CHAPTER 2

4780 Words
CHAPTER 2 “Baba.” Mariin niyang utos pero nagmatigas ako at humalukipkip lamang. Sino ba siya para utusan ako? “Ayaw mo talagang bumaba?” “Inutusan kita kanina na iuwi mo ako pero hindi mo ako sinunod. So don’t expect na susundin kita weirdo pa.” Pagtataray ko. “Hindi ka talaga lalabas?” “Bingi ka ba o sadyang tanga?” Sarkastika kong tanong at nakita ko kung paano niya binasa ang kaniyang labi bago nagsalita. “Kung ayaw mong bumaba then fine. D’yan ka matulog sa kotse.” Padabog niyang isinara ang pinto at pumasok na sa bahay niya. Akala niya siguro magpapasindak ako sa kaniya. No way! Si Caliyah Faye Corsiño yata ito. Sorry siya pero nagkamali siya ng kinakalaban. Medyo okay pa ang unang kalahating oras ko rito sa loob ng sasakyan. Binuksan ko ang speaker ng kotse niya pero napangiwi ako kaagad. Ang papanget naman ng tutog niya. Well, what should I expect from someone who doesn’t have a sense of fashion. Hindi ko gusto iyong tugtog kaya pinatay ko na lang. Bigla akong napatili nang mamatay ang lahat ng ilaw. OMG! Blackout ba? Mas nilakasan ko ang ilaw sa loob ng kotse. Pero kahit na maliwanag rito ay napakadilim pa rin ng nakikita ko sa labas. Nataranta ako dahil takot ako sa dilim. Wala akong ibang gusto kundi ang makalabas lang ngayon sasakyan na ito. Mas nag-panick ako nang hindi ko mabuksan ang pinto ng saksakyan. “Let me out of here!” I shouted out of my lungs but I know no one can hear me because even windows are closed. I tried to open the windows but I failed a lot of times. Hinampas-hampas ko ang bintana ng kotse. Sinubukan kong basagin ang salamin gamit ang matitigas na bagay na nakukuha ko sa bag. Pero tulad ng mga naunang subok ay hindi rin ako nagtagumpay. Alam kong sinadya niya na i-set sa ganito ang program ng kotse para hindi ako makalabas. Sinasabi ko na nga ba at gusto akong patayin ng lalakeng iyon. Feeling hero pa siya kanina na iniligtas ako, villain naman pala. May tumamang ilaw sa windshield ng kotse kaya napapikit ako ng mariin. Ilang segundo pa at naramdaman ko nang bumukas ang sasakyan dahil sa lamig na dumampi sa aking balat na nagmumula sa labas. “Pumasok ka na sa loob,” Malumanay niyang utos. Ganito ang tono ng pananalita niya noong nasa restaurant pa kami kanina. Padabog naman akong nag-marcha papasok sa bahay niya habang nakahalukipkip pa rin. Kahit madilim ang paligid ay hindi ako nahirapan o nadapa man lang dahil hindi naman ako tatanga-tangang babae. Mas lalo namang uminit ang ulo ko nang maramdaman ko ang lamig sa sala. Bukas ang aircon magpahanggang ngayon? Is that mean na hindi talaga nagkaroon ng power interruption? Bumukas ang ilaw kaya kaagad akong napapihit sa may pintuan. Nakita ko ang lalakeng nagdala rito na seryosong nakatingin sa akin. “Sinadya mo lahat ng ‘to, ‘no?” Imbis na sagutin ay umakyat lang siya sa itaas. Aba’t bastos ito ah. Ang ayaw ko sa lahat ay iyong kinakausap ko pa tapos bigla na lang akong iiwanan. Sinundan ko siya hanggang sa kuwarto niya. Naabutan ko siyang nakaupo sa harap ng working desk niya at nagkukutingting sa laptop. “Sabihin mo nga sa akin, anong ibig sabihin nung sinabi mo sa kotse kanina? Is that mean na pumapayag ka sa gustong mangyari ng parents natin?” “It’s not a bad idea, I guess. And besides, I like you even before since we were fourteen.” “W-What are you talking about? This is our first meet,” I asserted. “I was the Soccer Player you helped during the interschool competition ten years ago.” “You were the nerd guy who got a minor injury?” I asked and he nodded, “But that was a long time ago. How can you still remember that?” “Because I like you since the first time I met you,” sabi nito. Love at first sight? Iww, ang corny. Naglakad siya palapit sa akin. Itinulak ko siya at tinitigan ng matalim nang ilang hibla na lamang ang layo niya sa akin. “You’re too serious" he laughed, "Nah, I don’t have a crush on you,” he said and go back to his chair. “Stop fooling around!” “If you will ask me if I will agree on that marriage agreement then my answer is yes.” “What!” I asked in disbelief “You heard it, right? Alam mo wala naman talaga akong interes sa kasal-kasal na ‘yan kahit ang makipagrelasyon sa kahit kanino. I’m a busy person, Caliyah. Hindi ako interesado sa pakikipagrelasyon. I would rather choose to lock myself in this room and do my medical researches.” Now, it’s clear for me that this guy is engaged to his study. Alam ko naman na hindi madali ang maging Doctor kaya hindi ko alam kung anong nag-uudyok sa lalakeng ito na ituloy ang kasal. Samantalang sinabi niya na wala siyang interes sa pakikipagrelasyon. “Then tell me your reason for agreeing on this insane agreement!” “Alam kong narinig mo naman kanina na Business related course talaga ang gusto ng parents ko para sa akin, hindi ba? Pero iba ang daang gusto kong tahakin. To be a successful doctor was my greatest dream ever since. Hindi naging madali ang lahat. Mahaba-habang panahon din naming pinagtalunan iyan. And good thing that my parents allowed me. Pinagbigyan nila ako noon sa gusto ko kahit na ako ang panganay at nag-iisang lalake. Of course, they are all expecting me to take down the company after my parents retirement. But everything ruined when I chose my dream. My parents told me about this engagement few months ago. Matagal ko ring pinag-isipan ito. Pinagbigyan nila ako sa gusto kong mangyari kaya naman ngayon ay pagbibigyan ko rin sila. Isa pa, wala namang masama sa gagawin ko. Kapag sinunod ko ang nais nila, ang ibig sabihin lang nun ay isa akong mabuting anak. Kapag ikinasal tayo mas lalakas ang kompanya namin ganoon din ang sa inyo. My dad even promise me to help me in the construction of my upcoming Hospital,” mahaba niyang lintya. "At tingin mo ba ganun-ganun na lang 'yun? Na magpapagamit ako sa inyo? Hell no! I would not give you the satisfaction you want. Anyone of you, never!" "I understand why you react like that. We have the same reaction the first time my dad told me about the engagement. My only concern here is my family. I want to help them in their business. For them, merging our family companies is the best solution to gain more power, so I do. As long as I will have my dream hospital and my parents would not hinder in my life plans then there is no problem with that." "Then just say goodbye to your dreams because that would never happen. And I will never let that happen! Never!" Nag-marcha na ako palabas ng kuwarto niya. Sakto naman na nakasalubong ko ang katulong niya rito na may edad na. "Hoy tanda saan ang guess room?" Mukhang nagulat pa siya sa inasta ko, "Bingi ka ba?" "What's happening here?" Singit nung eyeglass weirdo na kalalabas sa kuwarto. Mukhang narinig yata ang lakas ng boses ko. "Ito kasing katulong ninyo hindi ko alam kung bingi o kung nagbibingi—" "Tone down your voice, Ms. Corsiño. She's Manang Elsa. Matagal na siyang nagsisilbi sa pamilya namin kaya igalang mo siya." "I don't care kung matagal na siya rito at kung pamilya na ang turing mo sa kaniya. Ang sa akin kapag tinanong, sagot agad! Alam mo ba kung anong oras na? Gusto ko na rin namang magpahinga." Napabuga ako ng hangin dahil sa pagkainis. "Manang matulog ka na po." Ngumiti iyong katulong at iniwan na kami, "Nasa baba ang Guess Room. Pagdating mo sa sala kumaliwa ka." Pagkasabi niya nun ay pumasok na siya sa loob at isinara ang pinto. Salubong ang kilay kong naglakad pababa ng hagdan. Matalino akong tao at hindi patanga-tanga kaya madali kong nahanap ang sinasabing kuwarto. Buti na nga lamang at malinis. Akala ko pa naman magiging magkakampi kami rito. Inisip ko noong una na baka pareho kaming hindi sang-ayon sa pagpapakasal na ito. Naisip ko pa nga na baka pwede kaming magkasundo na huwag hayaang matuloy ang kasal. Tapos sasabihin niya sa akin na sang-ayon siya sa nais mangyari ng mga magulang namin? And all of those are because he want to use me for his ambition— for their ambitions to be exact. I would never let anyone to use me. Kung patayin ko na lang kaya siya para tapos na lahat ng problema ko? Tapos papalabasin ko na lang na suicide ang nangyari. Pwede rin naman na maging murder ang kahinatnan. Tapos if-frame up ko na lang iyong kasambahay niya rito para ito ang maging suspect sa kalunos-lunos na sinapit ng kaniyang amo. What a good idea? Ito marahil ang epekto ng panunuod ng mga mystery stories. Sa kaiisip kung paano ko siya tatapusin ay hindi ko na namalayan na nakatulog na ako. Malas naman oh! "Where's my breakfast?" Nakataas ang kilay kong tanong sa katulong. "Magluluto pa lang po ako, ma'am. Ano ho ba ang nais n'yong kainin?" “What! Magluluto ka pa lang. Dapat paggising pa lang ng amo may luto na. Hindi mo ba alam iyon?" "Mas gusto ni Sir Austive na magluto ako kapag gising na siya para mainit at bago pa ang pagkain." "At paano mo naman nasabi na ganun nga?" "Ako na ang halos nagpalaki sa batang iyan. Sa totoo lang ay maswerte ka na mapapangasawa mo ang isang tulad ng alaga ko. Ngunit nakakaawa siya na ikaw ang pakakasalan niya." "What did you say?" Nanggagalaiti kong tanong. "Ang sabi ko ho, pupunta na ako sa kusina at magluluto." Malumanay nitong sagot at nag-umpisa nang maghugas ng mga gagamiting sahog sa pagluluto. Balak ko pa sana siyang kumprontahin at ipaalala kung sino ako, pero may tumawag sa akin sa telepono ko kaya nalihis ang atensyon ko sa kaniya. Pasalamat siya sa tumawag. Ayoko sa lahat ay iyong sinasagot-sagot ako. Maganda ang panahon ngayon at asul na asul ang langit. Hindi ko masyadong ramdam ang init dahil maraming puno ng niyog at halaman sa paligid. Nandito ako sa pool area nila at naisipan kong mag-swimming muna habang naghihintay ng oras. Isa pa, wala rin naman akong ginagawa. Buti na lang talaga at may dala akong mga ekstrang damit sa bag ko. Iba na talaga kapag fashion designer. Palaging handa. Hinubad ko ang damit ko hanggang ang under garments na lang ang naiwan. Hindi sa pagyayabang pero maganda ang katawan ko. Maraming beses nang may sumubok na kuhain akong modelo. Pero wala roon ang interes ko. Ang gusto ko lamang ay magdesinyo ng mga damit na susuotin ng mga modelo. Nag-stretching muna ako ng mga braso bago ako tumalon sa tubig. Kulay asul iyon dahil sa tiles at may parte na mas malalim. In-enjoy ko lang ang paglalangoy ko sa malawak na pool. Sobrang nakaka-relax ang ganito. Buong akala ko ay alam ng magulang ko na nandito ako pero nalaman ko mula mismo sa nerd na iyon na walang ideya ang magulang ko kung nasaan ako sa mga sandaling ito. Hindi na ako magtataka kung hindi nila ako hinahanap. Kilala na nila ako na bigla-bigla na lang nawawala at umuuwi lang kung kailan gustuhin. Isa pa, hindi na ako bata para manduhan at kontrolin nila. Humiga ako sa tubig at nag-floating. Ngunit kaagad akong napabalikwas nang pulikatin ang kaliwang binti ko. Mabilis akong lumubog sa tubig at ramdam ko ang sakit doon. Nagsisigaw ako ng tulong. Sinubukan kong lumangoy papunta sa tabi pero hindi ako makaalis. Nakalunok na ako ng tubig at kinakapos na rin ng hinga. Akala ko ay katapusan ko na pero nakita ko si Boy Glasses na lumabas sa back door. Nilakasan ko ang sigaw ko at buti na lamang ay nakuha ko ang atensyon niya. Kahit nanlalabo ang mata ko dahil sa tubig ay nakita ko pa kung paano niya hinubad ang kaniyang pang-itaas at tumalon sa tubig. Lumangoy siya palapit sa akin para iniligtas ako pero bago pa man siya makarating ay nawalan na ako ng malay. Bigla akong nagising at sumuka ng kaunting tubig na nalunok ko mula sa pool. Nakahiga na pala ako sa bermuda grass at ilang minutong nag-agaw buhay. Hindi naman ako kinabahan. Masamang damo ako kaya alam ko na hindi ako basta-basta mamamatay. "Are you alright? Tell me what you feel." Nakita ko ang lalakeng nagligtas sa akin. Naupo ako at napahawak sa aking ulo. Ang sakit sa ilong ng tubig na pumasok doon. "I'm okay now." I stood up like nothing happened. I'm not weak. Duh! "Manang, get a robe," he commanded to the house helper and it ran inside the house. I scanned his body from his feet, up to his... OMG! What a bulge! No! No! Erase that thought. I shook my head with my playful imagination. What the hell! This nerd has a six pack abs and his body is dripping wet. This nerdy is not wearing his glasses now. His face is bear in my sight. It seems like every fiber of him is carved in perfection. "He's so hot," I voice out my thought not realizing it. "What?" I turned back my attention to his face when I heard him talked. "N-Nothing. Let's go inside." I grabbed his hand and pulled him to the living room. "Why are you pulling me?" "Let's change our clothes now. We have to talk." I commanded bossy. Umakyat na rin ako sa kuwarto upang magbihis dahil nilalamig na ako. Nakasalubong ko sa daan iyong katulong at inabot sa akin ang robe pero hindi ko iyon tinanggap. Baka marumi pa iyong kamay niya. Isa pa, ayaw ko ng pinaghihintay ako. Pagbalik ko sa sala ay hindi ko siya nakita roon. Medyo uminit pa ang ulo ko dahil hindi siya nakinig sa akin na rito ako sa sala hintayin. Natagpuan ko ang may-ari ng bahay sa garden at nakikipaglaro sa alaga niyang pusa. Hindi ko napansin na may ganito pala siya. "Hoy ikaw! Hindi iba sabi ko sa 'yo sa sala ta—" "Hiissss!" Bigla akong sinugod nung pusa kaya natigil ako. Nanlilisik ang mata niyon sa akin. Mas maldita ako kaya hinigitan ko ang tingin niya. Akala siguro ng pusang ito masisindak niya ako. Sorry siya pero si Caliyah 'to. "Ikaw na mabalihibo, anong tinitingin-tingin mo d'yan? Gusto mo gawin kitang siopao?" "Enough, Caliyah. Pati ba naman pusa papatulan mo," Kinarga niya iyon at hinimas-himas, "Huwag mo na lang siyang pansinin, Bella." Parang tanga niyang pagkausap doon sa mabalahibo niyang alaga. Para namang maiintindihan siya nun. "So Bella pala name niya?" "Yeah, she's Bella, my cat. Isa siyang Munchin," proud nitong sambit at nakangiti niyang hinaplos ang alaga. "I don't care kung maganda ang breed niyan. Pusa pa rin 'yan na dumudumi kung saan-saan. At 'wag ka sanang mao-offend, but your cat is too annoying." "She can sense danger and even bad people. For me she's a well behaved fur pet. Her attitude only change towards the people in her environment. "So anong ibig mong sabihin? Na masama ang ugali ko?" "Ikaw ang nagsabi n'yan. Hindi ako." Namey-awang ako sa harap n'ya, "I don't care! Basta ako magi-stay muna rito hanggang bago maghapunan habang hinihintay ko pa iyong PA ko. Habang nandito ako, huwag mong sasabihin sa parents ko na nandito ako. Dahil kapag ginawa mo 'yun, sisiguraduhin kong susunugin ko ang bahay mo." Pagbabanta ko at bumalik na sa loob. MAS napaagap ang kasal kumpara sa inaasahan. Ilang beses akong nagmatigas pero sadyang mapilit ang magulang ko. Nasa kotse na ako ngayon suot-suot ang wedding gown at on the way na sa simbahan. Kung iniisip nila na panalo na sila dahil napasunod ako, then they are wrong. Hahayaan ko silang mapahiya roon tutal sila naman ang nagpumilit nito. Kung gusto nilang matuloy ang kasal, edi si mom na lang ang magpakasal sa nerd na iyon. Kunwari pa siya na mabait at inosente. Pero ang totoo isa siyang pasimpleng manggagamit para sa personal niyang interes. Hindi ako magpapasakop sa kahit kanino sa kanila. Buhay ko ito ako ang may kontrol. "Manong, can we stop?" Pag-arte ko. Kailan kong makatakas sa kasal na ito kahit anong mangyari. "Naku ma'am mal-late na ho kayo sa kasal n'yo." "I need to pee. I'm your boss so listen to me." Iniliko niya kaagad ang sasakyan at ilang minuto lang ay inihinto na niya iyon sa tapat ng isang Mall. Kung sinuswerte ka nga naman oh. Maraming tao rito kaya naman kapag humalo ako sa mga namamasyal sa Mall paniguradong mahihirapan sila na hanapin ako. As if naman pati na magpapahanap ako. Bigla kong naalala na naka-wedding gown nga pala ako. Kaya imbis na pumasok sa Mall ay tumakas ako ng pasimple. Ang malas ko lang dahil nakita ako. Hinubad ko ang aking heels at nagtatakbo palayo. Mas okay na rin pala na hindi ako tumuloy sa pagpasok sa Mall dahil baka ma-trap pa ako roon. Ilang beses akong nabusinahan ng mga drivers pero ininda ko iyon. Saka ko na lang sila aawayin. Lumingon ako sa likuran at nakita ko ang mga body guards na humahabol sa akin. Mas binilisan ko ang takbo at sinikap na hindi madapa. Lumiko ako sa kaliwa at nakakita ako ng cargo truck na nakaparada at doon ko naisipang magtago. Pero bago ako sumakay doon ay iniwan ko ang aking veil sa kalsada sa kanang direksyon para isipin nila na doon ako lumiko. Medyo nakahinga ako ng maluwag nang doon sila lumiko sa kabilang direksyon. Papalabas na sana ako ng cargo truck nang bigla na lamang iyong umandar. Nawalan ako ng balanse at nabagok ang ulo. Nakaramdam ako ng pagkahilo at doon na ako nawalan ng malay. Nagising ako dahil mauga ang hinihigaan ko. Hinawakan ko ang aking kumikirot na noo at may nakapa akong dugo roon. Oo nga pala nabagok ako kanina. Sumilip ako sa labas at ganoon na lamang ang gulat ko nang mapagtantong wala na ako sa syudad. "Oh-Em-ji!" Naibulalas ko habang binabaybay namin ang lubak-lubak na daan sa pagitan ng malawak na taniman ng palay. Hindi ko alam kung tatalon ba ako o hihintayin na lang kung saan hihinto ang truck na ito. Ganoon ba ako katagal na walang malay para hindi ko mapansin na nakarating na ako sa ibang probinsya? Kung tatalon ako panigurado na mababali ang nga buto ko o hindi kaya naman ay magtatamo ng mga sugat. Duh! Ayoko nang magasgasan. Nang huminto ang sasakyan sa tingin ko'y bayan dahil maraming tao at pamilihan sa paligid ay pasimple akong umalis sa truck na iyon. Hind katulad sa Maynila ay iilan lang ang tao sa lugar na ito. Nakapaa akong naglakad sa gitna ng kalsada suot-suot ang aking puting wedding gown. Ang lahat ng nadaraanan ko ay nakatingin sa akin. "Bakit naka-gown?" Bakit ka tsismosa? "Baka baliw. Hayaan na natin." Hindi ako hinayaan. Pinabayaan, oo. "Siguro hindi 'yan sinipot ng Groom sa kasal kaya nasiraan na ng ulo." FYI, ako ang nang ghost sa kasal. "Kaawa maganda pa naman kaso mukhang may tama sa ulo." Ikaw ang tatamaan sa akin kapag nagsalita ka pa. Naging center of attraction ako dahil sa suot ko. Ultimong iyong mga tricycle driver napapahinto para tingnan ako. Ganoon na ba ako kaganda? Ininda ko ang mga tingin nila dahil ang tanging gusto ko lang sa ngayon ay makaalis ako sa lugar na ito. May nadaanan akong tindahan na may pay phone call. Kailangan kong makausap ang Personal Alalay ko. Hindi ko na kayang magtiis sa ganitong klaseng lugar. Ang malas ko lang nakalimutan ko ang landline. Dismayado akong umalis sa tindahang iyon. Buti na lang at nadala ko ang wallet ko. Muntik ko na itong mabitawan kanina pero sinikap kong huwag dahil signiture ito at limited edition. Ang malas ko lang dahil dadalawang-daang piso ang laman niyon. Hindi sa wala akong pera, credit card at ATM kasi madalas kong ginagamit kaya hindi ako masyado nagdadala ng cash. Kinuha ng parents ko ang mga cards ko para hindi ako makatakas kaya wala iyon dito. Malay ko ba naman kasi na mapapadpad ako sa ganitong lugar. Kung minamalas ka nga naman oh. Oo gusto kong makalayo sa kanila pero hindi naman ganito kalayo na makakarating ako sa--- Teka, nasa'n ba ako? Lumapit ako sa tindera para magtanong. "Hi, miss. Can you tell me the name of this place? Where am I?" tanong ko pero napangibit lang siya sabay tingin sa kasama niya. "English-era 'te." "Oh ano raw sabi?" "Aba malay ko. Hindi ko nga naintindihan." "Saan ba galing iyang babaeng iyan at nakaganyan? Tanghaling tapat nakapangkasal." "Sshh! Baka marinig ka." "Oo, naririnig ko kayo. Stop gossiping nga about me. It makes me feel annoyed. And can you just answer my question? Nasa'n ba kasi ako?" Tumaas ang kilay ko. "Pumunta ka rito tapos hindi mo alam? Tagasaan ka ba, miss?" "It's none of your business." "Sungit naman nito." "Sasagutin mo ba ang tanong ko o susunugin ko 'tong tindahan n'yo?" "Nasa San Isidro ka." "San Isidro? May I know kung anong province ito?" OMG! Nasa'n na ba talaga ako? "Nueva Ecija." "Are you kidding?" "Alam mo miss oo pambata height ko. Pero hindi ako—" "No, that's not what I mean. Ang ibig kong sabihin eh hindi mo ba ako binibiro or ginu-good time?" "Nasa Nueva Ecija ka nga. Kung ayaw mo maniwala problema mo na iyon. Teka, bibili ka ba? Ang dami ko ng customer. Pero pasensya na nakaharang ka." Ngayon ko lang napansin na marami ng tao sa likod ko. Dahil ayaw kong mapahiya bumili na lang ako ng magpapatanggal sa stress ko. "I want to smoke," Taas kilay kong sambit. "Ah gusto mo yosi. Wait kuha kita. Teka ano bang brand?" "Iyong pinakamahal 'coz I'm not cheap." I crossed my arms. Mukha lang akong baliw ngayon pero may class at mayaman ako. "Oh yosi mo." Inabot niya sa akin ang isang kaha ng yosi. "Samahan mo na ng lighter." "Naku, ubos na. Hindi pa dumadating ang supply. Pero kung kailangan mo talaga ng panindi meron ditong posporo." Tinanggap ko na dahil wala rin naman akong ibang choice. Useless itong yosi ko kung walang sindi. Isa pa yosing-yosi na ako at gusto ko nang makaalis sa lugar na iyon. Hindi ko na rin gusto ang tingin ng mga tao. My ghad! They were all thinking that I am a crazy woman. Humanap ako ng lugar na pwedeng pagtambayan pansamantala kung saan ako pwedeng humithit. Napadpad ako sa malawak na palayanan. Mataas ang sikat ng araw at kaladkad ko ang mahabang laylayan ng aking damit. Diring-diri ako sa putik na kumakapit doon. Tuyo na ang kulay gintong palayanan at halatang naani na ang iba. Amoy dayami ang paligid. Huminto muna ako saglit upang magsindi ng sigarilyo. Isa ito sa nakakapagpakalma sa akin tuwing stress ako. Ito ang unang beses na gagamit ako ng posporo. Madalas kasi lighter ang gamit ko. Hindi rin naman ako nagluluto kaya hindi ko kailangan nito. Sa unang subok ay nabali lang ang mapayat na patpat niyon, sa ikalawa ay ganun rin. Noong nakapang pitong subok na ako saka lang siya sumindi. Nang masindihan ko ang yosi ay inihagis ko lang sa kung saan ang palito ng posporong may apoy pa. "OMG!" Napabulalas ako nang biglang magsiga ang palayanan. Mabilis na kumalat ang apoy at nilamon ang sakahan. Nabitawan ko ang yosing nasa daliri ko at nakita kong nagtakbuhan palapit rito ang mga magsasaka. Papaanong sumiga iyon? Imposible naman na dahil iyon sa posporo. P-Pero ako lang ang tao sa lugar na ito. No! This is not my fault. "Tumawag kayo ng bumbero!" "Diyos ko! Ang ating tanim nasusunog!" Nagsitakbuhan ang mga tao at sinubukang apulahin ang sunog samantalang ang iba naman ay nakikiusyoso lang. Ako't heto tulala lang sa mga kaganapan. Masyadong malaki ang sunog. Narinig ko ang iyakan ng ilang magsasaka dahil sa nagawa ko— No! I'm not. H-Hindi ko kasalanan ito. It was just an accident. Dumating ang bumbero at mga pulis. Natuon doon ang atensyon ng lahat at sinamantala ko naman ang pagkakataong iyon para makatakas. Kahit hirap sa aking suot ay sinikap kong makatakbo. Ngunit mabagal lamang dahil masakit sa paa ang hindi sementadong daan. "Iyong kriminal tumatakas!" My gosh! I'm not a criminal. Tumakbo ako ng mas mabilis. Hindi dahil guilty ako kundi dahil ayokong mausukan. Ang baho kaya. Panay ang lingon ko sa likod habang tumatakbo. Hanggang sa may nabangga ako at pareho kaming tumumba. Nang idilat ko ang aking mga mata ay natagpuan ko ang sariling nakapaibabaw sa isang lalake. Ilang segundo rin kaming nagkatitigan. "Asher! Huwag mong patatakasin ang kriminal!" Dali-dali akong bumangon. Tatakas pa sana ako pero mabilis na hinablot ng lalake ang aking braso. "Let me go! This is harassment." "Ikaw pala ang sumunog ng sakahan." "Don't accuse me if you don't have concrete evidence. Kausapin mo na lang ang abogado ko." Pagtataray ko. "Ikaw na nga ang nakaagrabyado, ikaw pa ang matapang. Alam mo ba kung gaano kalaking pinsala ang ginawa mo?" Pinasadahan niya ng tingin ang kabuuan ko. "B-Bastos!" "Ano ba naman iyang suot mo? Tanghaling tapat naka-wedding gown?" "It's none of your business." I rolled my eyes in annoyance. "Siya po hepe ang prime suspect sa insidenteng ito. Nakita ko po siya doon sa crime scene bago mag-umpisa ang sunog." Sumbong nung isang lalake. "Kita mo na may nakakita pala sa 'yo. Tapos itatanggi mo pa." Mas humigpit ang hawak niya sa braso ko. Sino ba kasi ang isang ito? "Hindi nga kasi ako!" Mariin kong tanggi. "Sige kapkapan siya." Utos nung hepe at lumapit sa akin ang isang babaeng pulis at kinapkapan ako. "Sir, may nakita akong wallet dito na may sigarilyo at posporo." Oh no! "Sinasabi ko na nga ba at ikaw ang kriminal." "Ilang beses ko bang sasabihin na hindi nga ako! I'm innocent." "Sa presinto ka na lang magpaliwanag, miss." "A-Ayoko nga." Pagtutol ko pero wala na akong nagawa nang pasakayin nila ako sa patrol car. "Wala kayong Warrant of Arrest kaya hindi ninyo pwedeng gawin sa akin ito." "Sumama ka sa amin para sa mas malalim na imbestigasyon. Kailangan din namin ng statememt mo ukol sa nangyaring sunog," sabi ng pulis. NANDITO na kami ngayon sa head quarters ng pulisya. Ilang beses ko ng sinabi sa kanila na hindi nga ako ang sumunog pero hindi sila kumbinsido. "Sir, nandito na po ang tinderang binilhan niya ng sigarilyo at posporo." Nakita ko iyong tindera na nakausap ko kanina. "Nakikilala mo ba ang babaeng ito?" "Opo hepe. Siya po iyong babaeng bumili sa akin ng yosi at posporo." "Mga anong oras siya bumili?" "Bandang ala-una po ng hapon." "Nangyari ang sunog bandang 1:15 PM kaya tumutugma ang statement mo sa lumalabas na oras ng sunog. Maaari mo bang idetalye sa amin ang nangyari noong bumili siya?" "Dumating po siya sa tindahan para magtanong. English pa iyon noong una kaya hindi ko masyadong naintindihan. Tapos may sinabi siyang kahinahinala." "Ano iyon?" "Binantaan niya kami na kapag daw hindi namin siya sinagot, susunugin daw niya ang tindahan namin." "Totoo ba iyon, Ms. Corsiño?" "Oo, pero nagbibiro lang naman ako nun." Nakahalukipkip kong sagot. "Iwan n'yo na muna kami." Lumabas na ang ilang nandito at ako, iyong hepe, at iyong lalakeng nakabangga ko na lang ang naiwan dito. "Tutal ikaw naman ang may-ari ng nasunog na palayanan, nasa iyo ang desisyon kung magsasampa ka ng kaso." "Sa nakikita ko hindi basta-basta ang babaeng ito. Kaya kung sasampahan ko siya ng kaso alam kong makakalaya lang din siya. Sa ngayon iba ang gusto kong mangyari." "Ikaw ang napurwisyo rito kaya na sa 'yo pa rin ang desisyon." Hindi ako pwedeng makulong dahil wala akong pampyansa. Marami akong pera sa Manila pero kapag tumawag ako sa kahit isa sa kanila malalaman ng magulang ko kung nasaan ako. Ayokong mahanap nila ako dahil siguradong pipilitin nila ako sa kasal. Isa pa ikakasira ito ng imahe ko. "Gusto kong pagbayaran niya ang kasalanang nagawa niya. Hindi ako papayag na dadaanin niya lang ito sa pera. Gusto kong pagdaanan niya ang hirap na pinagdaanan ng mga magsasaka mapatubo lang ang mga palay na iyon. Gusto kong pagsilbihan niya kami bilang katulong sa bahay at sa bukid." "Hindi pwede 'yan!" Napatayo ako sa galit. "You will be my Maid or you will be on jail?" —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD