CHAPTER 1

4064 Words
CHAPTER 1 "Give me a glass of Mojito, handsome," I asked seductively to the Bartender. I just partied in the bar near here but still I wasn't contented. And besides, Tomi's party is boring. I rolled my eyes as I handed my drinks. I didn't waste any seconds and sip on it with elegance. If that asshole didn't left me for that b***h I would not be here. Malay ko ba na panget pala gusto niya. I looked around trying to search for an interesting guy. And there, I saw a man drinking with his friends in a circular couch. Seductive smile curved on my lips as I walked towards the guy who caught my attention. His friends looked at me in amusement. Well, I could not blame them. "Hi, I'm Tally," I introduced myself seductively as I sat beside him. Of course, I did not give my real name. Hindi ko ugaling magbigay ng personal information sa mga fling ko. Walang ano-anong inangkin niya ang mga labi ko. At syempre hindi naman ako nagpatalo. I responded on his kisses with the same intensity he gave. Ito ang gusto ko, palaban, wala ng maraming sinasabi. Nagkantyawan ang mga kaibigan niya na mas lalo ko namang ikinatuwa. But our hot kissing suddenly stopped when someone pulled my hair. She tried to slap me pero naunahan ko na siya. Ang bagal kasi. Sinubukan niyang sumugod pa pero inawat siya ng mga nandito. I crossed my arms and meet her gaze. "Malandi ka!" "Given na 'yang fact na 'yan. Wala bang iba?" I asked in disappointment. "Alam mo ba iyong salitang distansya, Miss? May girlfriend na itong tao---" "So problema ko pa na pumatol sa akin ang boyfriend mo? You know what miss, hindi ko na problema kung mas maganda ako kaysa sa 'yo. Magsama nga kayo d'yan!" Hiniklas niya ang buhok ko kaya naman siniko ko siya. Napabitaw siya at mabilis ko siyang isinubsob sa lamesa. Lahat ay nagulat sa ginawa ko. "Awts! N-Nasasaktan ako. Ano ba!" "Next time kung ayaw mo na kung kanikanino nagpapalandi ang boyfriend mo, itali mo at Ikulong mo sa kuwarto. Lumabas na ako ng bar pagkasabi ko nun. I don't want to waste my time with these people. Naisip kong bumalik na lang sa party ni Tomi since hindi na rin naman ako nag-i-enjoy dito. At least doon libre pa ang alak at pagkain. Magulo ang lugar ng dumating ako dahil karamihan sa mga nagpa-party ay tinamaan na ng epekto ng alak. Mga weak! "Caliyah! Come here. Join us." Umikot muna ang mata ko bago lumapit sa table nina Ynes. "How's the party?" I asked like I've gone for a long time. "Saan ka galing? Bigla ka na lang nawala?" tanong nito at napairap akong muli sa hangin. "It's none of your business, Ynes." "Ito naman masyadong mainit ang ulo. Dahil ba iyan sa ex mong gago? Caliyah naman, mag-move on ka na nga sa lalakeng iyan. Huwag mo na ngang panghinayangan." "Bakit naman ako manghihinayang kung pwede ko namang palitan?" Nagbukas ako ng bote at tinungga ang laman niyon. "Pinapaalalahanan lang kita dahil kaibigan mo ako. Alam mo naman na ayaw kitang nasasaktan, hindi ba?" "Thank you sa concern. Lilinawin ko lang huh, wala na akong pagmamahal na natitira para sa lalakeng iyan. Pero hindi iyon nangangahulugan na nakalimutan ko na lahat ng kagaguhang ginawa nila sa akin. Iba ang naka-move on sa nagka-amnesia.” "Ikaw ang bahala. Tutal sabi mo nga lagi, buhay mo 'yan. Ang sa akin lang naman ay nagpapayo lang ako." "Hi, girls!" Dumating si Tomi at nakiupo sa amin. "Are you enjoying the party?" "Um, yeah," Ynes answered but I remained quiet. "Come on girls, let's dance and party." Hinatak kami ng mga kabarkada ni Tomi sa dance floor. "Kayo na lang. Wala ako sa mood para sumayaw." Umalis na sila pero napansin kong hindi tumatayo sa kinauupuan si Tomi, "Aren't you going to join them, birthday boy?" He sat beside me and kissed me without my consent. Mukhang lasing na ang g^go. Itinulak ko siya ng bahagya upang magkaroon kami ng distansya. "Masyado ka namang mabilis," I laughed seductively and bit my buttom lip. Gusto ko iyong ganito, wala ng maraming orasyon. Hindi puro salita, ginagawa agad. "Don't you like it?" "Of course, I do." I smiled playfully and captured his lips. Kumandong ako paharap sa kaniya at mas pinalalim ang halikan namin. Nadadarang na kami pareho sa init nang mag-ring ang phone ko. I ignored it at first but it rang again so I answered it with full of irritation. It's Kudo, my butler. "Anong ba ang ka— Oh!" Hindi ko napigilan ang sariling mapaungol habang nilalaro ng dila niya ang nasa ibabaw ng aking dibdib. "K-Kailangan mo?" "Gusto ko lamang pong ipaalam sa inyo na bukas na ang dating ng mga magulang n'yo. Umuwi raw po kayo bukas." "Iyon lang ba ang sasabihin mo?" "Iyon lamang po, Lady Caliyah," sagot nito. I rolled my eyes and ended the call. Umalis ako sa pagkakakandong sa lalakeng ito. "What happened?" "Wala na ako sa mood. Babalik na ako sa condo ko." "Ihahatid na kita." Alok niya kaya natawa ako. Nangunot naman ang noo niya dahil sa reaksyon ko. "Come on, Tomi. Huwag mo nga akong lokohin. Kilala ko kayong mga lalake. Alam ko ang likaw ng bituka ninyo. At alam ko rin na hindi lang basta hatid ang gagawin mo. Huwag nga ako. Hanap ka na lang ng maloloko mo." Isinuot ko na ang heels ko at tumayo na, "By the way, happy birthday," I said, and leave the bar. "Good morning, Lady Cali—" "Wala pa ba si mom and dad?" "H-Hindi ko po alam, La—" "Katulong ka rito, hindi ba? Bakit hindi mo alam? Sayang lang pala ang pinapasweldo namin sa 'yo kung patanga-tanga ka." "P-Pasensya na po, ma'am." Nilampasan ko siya at dire-derecho akong naglakad papasok. Umi-echo sa buong sala ang tunog ng takong ng aking sapatos. "Iakyat mo 'to sa room ko. Make sure na wala kang gagalawin na kahit ano d'yan dahil if ever na may mawala kahit na isang pirasong zipper, I will fire you." "O-Opo, Lady Caliyah." "Bilis na. Babagal-bagal." I rolled my eyes in stress and flipped my hair. "May iuutos po ba kayo, Lady Caliyah?" "Of course, I have. Alangan naman na binabayaran kayo tapos tutunganga lang kayo d'yan. I want a chamomile tea. Make sure na tama ang timpla at init dahil kung hindi ibubuhos ko iyon sa 'yo. Do you understand?" Pinaningkitan ko siya ng mata. "Opo." "Well, we will see." I smirked and walked to the pool area. Naupo ako roon sa harap ng table sa garden at nagbuklat ng magazine. Nandito na pala ang mga designs ko. Malapit na ang susunod na Fashion Show at sisiguraduhin ko na ako ang tatanghalin na pinakamagaling na Fashion Designer sa taong ito. "Lady Caliyah, ito na po ang tsaa n'yo." Inilapag niya ang tasa sa lamesa at kaagad na uminit ang ulo ko nang makita iyon. "Nag-iisip ka ba talaga o sadyang bobo ka lang? Hindi ba at ang sabi ko chamomile tea. Then why are you giving me a chai?" "S-Sorry po. Papalitan ko na lang po." Dali-dali nitong ibinalik sa trey ang tasa na may lamang tsaa. "Oh my goodness!" I shouted. Natabig niya ang tasa dahilan para mabubo ang laman niyon sa lamesa at mabasa ang magazine. "Naku, pasensya na po." "What have you done!" "Sorry po, ma'am. Hindi ko po sinasadya.” "Alam mo ba kung anong ginawa mo? You ruined the magazine! My gosh! Ano pang gagawin ko sa magazine na 'yan?" "Gagawan ko na lang po ng paraan, ma'am," mangiyak-ngiyak nitong sambit. Kahit magpabaha pa siya ng luha hindi ako maaawa sa kaniya. Ano bang tingin nila? Na iiyak lang sila tapos ayos na lahat? Umikot ang mata ko sa isipin na iyon. How pathetic. "You don't have too," I said with my raising eyebrow. "T-Talaga po, Lady Caliyah?" "Yes, 'coz you're fired!" "Ma'am, please huwag n'yo pong gawin sa akin ito. May mga pinag-aaral pa po akong anak sa probinsya." "Well, I don't care. You failed doing your job so you don't deserve to work with us." "Paano na po ang mga anak ko?" "Hindi ko na problema iyan," sagot ko at ibinaling ko ang tingin sa isa pang katulong. "Impisin mo na 'to kung ayaw mong matulad dito. Magpapalit lang ako ng damit." Mabilis pa sa alas-kwatrong inimpis niya iyon, "At ikaw, gusto ko once na makababa ako, make sure na hindi ko na makikita pa ang pagmumukha mo." "O-Opo," sagot nito at narinig ko pa ang pag-iyak niya. Pero as if naman na may pakialam ako. I headed to my room and changed my clothes. Bwisit kasi iyong kasambahay na iyon. Alam ba niya kung gaano kamahal itong damit na suot ko? Baka kapag pinabayaran ko isang taon silang hindi makakain ng pamilya niya. Good thing na wala na ang kasambahay na iyon nang makababa ako. "My dear daughter!" "Mom?" I saw her in the living room with my dad. They are here na pala. Bumaba ako ng hagdan at nilapitan sila. They hugged me that makes me feel so awkward. I don't like doing this kind of things. For me it's too childish. Something that is 'iww'. "What's with that face hija? You looked stress." "Paano ba naman ako hindi mai-stress sa bahay na ito, eh patanga-tanga ang mga katulong ninyo." "Don't worry hija, kukuha pa kami ng Mommy mo ng bagong makakatuwang natin dito sa bahay." "Excuse me, ma'am, sir, ready na po ang pananghalian," sabi ng Chef kaya pumunta na kaming tatlo sa dining. "How's your boutique, hija?" My dad asked. "It's doing good, Dad. We have a lot of clients na nga eh. By next month, magbubukas na ako ng Boutique ko sa France." "Well, that's good, hija. I'm so proud of you." "How about the latest Fashion Show, hija? I heard nanalo na naman ang designs mo." "Mom, what do you expect pa ba? Given na naman na ako ang mananalo." "Anak talaga kita. You're such a competitive woman." "Thank you, mom." Tumunog ang cellphone ko at sinagot ko ang tawag, "Hello, Ynes— Talaga lumabas na?— Oh-Em-Ji! Kailangan kong mauna d'yan— Okay, I will visit their website immediately for reservation— I'm so excited for this." I ended the call. "What's that, hija?" "Mom, believe it or not lumabas na ang bagong design ng Parva Mea. And I have been waiting for so long for that bag. Limited lang daw ang stocks nun kaya hindi ako pwedeng magpahuli. And besides, kailangan kong mauna." "How much?" he asked, curiously. "Seven million dollars, Dad." "What! Seven million? For just a hand bag? Are you going to buy that?" "Of course, Dad. Why not?" "Pero hija, masyadong mahal ang bag na iyan. At isa pa, napakarami mo ng bag. Eh halos karamihan nga sa mga bag mo sa Walk-in-closet mo hindi mo pa nagagalaw. Hindi biro ang halagang seven million. And take note, we are talking about dollars here not peso." "But dad, I want that bag. Rare lang ang mga ganun. Pagsisisihan ko kapag pinalampas ko, right mom? "Honey, pagbigyan mo na ang anak natin. Saka maganda naman ang takbo ng Boutique niya. Isa pa, nanalo siya sa Fashion Show. She's doing well, honey. Just give it to her as our gift na rin for her success." Aw! Na-touch naman ako run. She's my mom talaga. Madalas ay si Daddy ang kumokontra sa mga luho ko. Pero nandyan naman si Mommy palagi para ipagtanggol ako. That's the reason kung bakit mas close ako sa mom ko. Not totally na close ako sa parents ko. Mas gusto ko kapag malayo sila para nagagawa ako lahat ng gusto ko. May mas magandang ugnayan lang kami ni Mom dahil nabibigay niya lahat ng gustuhin ko. Hindi siya Kill Joy tulad ni Dad. "Kayo talagang mga babae. Hindi ko alam kung bakit ganiyan kayo ka-obsess sa mga bag na 'yan. Nag-aaksaya lang kayo ng pera." "That bag is rare. Papayag ka ba na mahuli sa fashion ang anak mo? Huh, Roberto?" My mom is using her signature line. I'm laughing inside my head because I already know what would happen next. "Okay fine. I will ask my Finance to transfer the money in your bank account," he said, and then he sighed. "Oh! Thank you, Mom and Dad. You made your daughter happy." "We love you, hija. And what we only want is your happiness." "By the way, mag-aasikaso na ako. I have a meeting with a client this afternoon." Nagmadali na akong umalis pero bago iyon ay narinig ko pa ang usapan nila. "Honey, hindi mo dapat ini-spoil ng ganoon ang anak natin. Kaya nasasanay eh." "Hayaan mo na honey, masaya naman siya. Ano bang ginagawa sa pera? Hindi ba at ginagastos? Isa pa, nag-iisa natin siyang anak. Hindi rin kawalan sa atin ang ganoong halaga." "Kaya lumalaking ganiyan 'yan, masyado mong pinagbibigyan sa lahat ng bagay." Well, it's not a big deal for me. Tutal nakuha ko na rin naman ang gusto ko. After doing my things on the bathroom, pumili ako ng isusuot na damit. I chose a white sailor pants paired with black bustier. I let my straight hair rested at the back with the help of clip in both side of my hair, above my ear. I handed my Louis Vuitton bag and wore my sneakers. "Oh, anong tinutunga-tunganga mo d'yan? Ipasok mo 'tong mga damit sa van." "S-Sorry po, ma'am." "Make sure manong na hindi magugusot ang mga 'yan. Kapag may isa d'yan na nasira ibabawas ko iyon sa sahod ninyo. Can't you make it faster? I have an important meeting. Come on! Make it fast. Hindi ako nag-hired ng mga pagong na tauhan." After arranging all the clothes inside the van, my personal driver opened the door for me. I played a music in my inpod while I am scrolling on my iPad. "What's happening?" I asked irritated when the van stopped and I saw him talking to someone in the phone. "Ma'am pasensya na po, tumawag kasi ang asawa ko. Na-hospital daw iyong anak—" "I don't care! Ibaba mo na ang telepono na 'yan at mag-focus ka sa trabaho mo! Alam mo ba na nasasayang ang oras ko? Oh! I'm sure you don't know it." "Pero ma'am iyong anak ko po kasi gusto akong makau--" "Ibababa mo 'yang telepono mo o sisisantehin kita?" Muling umandar ang sasakyan, "Susunod naman pala pinatagal pa," sambit ko sa hangin at umikot ang mata. Nakipagkita ako sa client na kumuha sa akin na mag-design ng wedding gown niya. At tulad ng inaasahan nagustuhan nila ang gawa ko. Sino ba naman ang hindi kukuha sa isang mahusay na Fashion Designer na katulad ko. Kawalan na nila kapag hindi nila ako kinuha. "Lady Caliyah, isuot n'yo raw po ito," sabi ng babaeng kasambahay. Nasa harapan ako ng vanity table nang pumasok ang isang katulong dala ang damit. "At sinong nag-utos sa 'yo n'yan?" Tumaas ang isang kilay ko. "Si Madame Merisa po. Ito raw po ang isusuot ninyo." "Sabihin mo sa kaniya na ayoko.” "Pero Lady Caliyah, ang utos po kasi sa akin siguraduhin na masusuot ninyo ang dam—" "Kapag sinabi kong ayoko, ayoko! Naiintindihan mo?" "O-Opo, Lady Caliyah." Nang masiguro ko na maayos na ang hitsura ko sa harap ng salamin ay bumaba na ako. Ang sabi nina mom and dad may pupuntahan daw kami. Ayoko nga sanang sumama pero wala naman akong choice. Isa pa, baka magbago ang isip ni dad kapag nagmatigas ako. Baka hindi pa niya ibigay sa akin ang bag na gusto ko. At hindi ko naman hahayaan na mangyari iyon. Huminto ang sasakyan sa isang High Class na Restaurant. Doon kami pumwesto sa private area sa second floor. Of course, ayokong makahalubilo ang mga taong kumakain dito. What if may bacteria pa sila o nakakahawang sakit? Edi nahawa pa ako. Sa table ay may nakita akong mag-asawa. Sinalubong kami ng Ginang at nagbeso-beso sila ng Mom ko. "Oh ito na ba si Caliyah?" "Yes, it's her." "Wow, she's so pretty." "Kanino pa ba magmamana 'yan kundi sa akin.” "Good job ka rito, Roberto." "Mom, may I know kung sino sila?" "Oh sorry, my dear, I forgot to introduce them to you. These are my long time friends since High School. Business partner din natin sila sa Company. Sila ang may pinakamalaking share sa Company kumpara sa iba. Actually magka-team sila ng dad mo sa Soccer team noong araw.” "You were a soccer player pala." Baling ko sa asawa nito. Bata pa lang ako ay hilig ko na ang sport na iyon dahil palagi akong isinasama ni dad na manuod ng tournament noong bata pa ako. Pero mahilig lang ako manuod pero hindi ang maglaro. "Noong araw pa iyon hija. Sa ngayon eh tamang golf na lang muna. Medyo umiedad na tayo kaya kailangan na maghinay-hinay." Nagtawanan sila at naupo na kami sa harap ng lamesa. Dumating ang waiter at inabutan kami ng tig-iisang menu. Habang naghihintay ng order ay nagkamustahan ang mga titos at titas. Ako naman ay nag-selfie para may mai-post ako sa IG mamaya. Dumating ang order at kinuhaan ko ng litrato ang mga pagkain. I'm sure kaiinggitan na naman ako sa social media dahil hindi lahat ng tao ay may access sa mga ganitong restaurant. Buong akala ko ay isang simpleng dinner lang ito pero laking gulat ko nang may dumating na lalake na sa tantya ko ay hindi nalalayo ang edad sa akin. May sakbit siyang bag at nakasuot ng glasses. Well, may looks siya. I think mas gwapo siya kung wala iyong salamin niya. Tumingin siya sa akin at pasimple naman akong umirap. Wala akong hilig sa mga nerd type guy. "Finally hijo, you're here." "Caliyah, hija, I want you to meet my son, Austive." Bumaling ang tingin niya sa anak niya, "Son, this is Caliyah. Anak siya ng kaibigan namin ng dad mo. She's pretty, right?" Nahihiya siyang tumango-tango. Iww, shy type guy. Hindi ko bet iyong mga ganito. "Ano naman ang pinagkakaabalahan mo hijo?" tanong ni dad. "School. I'm studying in a Med school po, Tito." Natigil ako sa pagkain dahil sa narinig ko. This nerd is a Doctor? "Wow! That's impressive." "Ang gusto talaga ng ama niya mag-take siya ng course na related sa business. Pero wala. Hindi mo mapilit. Pagdo-doktor talaga ang gusto. Hinayaan na lang namin dahil baka tamarin pa mag-aral at tuluyan nang walang patunguhan ang buhay." "Pero ang nakakatuwa rito sa anak namin na 'to kahit na hindi siya interesado sa mga nego-negosyo na 'yan, tinutulungan pa rin niya kami ng mama niya na i-handle ang negosyo. Siguro dahil kahit wala siyang edukasyon para sa ganiyan ay dumadaloy naman sa ugat niya ang pagiging negosyante. Hindi ba anak?” "Opo, Dad," sagot nito. "Magalang na bata. Maganda ang pagpapalaki ninyo sa kaniya." "Medyo lumalalim na ang gabi. Paubos na rin ang pagkain. Bakit kaya hindi na lang natin pag-usapan ang nalalapit nilang kasal?" Nasamid ako ng juice nang marinig iyon. Mabilis naman akong sinakluluhan nung nerd guy. Binuksan niya iyong mineral water na nasa bote at inabutan niya ako ng panyo. Imbis na mag-alala sa akin ang parents ko, nakapanuod lang sila. My goodness! "Mom, Dad, anong nginingiti-ngiti n'yo d'yan?" tanong ko nang maka-recover ako. "Magaling naman pa lang mag-alaga itong anak mo, Vien. Kita mo naman ang bilis kumilos. May concern." "Hindi ba at bagay na bagay sila?" "Sinabi mo pa." "Mom, a-anong kasal?” Naguguluhan ako sa mga mangyayari. "College pa lang kami noong napagkasunduan namin na ipagkasundo ang mga magiging anak namin. Sorry kung hindi namin kaagad sinabi sa 'yo." "Mom, matagal na iyon. Why not just forget that agreement?" "Hija, that's the only way para maging isang pamilya na tayo. Mukha namang mabait itong si Austive. Magdodoktor pa nga siya. Sigurado na ang kinabukasan mo sa kaniya. Bukod pa roon ay magalang na binata. Matutuwa akong maging manugang ang isang gaya niya." "Pero ngayon pa nga lang kami nagkakilala. Tapos kasal na agad?" Ito namang lalakeng nasa harap ko, ni wala man lang imik. Come on nerd guy! Do something para hindi matuloy ito. "Sa isang buwan pa naman ang kasal. May ilang linggo pa kayo para kilalalin ang isa't isa." "No, mom, hindi ako papayag. Ayoko ngang makasal sa lalakeng wala akong feelings. I'm sorry mom pero hindi ko siya bet." Tumayo na ako at nag-marcha na palabas ng restaurant. Malas ko lang na wala akong masasakyan. Bakit naman kasi sumabay pa ako kila mom. Dapat nagpahatid na lang ako sa driver ko gamit ang sarili kong van. Or else, dapat nagdala na lang ako ng sarili kong kotse. Matatagalan pa kung hihintayin ko pa ang driver ko na sunduin ako. Wala akong ibang gusto ngayon kundi ang makalayo sa lugar na ito. Suot ang sandals ko na may mataas na heels ay lakad-takbo akong lumayo sa restaurant na iyon. Dahil madilim at bago lang ako sa lugar ay nagkaligaw-ligaw ako. Walang katao-tao sa paligid. Habang tinatahak ko ang isang iskinita ay may bigla na lamang may malamig na kung anong tumutok sa leeg ko. Nangangatal ang mga labi kong nilingon iyon. Oh My Gosh! Isang kutsilyo. Is he going to kill me? "Labas mo pera mo. Subukan mong mag-ingay at puputulin ko 'yang dila mo." "Don't touch me. At pwede lumayo-layo ka. Ang baho mo." Amoy yosi siya na amoy alak. Tapos amoy putok pa. Iww! Kakasuka. "Aba't inuubos mong pasensya ko ah.” Napasigaw ako nang inatake niya ako ng saksak pero bago pa man lumapat ang talim ng kutsilyo sa katawan ko ay bigla na lamang itong tumalsik. Nakita ko ang isang pamilyar na lalakeng nakikipagbuno rito. Nakapanuod lamang ako sa mga kaganapan. Iyong mga sipa at suntok niya, iyong mga galaw niya, alam kong hindi lahat ng tao ay kayang gawin ang mga iyon. Maliban na lang kung mayroon siyang proper training sa mga ganitong bagay. Kung iwasan niya ang bawat atake ng saksak ng mama ay mistula bang hangin lang ang iniiwasan nito. Napakakalmado niya kung makipaglaban. Para bang hindi man lang siya nakakaramdam ng takot. Hindi ito ang naisip ko kanina noong unang beses na nakaharap ko siya. Sa takot nung magnanakaw ay tumakbo na iyon sapo-sapo ang nagdurugo nitong ilong. Naglakad siya palapit sa akin. Nakita kong dumudugo ang gilid ng labi niya. "Nasaktan ka ba?” Hindi ba at ako dapat ang nagtatanong nun sa kaniya? "H-Hindi," sagot ko na lang. Walang pasabi niyang hinawakan ang pulsuhan ko at hinatak niya ako palayo sa lugar na iyon. Huminto kami sa tabi ng kotse niya at pinagbuksan niya ako ng pinto. "You don't have any choice but to come with me. Or else gusto mong mapagkatuwaan ng mga tambay dito." Pumasok na lang ako sa kotse dahil ayoko rin namang magpaiwan sa lugar na ito. Isa pa, mas pipiliin ko na lang sumama sa nerd na ito kaysa ang makahalubilo ang katulad nung lalake kanina. Ang sakit kaya sa ilong ng amoy niya. Hindi ba sa kaniya uso maligo? Umaandar ang sasakyan at ako naman ay nakahalukipkip lang sa buong byahe. "Bakit mo inilagpas?" Hindi niya ako sinagot at ipinagpatuloy lamang ang pagmamaneho. "I told you, doon ang daan papasok sa subdivision namin!" Hindi siya umimik at nakatuon lang ang mata sa daan. Well, mabuti iyon para hindi kami maaksidente. Alam ko naman na hindi siya harmless pero what if, plano pala akong i-salvage ng lalakeng ito para hindi na matuloy ang kasal? Oh no! "Saan mo ba ako dadalhin?" tanong ko at ilang segundo pa ang lumipas bago siya nagsalita. "In my house, Ms. Corsiño." After answering my question, he doubled the speed of his Aston Martin. "Why are you doing this?" I asked with a hint of anger in my voice. Ang ayoko sa lahat ay iyong hindi ako sinusunod. "As your future husband it's my responsibility to take care and protect you," he said that made me calm down. Is this mean na okay lang sa kaniya na ikasal kami? Dahil kung ganoon nga, ako na lang ang magsa-salvage sa lalakeng ito. "I'm not favor with the idea of our parents. We're same, right? I guess." "No, miss," he answered in almost a whisper. —Azureriel
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD