"s**t!" Inis na napatayo si Maddison. Hindi nito inaalis ang malagkit na titig kay Reese na nasa stage. "So, who's our lucky girl?" Umikot ang paningin ng host sa paligid, inaabangan kung sino sa crowd ng mga kababaihang nag-swo-swoon sa harapan ni Reese ang pupunta sa unahan. Ramona remained seated. Mahigpit niyang hawak sa nakakuyom na kamao ang piraso ng papel. "Sino kayang nakakuha sa pair na susi ni Reese!" Nangingitngit na bulong ni Mads habang nanghahaba ang nguso. "Wala ba? Walang bang nakakuha nung partner ng key ni Reese?" Pagtatanong ulit nung host. "Raffle na lang!" "Shaks! I-pa-auction na lang si Reese!" Sunod-sunod na suhestiyon ng mga kakaibahan. Masama ang tinging nilingon ni Maddison ang mga ito. "Mga bruhang 'to! Desperada!" Nagtatakang palihim na sinulyapa

