tawag ni Penelope kay Benji na akmang uupo sana sa tabi ni Ramona. "Oo nga! Dapat tabi ng girlfriend ko," segunda ni Wesley na siyang umupo sa tabi niya. "Okay," pabaliwalang sagot ni Benji saka tinungo ang katabing silya ni Penelope. Nang makaupo ang lahat pasimpleng nagtanong-tanong si Mads kay Reese. "Totoo, Reese, magpinsan kayo nito?" Dinuro nito ng hawak na tinidor si Wesley. Nagtaas ng tingin si Reese na abala sa pagkain. Nang-iinis na umiling saka ngumisi. "Yes. Wether we like or not." "Hoy! Ang kapal nito, ah! Mas gwapo ako sa'yo nang 'di hamak!" angal ni Wesley sabay binato kay Reese ng nilukot na balat ng candy. Natatawang umiwas si Reese. "Who told you?" "My Mom, Man! My Mom!" anito at binato ulit ang pinsan ng candy wrapper. Sinalo iyon ni Mads. Umiirap na sinaway si Wesley. "Pwede ba! Itali mo nga yang boyfriend mo, Mona!" Binalingan nito ulit si Reese. "Uhmm.. Reese, yung bagong ice cream parlor sa downtown sa inyo ba 'yon?" Tumamgo si Reese. "Yes." "Wow!" Namilog ang mga mata ni Mads, na parang kanina lang ay hindi nito pinag-uusapan ni Penelope ang tungkol doon. "Nice choice of business. Kayo pa lang ang nakaisip magpatayo ng ganyan dito sa 'tin. For sure dudumugin ng mga istudyante 'yan," komento ni Benjamin matapos uminom sa water jug nito. "My mom really loves sweets, especially ice cream." "Really? Parehas pala kami ng Mommy mo!" Namumungay ang mga matang singit ulit ni Mads. Bahagyang sinulyapan si Ramona sa pinsan niya. Kailan pa nahilig si Madisson sa sweets? Ayaw nitong kumakain kahit chocolate dahil nakakataba raw iyon. Body concious kasi ng pinsan niya. Unlike her, palaging puno ang refrigerator ng resse's chocolate. Paborito niya kasi iyon. "So, kaya ba Reese ang name mo? Kinuha ng Mommy mo sa chocolate?" Si Mads na 'di nilulubayan ng titig si Reese. Nahihiyang napakamot sa batok ang lalaki. "I think, so. Minsan napagkakamalan tuloy akong babae," he chuckled. "Hindi, ah! Kasing cute mo nga name mo, eh!" Muling natawa si Reese. "Oh? God, such a liar." Mads pouted, nagpapacute "Of course not!" "Uhmm, excuse me?" Agaw ni Penelope sa atensyon ng binata. "Kailan pala ang opening ng ice cream parlor niyo?" "Next week. You guys are all invited!" Namilog ang mga mata ni Penelope. "Wow! That's so nice of you! Thanks!" Kumapit naman sa braso ni Reese si Mads. "Ah! Cutie na nga generous pa!" "It's nothing," nakangiting sagot nito. "Bakit ka nga pala nag-transfer? I mean, it's unusual na lumipat sa huling year ng highschool, right?" Nagtatakang tanong ni Benji. Pasimpleng sinulyapan ni Ramona ang lalaking nakaupo sa harapan niya. Naisip rin niya iyon. Wala lang siyang lakas ng loob magtanong. "Nagkaroon ng konting problema sa dati kong school. And we decided to moved here since, taga-rito ang lola ko." Nag-iwas ito ng tingin at tipid na ngumiti. "To move here as in for good?" Dagdag ni Benji. Tumango-tango si Reese. "For good." Nanlaki naman ang mata ni Maddison sa narinig. "Talaga? OMG! Magiging neighbors na pala tayo for life!" Neighbors... saan kaya ito nakatira? Most upper and middle class resident resides in the subdivision where she's living with her mom. Iyon na kasi ang pinaka-magandang subdivision dito sa kanila. Taga-roon din kaya si Reese? Why are you asking, huh? You already have a boyfriend! Sigaw ng isip niya. Sa mga sumunod na sandali, tahimik na nakikinig lang si Ramona sa masayang kwentuhan ng mga kaibigan. Pangiti-ngiti at patango-tango ang tugon kapag naisasali siya sa usapan. Hindi naman talaga siya madaldal tulad ni Penelope at Mads. Madalas taga-pakinig lang siya. Kung hihingin ang kaniyang opinyon at komento, bukas naman siyang magbigay. But to start a conversation? That's something she's not comfortable with. Likas ang pagiging mahiyain sa kaniya. Sanay siyang malalapit na kaibigan at matagal na kakilala lang ang hinahayaan niyang lumapit sa kaniya. And somehow, Reese presence gives her unfamiliar feelings that she cant quite identify... Nang tumunog ang bell, sinimulan na nilang iligpit ang mga baunan. Inilalagay ni Ramona sa loob ng lunch bag ang lunchbox niya, nang matigilan siya ng biglang hawakan ni Reese ang dulo ng mahabang buhok niya.. Nag-aalangan na nag-angat siya ng tingin. He gently smiled at her. "Is this... natural?" Marahang pa nitong inikot sa hintuturong daliri ang makapal na hibla ng buhok niya. Tumango si Ramona at saka tipid na ngumiti. "Oo..." "You have a beautiful hair," komento nitong bakas ang paghanga sa mga matang hindi inaalis ang titig sa mukha niya. "This is the first time I've seen someone with naturally red hair..." She couldn't utter a word, nakatitig lang siya rito. "British kasi ang father ni Mons." Imporma ni Madisson na tipid na ngumiti. "Mona is really beautiful," singit naman ni Wesley at saka siya inakbayan. "Ang swerte ko nga kasi girlfriend ko siya, eh." Dugtong pa nito sabay hinalikan ang kaniyang pisngi. Nag iwas ng tingin si Reese at binitiwan ang kaniyang buhok. Namula naman ang pisngi ni Ramona. Hindi niya gusto na hinahalikan siya ni Wesley sa harap ng ibang tao o mas tamang sabihing, ayaw niyang hinahalikan siya nito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD