CHAPTER 16

2419 Words

CHAPTER 16 "ASHEEERRRR!" Pagtawag ko sa lalakeng may kagagawan ng lahat ng pagdurusa ko kagabi. Kulang na lang ay umabot sa kabilang baryo ang boses ko sa lakas ng sigaw ko. Nakita ko siyang natatarantang lumabas ng bahay. Bakas ang pag-alala sa kaniyang mukha. Ngunit nang makitang maayos lamang ako ay para ba siyang nakahinga ng maluwag. Napabuga siya ng hangin bago naglakad palapit sa akin. "Bakit ba ang ingay-ingay mo, Caliyah? Akala ko naman kung ano na ang nangyari sa 'yo." Bumaling ang atensyon niya kay Manang Susi. "Kayo po pala, Manang Susi. Magandang umaga po sa inyo." Ngumiti ito ng matamis at binati naman siya pabalik nito. "Ano iyong kinukuwento mo kagabi tungkol sa batang nahulog sa balon at sa ina nitong nagpakamatay dahil sa trahedyang nangyari?" Pigil galit kong tanong.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD