CHAPTER 3

5000 Words
Chapter 3 "You will be my maid or you will be on jail?" Kaagad akong napatayo dahil sa itinanong niya. Is he blackmailing me? Sino ba siya para sabihin iyan sa akin? "You cannot do that to me!" "Kung ayaw mong pagbayaran ang kasalanan mo willing naman akong magsampa ng kaso." "W-Wait! Bakit mo ako sasampahan? Hindi ba at sinabi ko nang hindi nga ako ang sumunog ng sakahan? Ilang ulit ko bang dapat sabihin iyon?" Giit ko. "Pero maraming nakakita sa iyo sa crime scene. Bukod pa roon ay may mga ebidensyaring nahanap sa gamit mo na magdidiin sa 'yo sa kasong ito," sagot nung Hepe. Pasalampak akong naupo at humalukipkip. Alam ko sa sarili ko na ako ang may gawa. Tama sila, walang ibang tao sa crime scene kundi ako. Pero hindi ko pa rin talaga alam kung bakit nagsiga iyon ng ganoon kabilis. Siguro dahil na rin sa sobrang init ng panahon at sa mga tuyong dayami. "Hindi ako papayag na makulong. You don't know me. My lawyer need to know this. Wait, I will just call my lawyer—" Napatigil ako sa pagtayo nang maalalang hindi ko pwedeng ipaalam sa lawyer ko dahil tiyak na malalaman nina Mom at Dad kung nasaan ako ngayon. Isa pa, paano kapag ipinagkalat ng lawyer ko na may ganito akong kasong kinakaharap? OMG! Malaking isyu iyon at paniguradong masisira ang reputasyon ko. Bumalik ako sa upuan ko at humugot ng malalim na hinga. "Okay fine," tipid kong sambit na halatang napipilitan. "Anong ibig mong sabihin, na pumapayag ka na sa gusto kong mangyari?" tanong niya. Tumango-tango ako. Wala akong ibang choice kundi ang sundin siya. Isa pa, ayokong mabahiran ang pangalang iniingatan ko. Malaking kahihiyan ito sa aming pamilya. Siguradong isusumpa ako ng mga magulang ko kapag nalaman itong nangyari sa akin. Bukod pa roon ay kailangan kong protektahan ang aking imahe. Ayoko ngang magmukhang katawa-tawa sa mga kalaban ko sa fashion industry. "Gaano ba katagal?" "Hanggang sa maani mo ang mga palay." "What! Seryoso ka ba d'yan?" "Panahon na ng anihan ngayon. Ilang buwan kami naghintay at nagpakahirap mapatubo lamang ang mga palay. Ngunit dahil sa ginawa mo nabalewala lahat ng aming paghihirap at maraming nawalan ng makakain." Wow huh! Nangonsesya pa. As if naman pati na mayroon ako nun. "Gaano ba katagal bago maani ang mga palay?" tanong ko. "Mga apat na buwan hanggang lima." "Seryoso ka ba d'yan? Gusto mo talaga akong maburo rito sa boring ninyong lugar?" "Kung ayaw mo hindi naman problema iyan. Maluwag pa sa selda kasyang-kasya ka pa." "How dare you!" "Taga-saan ka ba kasi, Ms. Corsiño?" tanong ng Hepe. "It's none of your business," I answered him in annoyance. Baka makarating pa ito sa magulang ko kapag sinabi ko. "Tinatanong mo pa Hepe halata namang takas sa Mental ang babaeng iyan. Suot pa lang halata mo nang hindi maayos ang pag-iisip." "Hindi ako baliw!" "Kung hindi ka baliw bakit nakaganiyan ka? Katanghaliang tapat nakatrahediboda? Ayos ka lang?" "T-This is f-fashion." Katwiran ko. "Palibhasa kasi kayong mga mahihirap wala kayong alam sa fashion at sa trend." Parang gusto ko na lang matunaw sa kinauupuan ko ngayon dahil sa mga pinagsasabi ko. Pero syempre hindi ko naman hahayaan na magpadaig sa lalakeng ito at magmukha akong katawa-tawa sa paningin ng lahat. Isa akong Corsiño, hindi ako dapat inaapi. "Ano na ba ang plano mo ngayon, Mr. Delveña?" Delveña? Bakit parang pamilyar sa akin ang apelyedo niya? "Hindi ako papayag na peperahin niya lang lahat tapos okay na, laya na siya. Gusto kong pagbayaran niya ng dugo't pawis niya ang ginawa niya." "Wow huh! Grabe ka naman sa dugo't pawis." "Malalaman mo na totoo iyan at hindi pagiging extraggerated kapag nandoon ka na." "Limang buwan? Hmmm... S-Sige, payag ako." Parang gusto ko nang putulin ang dila ko matapos kong sabihin iyon. Jusko! Padalos-dalos yata ako. Pero wala na kasi talaga akong pagpipiliian. Kapag hindi ako pumayag makukulong ako. I know naman na makakalaya rin ako pero ang kapalit naman nun ay mababahiran ng kahihiyan ang aking pangalan. Bukod pa roon ay malalaman ng magulang ko kung nasaan ba ako at maaaring ituloy nila ang kasal kapag nagkataon. Ang ikinatatakot ko pa sa lahat just in case na magsabi ako ay baka bago nila ako pyansahan ay gipitin pa ako. Baka sabihin pa nila sa akin na tutulungan lang nila akong makalaya rito kapag pumayag akong magpakasal sa Austive na iyon. Ayoko nga... hindi ako papayag na gamitin nila sa personal na interes. Walang-wala ako sa ngayon dahil kumpiskado rin ng mga magulang ko ang lahat ng cards at ATM ko. Kinuha nila sa akin iyon bago ang kasal dahil baka raw tumakas ako. Alam kasi nila na hindi ako pwede ng walang pera. Dahil sa truck na iyon nasira lahat ng plano ko. Wala na akong matatakbuhan ngayon lalo pa at nasa ganito na akong sitwasyon. Pumayag na rin ako sa gusto niya dahil naisip ko na magandang lugar ito para pagtaguan. Wala kaming relatives o kaibigan dito sa Nueva Ecija kaya alam kong hindi sila maghihinala na nandito ako. "Tutal payag na naman si Ms. Corsiño, pag-uusapan na lang ito sa barangay. Para na rin magkaroon kayo ng pirmahan sa agreement." "Of course we need that agreement para naman fair," pagsang-ayon ko. "Huwag ka mag-alala Ms. Corsiño, kapag may ginawang hindi maganda sa iyo itong si Mr. Delveña, bukas naman ang aming presinto para sa iyong reklamo. Kapag nagkaproblema lumapit ka lang sa amin at tutulungan ka namin sa abot ng aming makakaya." "Salamat po sa tulong ninyo Hepe," aniya at nakipagkamay doon. Bumaling sa akin ang tingin niya, "Huwag kang mag-aalala hija. Kilala ko itong si Asher alam kong hindi ka mapapahamak sa kaniya." "Hindi ko naman hahayaan na mapahamak ako," tugon ko at nakataas ang isang sulok ng labi na tinanggap ang kamay niya. Tingin ba niya magpapadaig ako? Duh! I'm not weak. Umalis na kami sa himpilan nila at dumerecho sa Barangay Hall para pag-usapan ang agreement. Nagpirmahan kami roon sa harap ng Kapitan at ng ilang Barangay officials bilang patunay na sumasang-ayon kami sa ilang bagay. Mas okay na rin na may ganito dahil kung wala baka gawin niyang lampas limang buwan at abusuhin pa niya. As if naman pati na magpapaabuso ako. "Bilis! Bagal na bagal." Reklamo ng lalakeng nasa unahan ko ilang metro ang layo. "Sandali kaya!" sigaw ko naman palabalik. Kagagaling lang namin sa Barangay Hall at pauwi na kami ngayon sa sinasabi niyang bahay niya raw. Alas-tres pa lang kaya ang sakit pa sa balat ng init ng sikat ng araw. Tapos pahirap pa itong suot kong wedding gown. "Wala na bang ibibilis 'yan?" "Ang sakit kaya!" Sinubukan ko uling humakbang papunta sa kaniya pero dahan-dahan lang. Sobrang sakit na ng paa ko dahil wala akong suot pampaa. Bukod sa matitilos na batong natatapakan ko, mainit din ang singaw ng lupa. Kasalukuyan naming tinatahak ngayon ang lubak-lubak na daan sa pagitan ng malawak na palayanan. Nagtaka ako ng maglakad siya pabalik sa akin. "Masakit?" tanong nito sa akin at kita ko ang pag-aalalang nakapinta sa mukha niya. "Obvious ba? Ikaw kaya ang maglakad ng nakapaa ng halos kalahating kilometro. Tapos ang taas pa ng sikat ng araw." Umikot ang mata ko dahil sa inis. Nagtaka ako nang tumalikod siya at umupo ng bahagya sa harapan ko. "W-What are you doing?" Naguguluhan kong tanong. "Sumakay ka na sa likod ko. Papasanin na lang kita," aniya na labis kong ikinagulat. Is he serious? "A-Ayaw ko nga," sabi ko. Baka mamaya ihulog pa niya ako sa putikan. "Kinse minutos na lakad pa. Malayo-layo pa tayo. Ikaw din... ikaw lang din mahihirapan." Napabuga ako ng hangin sa inis at sumakay na lang sa likod niya. Nag-umpisa na siyang humakbang habang ako naman ay hindi maipinta ang mukha. Subukan lang talaga nito na ihulog ako ipapa-hunting ko itong lalake na ito sa mga tauhan ko. "Why are you doing this?" I asked after a long silence. "Ginagawa ang alin?" "This. Why are you helping me. Pwede mo naman akong hayaan na lang." "Tinatanong pa ba 'yan? Sabi mo masakit na paa mo hindi ba?" "Oo nga pero hindi ba at ayaw mo sa akin dahil sa ginawa ko sa palaya—" OMG! Did I just admitted it? "So inaamin mo na ikaw nga ang may kagagawan?" "H-Hindi ah. Of course I'm not. Basta hindi ako iyon. I-It was just a f-frame up... I guess." I heard him chuckled, "Why are you laughing? May nakakatawa ba sa sinabi ko?" "Alam mo hindi mo na kailangang bawiin pa dahil malinaw ang narinig ko. Huwag mong isipin na palagi kita itatrato ng ganito. Ngayon lang ito Binibining Corsiño. Pagkatapos nito sisiguraduhin ko na matutunan mo ang mga dapat mong matutunan. Sisingilin kita, remember?" "Duh! Of course I know. Kaya nga ako napunta sa sitwasyong ito, hindi ba? But don't be happy na agad since it is too early to celebrate. Hindi natin alam pareho ang mga mangyayari sa mga susunod na araw. Malay mo mabaliktad ang ikot ng mundo." "Tingnan natin. Pero sa ngayon ako ang may kontrol kung paano iikot ang mundo mo." Hindi ako nakaimik sa sinabi niya. "Oo nga pala, magkakain ka. Masyado kang magaan." "Really?" I asked in elation. "Oh, thank you for the compliment kahit na matagal ko na namang alam na sexy ako. You just reminded it though." "Kailangan mong kumain ng marami. Mukhang kulang ka sa timbang. Baka magkasakit ka niyan." "I'm on my diet. Saka bakit ako magpapataba eh gusto ko ngang pumayat. Hindi ka ba aware sa ganito? Ito ang desire body ng mga babae. Baka hindi mo alam maraming naiingit sa figure ko. Trend 'to, hindi mo ba alam iyon?" "Paano mo naman nasabi na iyan nga ang trend ngayon?" "Duuhh? Wala ba kayong TV sa inyo at hindi mo alam? Or magazines and cellphones?" "Wala akong TV." "Oh, you're so poor pala. Well, ano pa ba ang ii-expect ko sa inyong mahihirap." "Kayong mga babae ginugutom ninyo ang sarili para sa pagpapapayat na iyan." "We are just trying to be healthy." "Healthy ba iyong ginugutom ang sarili?" "Kaya nga healthy diet, hindi ba? Sinasabayan namin iyon ng proper exercise, enough time of sleep, at positive mindset. Isa pa, kahit mga lalakeng kagaya mo ganito ang gusto sa babae... sexy. May malapad na balakang, maliit na waistline, at malaking hinaharap. Tatanggi ka pa eh alam ko naman na ganoon ka rin." "Hindi ako katulad nila. Saka, miss, kapag naman mahal ka ng tao kahit ano bang size mo tatanggapin ka niya ng buo." "Sus! Sabi mo lang iyan. Ganiyan naman kayong mga lalake sa relasyon. Sasabihin n'yo na kahit tumaba ka mahal pa rin kita. Tapos papakainin ninyo kami ng marami. Ii-spoiled ng mga pagkain. Kami naman na si tanga kilig na kilig. Feeling alagang-alaga at siksik liglig na umaapaw sa pagmamahal. Tapos ano? Kapag lumubo na kami saka naman kayo maghahanap ng iba. Maghahanap kayo ng mas sexy. At kapag tinanong namin kayo kung bakit n'yo nagawa iyon ang isasagot ninyo ay ikaw kasi pabaya. Wow ha! Kami pa talaga?" "Alam mo, miss, hindi ko alam kung saan mo ba nahuhugot ang mga pinagsasabi mong iyan. Pero isa lang ang sigurado ko, hindi ako katulad ng iniisip mo. Oo nga pala, nandito na tayo." Ibinaba na niya ako sa wakas. Nasa harap kami ngayon ng isang kubo-kubo. Typical na bahay kubo iyon na sawali ang dingding at pawid ang bubong. May second floor iyon pero hindi kalakihan. May bakod sa paligid at napapalibutan ang bahay ng mga tanim na halaman at bulaklak. Naglakad siya papasok at sumunod naman ako. "Maligayang pagdating sa bahay ko binibini." "Bahay pala ito? Akala ko kuwarto." "Insultuhin mo lang ako at sinisigurado ko sa iyong sa labas ka matutulog mamaya." "S-Sabi ko nga." Naglakad-lakad ako. "Huwag mong iisipin na porke't pumayag ako sa nais mo ay mapapasunod mo na rin ako. Hindi mo ako kilala, Mr. Delveña. Hindi mo alam kung ano ba ang kaya kong gawin." "Pagbabanta ba iyan?" "Kung iyon ang tingin mo... ganun na nga." "Tingin mo ba natatakot ako sa yo? Oo, siguro nga hindi kita kilala. Pero ipapaalala ko lang na mas hindi mo ako kilala at nasa teritoryo kita." Humakbang siya palapit sa akin. Sa ikalimang hakbang paatras ay naramdaman ko nang tumama ang likod ko sa dingding. Itinuon niya ang magkabilang braso sa gilid ng aking ulo at pinakatitigan ako. "W-What are you doing?" "Huwag mo akong subukan, Ms. Corsiño. Hindi mo alam kung sino ako at kung anong kaya kong gawin sa 'yo rito mismo sa bahay ko." Hindi ko alam pero bigla na lang tumindig ang balahibo ko matapos marinig ang sinabi niya. Gusto ko siyang sigawan pero ayaw bumuka ng bibig ko. "Asher nakauwi ka na b— hala sorry!" Lumayo sa akin itong lalakeng nasa harap ko. Kapwa kami napatingin sa babaeng kadarating. "Ikaw pala—" "Naku pasensya na mukhang nakaabala yata ako. Bakit kasi hindi mo man lang ako sinabihan na plano mo na pa lang lumagay sa t-tahimik." "Nagkakamali ka ng iniisip. Walang kasal na naganap at wala rin kaming ginagawa na masama. Siya si Caliyah ang aking kasambahay." "Seryoso ka? Itong magandang babae na ito kasambahay mo? Nasisiraan ka na ba?" "Basta mahabang kuwento." Naglakad palapit sa akin iyong babae. "Hi, ako nga pala si Ailyn. Kababata ako nitong si Asher," aniya at inialok ang isang kamay sa akin. Pinasadahan ko ng tingin ang kaniyang kabuuan. Mas matangkad ako sa kaniya ng ilang sintemetro, lampas bewang ang kulot niyang buhok, bilugan ang mga mata, malantik ang pilik, makapal ang kilay, hindi katangusan ang ilong, balingkinitan ang katawan, at morena ang kulay. Typical na Filipina beauty. I'm not impress. Mas maganda pa rin ako. At dahil ayaw ko namang magmukhang kontrabida sa kuwento, tinanggap ko ang kamay niya. "'I'm Caliyah... Caliyah Faye Corsiño," sagot ko at tinaasan siya ng kilay. "Ikinagagala kitang makilala Kaliya." Nanakit ang aking tainga sa narinig kong pagbigkas niya sa pangalan ko. "It's not Kaliyah, it's Caliyah. When you pronounced my name you should emphasize the sound of "c" and the sound of "h" at the end. Just put some arte in pronouncing my name. Ang sosyal ng pangalan ko tapos babanggitin mo lang na para ka lang nagtatawag ng suki ng isda sa palengke. Duh!" "Caliyah, itigil mo na nga 'yan." Saway sa akin nung Asher at lumapit doon sa kaibigan niya. Ewan ko lang ah basta I feel something fishy here. "Pagpasensyahan mo na lang sana siya Ailyn. Sa ibang planeta kasi nanggaling ang babaeng iyan." "Huwaaattt?" "Naku okay lang ano ka ba. Kahit naman sino gusto na tama ang pagbigkas sa pangalan nila. Saka maliit lang na bagay ito. At least next time alam ko na kung paano ko bibigkasin ng tama ang pangalan niya." "Oo nga pala, may extrang damit ka ba d'yan, Ailyn? Gaya ng mga damit na hindi mo na ginagamit o hindi kaya ay itatapo mo na." "Hmm... Mayroon ba? Ayun! Oo, mayroon ako. Bakit mo nga pala natanong?" "Kailangan kasi nitong katulong ko." Binigyang diin pa niya ang salitang katulong kaya mas nainis ako. Magsasalita na sana ako pero ako ay kaniyang naunahan. "Kung pwede ibigay mo na sa kaniya iyong ibang hindi mo ginagamit dahil wala lang talaga siyang masusuot sa ngayon?" "Iyon lang ba? Oo naman. Sandali lang ha, kukunin ko lang sa bahay. Hahanapin ko roon iyong mga damit na hindi ko na ginagamit na mapapakinabangan pa niya. Hintayin n'yo lang ako rito at kukunin ko lang." Tumakbo na siya palabas at ako naman ay naiwang nakaawang ang bibig. Seryoso ba siya sa nais niyang pagsuotin ako ng damit na pinaglumaan niya? Take note of pinaglumaan. Simula noong pinanganak ako mga branded at signitures lang ang isinusuot ko. Tapos gusto nila akong pagsuotin ng pinaglumaan? "I'm not going to wear that close." Pagbasag ko sa ilang segundong katahimikan. "Ikaw ang bahala. Choice mo naman iyan. Kung kaya mong manatili sa wedding gown na iyan ng limang buwan, hindi naman kita tututulan." L-Limang buwan? I will stay in this dress for five months? OMG! That's so iwwy. Yuck! "Fine! I'll wear it." Pagsuko ko at pasalampak na naupo sa kawayang sofa. "Kaibigan ko si Ailyn kaya maging mabuti ka sa kaniya. Hindi lang sa kaniya kundi sa lahat ng taga-rito sa San Isidro." "I don't care kung friend mo siya. Huwag lang siyang haharang sa mga gusto kong gawin at huwag niya lang akong pakikialaman then wala kaming problema. Tandaan mo, ang ayaw ko sa lahat ay iyong nagmamarunong." Tumato akong muli at naglakad-lakad, "By the way, where is my room?" I tried to look around searching in my own. "Iyong kuwarto sa taas akin iyon. Ito namang kuwarto na nakikita mo sa baba kila Nanang Isme at Tatang Isko," sagot niya sa akin. "Then where is my room?" "May nakikita ka pa bang ibang kuwarto bukod sa mga binanggit ko?" "W-Wala." "Edi wala." Bored niyang sagot at pasalampak na naupo. "Then where I am going to sleep?" "Sa sofa." "What? Are you having fun of me?" "Kung gusto mong matulog sa kuwarto ko ang kapal naman ng mukha mo." "And who told you that I wanna sleep in your room? Huwag ka ngang assumero d'yan." Dumating na iyong babaeng Ailyn ang pangalan dala ang mga damit na sinasabi niya. "Halika, doon tayo sa kuwarto para masukat mo muna kung kasya sa 'yo." Inaya niya ako papasok doon sa kuwarto raw ng sinasabing Nanang at Tatang nung lalakeng iyon. Dahil babae naman kami pareho hindi na ako nahiyang maghubad sa harap niya. Siya pa ang nahiya. I can remember clearly kung paano siya tumalikod noong naghubad ako. Luh! Parehas lang naman kaming may mga ganito. Saka kahit naman titigan niya ako ng napakatagal hindi niya makukuha ito. Kumasya sa akin lahat ng damit kaso hindi ko bet. Ang babadoy at ni wala man lang touch of fashion. Mukhang ang mga damit na ito ay nagmula pa sa makalumang panahon. Ngunit ano pa nga ba ang i-expect ko sa kaniya? Sa suot pa lang niya ngayon alam ko ng wala siyang alam sa fashion. Kung hindi lang sana ako sumakay sa truck na iyon para magtago, edi sana nasa hotel ako ngayon at pumipili ng mga signiture bags. Iyong pera ko madali lang naman gawan ng paraan. Pero dahil naipit ako sa kasong ito, hindi ako makakilos. Isang maling galaw at tiyak na masisira ang pangalang pinakainiingat-ingatan ko. Buti na nga lang at walang nasaktan sa sunog na nangyari. Dahil kung mayroon kulong na ako sobrang kahihiyan pa ang aabutin ko. At hind ko hahayaan na mangyari sa akin iyon. "Mayaman ka siguro," aniya na nagpatigil sa akin sa pag-aayos ng manggas ng damit. "Ang ganda kasi ng kutis mo saka ang puti. A-Ano ba ang sabon na ginagamit mo?" tanong nito. "Siguro? Remove the word siguro dahil mayaman talaga ako. Anong sabon? Mahal 'yun. Hindi mo kayang bilhin." Ngumiti ako pero syempre kaplastikan lang iyon. Nakita kong nalungkot siya sa sinabi ko pero wala naman akong pakialam sa nararamdaman niya. As if we're friends. Akala ba niya porke't pinahiram niya ako ng damit magkaibigan na kami? No way! Hindi ako nakikipagkaibigan sa mga cheap na katulad niya. I'm not cheap, duh. "A-Alam mo kanina akala ko talaga asawa ka ni Asher. Paano ba naman kasi naka-gown ka. Bakit ka nga pala naka-gown?" tanong nito. "It's none of your business, Miss Ailyn. By the way, you like him, right?" "Huh? S-Sino?" "Sino pa ba, edi si Asher? May gusto ka sa kaniya hindi ba?" "W-Wala ah." Nag-iwas siya ng tingin. Sinasabi ki na nga ba. "Body language mo pa lang alam ko na. Iyong mga tingin mo sa kaniya kanina. Nakita ko rin iyong sakit sa mata mo noong inakala mo na nagpakasal kami. Alam mo maloloko mo siguro lahat pero hindi ako. Hindi ang isang Caliyah Faye Corsiño. My parents didn't raised me and sent me in a prestigious university para lang magpat*nga-t*nga sa buhay." Nilampasan ko siya, "By the way, where is the bathroom?" Lumabas ako ng kuwarto at nakita ko ang naghihintay na may-ari ng bahay. Tinanong ko kung saan ang CR at sinamahan naman niya ako. Iyon kasing una kong tinanong mukhang na-mental block sa mga sinabi ko. Buong akala ko ay nasa loob ng bahay ang palikuran ngunit laking gulat ko na nasa labas iyon. Mga benteng hakbang mula sa bahay ang layo. Bigla ko tuloy naisip, what if naiihi ako sa gabi? Is that mean na kailangan mo pang lumabas ng bahay at maglakad ng ganito sa gitna ng gabi? Ang creepy huh. Huminto kami roon sa sinasabi niyang banyo raw nila. Maliit lang iyon at syempre cheap katulad ng bahay niya. Yari sa pinagtagpi-tagping lumang yero ang dingding at OMG walang bubong iyon. "Walang gripo sa loob kaya kapag kailangan mo ng panligo kailangan mong umigib ng tubig sa poso. May tubig din sa balon pwede kang kumuha roon. Pero sa ngayon may naipon naman akong dalawang timbang tubig na maaari mong gamitin." "Wala man lang ba kayong shower hear?" "Wala ngang gripo shower pa kaya. Alam mo kalimutan mo na ang kung anong buhay man ang nakasanayan mo. Huwag ka ring magpaarte-arte d'yan. Dahil sa ngayon tabo at timba ang kakampi mo. Sige na maligo ka na dahil ang baho mo na." Sumimangot ako at hindi na umimik. Kahit naman ako naamoy ko na ang sarili ko. At sa totoo lanh ay kating-kati na rin ako rito dahil sa suot ko ngayon... ang init pa sa katawan. Pumasok ako sa banyo at isinarado ang pinto. Kapirasong kahoy lang ang lock nun. Isa-isa kong hinubad ang mga suot ko. I never imagine in my life na darating ako sa puntong maliligo ako sa ganito ka-cheap na lugar. Walang gripo, walang bubong, walang shower, walang heater, at walang bidet. Malayo sa nakasanayan kong routine sa paliligo. At take note, iisa lang po ang sabon. Hindi pa ito iyong brand na ginagamit ko. This soap is so cheap. Sana lang hindi ako magka-rushes dahil dito. Tapos wala man lang pa lang Conditioner. Laking pasasalamat ko na lang na may shampoo. Dito na lang ako babawi. Dinampot ko ang tabo at sumalok ng tubig at ibinuhos iyon sa katawan ko. My gosh! Kung hindi sana ako nasangkot sa insidente kanina edi sana nasa hotel ako ngayon at nagbababad sa Jacussi. Umiinom ng tsaa at nanunuod ng KDrama. Pero heto ako ngayon sa isang maliit at kalawanging paliguan, nagtatabo. Matapos maligo at magbihis ay ibinalot ko ang ulo ko sa tuwalya. Sana lang malinis ito. Ch-in-eck ko muna ang suot ko kung maayos na. Mahabang saya na hanggang talampakan at kamesita na lampas siko ang manggas. Galing ba sa 1800s ang babaeng iyon? Hindi talaga ganito ang mga bet ko. Pero wala akong magagawa. Wala akong ibang masusuot. Gagawan ko na lang ng paraan ito bukas. Ang mahalaga lang sa ngayon ay nakapagpalit na ako ng damit. Hindi katulad kanina na nanlilimahid nako sa dumi. Pagbalik ko sa loob ng bahay ay hindi ko na nakita iyong babaeng Ailyn ang pangalan. Umuwi na siguro. Dapat lang na umuwi siya dahil hindi naman niya bahay ito. Sa kusina ay naabutan ko ang may-ari ng bahay na kumakain sa lamesa. Naglakad ako palapit doon at pumwesto sa harapan niya. Napatigil siya sa pagkain at napatingin sa akin. "Pwede bang chicken fillet for dinner. I'm hungry na kasi," sabi ko pagkaupo na pagkaupo. "Chicken fillet? Bakit may pambili ka ba? Ni wala nga tayong kanin chicken fillet pa kaya." "What! So anong kakainin ko for dinner?" "Ito." Itinulak niya sa akin palapit ang kinakain niya nang maabutan ko siya rito kanina. "What's that?" I asked in curiousity as I am staring on the weird food in the plate. "Kamoteng kahoy," sagot nito. "T-That's for dinner?" "Yup." "OMG!" "Wala kang magagawa. Sinunog mo iyong palayanan, hindi ba? So imbes na mag-aani na lang wala pinulbos ng apoy ang ilang buwan naming pinaghirapan at hinintay. Kaya ngayon tiyaga-tiyaga muna. Kamote for dinner at kamote rin bukas para sa umagahan." "Hindi ako kumakain ng ganiyan." "Kapag nag-inarte ka, kawawa ka gutom ka. But don't worry, sa tanghali hindi na kamote." "Oh thank you," I felt relieve not until he said the next words. "Saging naman tayo sa tanghali." "Hindi ako mabubuhay ng ganiyan. Alam mo bang sa bahay hindi ako pinapakain ng ganiyan?" "Ipapaala ko lang sa 'yo na wala ka na sa bahay mo. Kung anong mayroon dito makuntento ka at magpasalamat sa Panginoon dahil may nakakain pa tayo." "Pero hindi ko kaya na ganito ang kakainin sa hapunan, umagahan, tanghalian. Isa pa, I'm on my dietary plan. Hindi nga dapat ganito ang kinakain ko ngayon." Kulang na lang ay magmaktol ako sa harap niya at maglupasay. Nasa ikalawang buwan na ako ng diet plan ko tapos masisira lang dahil dito. Kakainis naman oh! "Kasalanan mo rin kung bakit nagkaganiyan. Huwag ka rin masyado ma-demand dahil hindi ka señorita rito. Bukas nga pala siguraduhin mo na malilinis mo ng maayos ang kuwarto nina Tatang Isko at Nanang Isme. Gusto ko na maging komportable ang pagbalik nila rito," mahaba nitong lintya at kumagat ng kamote. "Sino ba kasi iyang Tatang at Nanang na iyan? Magulang mo ba 'yan?" "Hindi kami blood related. Pero sila ang nagpalaki sa akin." "So you're adopted huh?" "Nah. Stop asking. It's a long story to tell. And besides we're not close." Natigilan ako sa sinabi niya. Hindi dahil sa nalaman kong hindi siya ampon kundi dahil sa kung paano siya magsalita sa wikang ingles. Para bang napakadali lang nun at sanay na sanay siya. "Marunong kang mag-English?" "Huh? Ah eh k-konti lang." "Oh, I see." Tumango-tango ako. "Sige na kumain ka na. Mas masarap kapag mainit. Huwag kang mag-inarte dahil kapag pinairal mo kaartehan mo mamamatay kang dilat ang mata." Dahil gutom na gutom na talaga ko nilantakan ko na ang kamoteng nasa harap ko. Hindi naman pala ganoon kasama ang lasa. Lamang tiyan din naman ito. Pero kahit alam kong nabubusog ako nito, hindi ko maiwasang isipin na kung nasa hotel sana ako ngayon baka kumakain ang ng steak at umiinom ng wine. Pero heto ako ngayon kumakain ng kamote sa loob ng kubo-kubo. Paniguradong hindi lang isang putahe ang makakain ko kundi three course meal: appretizer, main course, at dessert. "Nasaan ba iyong Nanang at Tatang mo? Nasa ibang bansa ba sila?" "Wala. Nasa bahay lang ng kaibigan nila sa kabilang bayan." "Nag-aano roon?" "Huwag ka ngang tanong ng tanong." "Bakit masama bang magtanong?" Taas ang kilay kong sambit. "It's none of your business," he replied. "Gaya-gaya puto maya." Matapos kumain ay pinapunta na niya ako roon sa kuwarto nung Nanang niya. Wala pa naman daw sila kaya rito muna raw ako matutulog pansamantala. Isinara ko ang pinto pagkapasok ko. May bintana rito at may kama. Nahiga ako roon at ramdam ko ang katigasan nun. Paniguradong magigising ako na masakit ang buong katawan bukas. I miss my water bed huhu. Bakit ba kasi napunta pa ako sa sitwasyong ito? Ano kaya kung tumakas ako? Tama-tama. Sasamantalahin ko ang pagkakataon. Tatakas ako habang mahimbing siyang natutulog at naghihilik sa kama niya. Dahan-dahang mga hakbang lang sa umpisa para hindi ako marinig. Tapos kapag malayo na ako saka na ako kakaripas ng takbo. Napangiti ako sa isiping iyon. Akala niya siguro maiisahan niya ako. Sorry but it's me, Caliyah. Naalimpungatan ako nang makarinig ng tilaok ng manok. Kaagad akong napabalikwas ng bangon. Pagsilip ko sa labas ng bintana ay maliwanag na. OMG! Umaga na! Paano na iyong plano kong pagtakas? Sa kaiisip ko kagabi ng plano ay hindi ko na napansin na nakatulog na ako. Ganito rin ang nangyari noong nandoon ako sa bahay ni Austive. "Mabuti naman at nagising ka pa." "Aga-aga sermon agad? It's too early pa kaya. Seven pa lang oh." Itinuro ko ang orasan sa dingding. "Alam mo rito sa amin alas-kwatro pa lang kumikilos na ang mga tao. Bawal dito ang tatamad-tamad." Hiniklas niya ang kumot na nakataklob sa akin. "Kaya hala bumangon ka na dahil marami ka pang gagawin." Pupungas-pungas akong naglakad palabas ng kuwarto. "What do you want me to do ba, Mr. Delveña?" "Call me, sir," pagtatama nito sa akin. "Okay fine, sir. Ano po bang maipaglilingkod ko sa 'yo, sir?" "Magbagkat ka ng kamote," sagot nito. "A-Ano iyong bagkat?" "Hindi mo alam so ibig sabihin lang hindi ka marunong. Wow ano pa nga ba ang aasahan ko sa pagkakaroon ng katulong na kagaya mo. Sige ilaga mo na lang. Baka iyong laga hindi mo pa rin alam." "Of course I know that." "Sige na magluto ka na at gutom na ako. Lalabas lang ako saglit para bumili ng kape." Naiwan ko roon sa harap ng lamesa. Nasa harap ko ngayon ang sinasabi niyang kamoteng kahoy. Hindi na ako nasurpresa na kulay brown iyon. Malamang nanggaling sa lupa kaya magiging ganito talaga ang kulay. May lupa-lupa pa kaya hinugasan ko muna. Malinis akong tao kung hindi n'yo lang nalalaman. Wala akong background sa pagluluto since hindi naman kami nagluluto habang nagde-disenyo ng mga damit. Yes, we owned a restaurant pero wala ang interes ko sa kusina. Isa pa may mga helpers kami sa bahay at chef na gagawa ng ganito kaya hindi na kailangan. Makalipas lang ang bente minutos ay hinango ko na iyon mula sa kalan at ipinatong ang kaserolang pinaglagaan sa lamesa. Sakto naman na kadarating lang din nung boss ko na feeling-ero. "Luto na ba?" "Yes, it is. And it's perfectly done." I smiled in confidence. Kumpyansa ako sa luto ko at alam kong hindi ako mapapahiya. I'm good in everything. "Buti naman dahil gutom na gutom na ako." Humatak siya ng silya at naupo roon. "It's just a piece of cake. No need to be amaze." Binuksan na niya ang takip at salubong ang kilay na tumingin sa akin. "What's with that look?" "Hindi mo man lang binalatan?!" "Bakit? Kailangan ba 'yang balatan?" —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD