bc

Ang huling Gabi na Kasama ka

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
family
HE
second chance
brave
drama
sweet
bxg
serious
campus
small town
secrets
musclebear
like
intro-logo
Blurb

Isang gabi lang. Isang huling gabi na lang sana. Pero paano kung sa gabing yun, maalala mo kung bakit ayaw mo siyang pakawalan?

Isang kwento ng pag-ibig, pamamaalam, at ng gabing hindi mo makakalimutan kahit tapos na.

chap-preview
Free preview
Ang huling Gabi na Kasama ka
Author Tiffany Mitch CHAPTER 1: ANG PAG-AMIN "Kung mamamatay ako bukas, ikaw pa rin ang pipiliin kong mahalin ngayon." Hindi ko alam kung iiyak ako o kikiligin kay Elias. Basang-basa kami pareho, stranded sa waiting shed dahil sa malakas na ulan. Nanginginig ako sa lamig. Hinubad niya ang varsity jacket niya at binalot sa balikat ko. Amoy kape at pabango niya. Yung amoy na apat na taon ko nang kabisado. "Elias, seryoso ka ba?" Tumingin siya sa akin. Yung mata niya, pulang-pula. Hindi dahil sa ulan. Umiiyak siya. "Lira, apat na taon kitang mahal. Apat na taon akong duwag. Kung hindi ko pa sasabihin ngayon, baka hindi na kita masabihan pa." Doon na bumigay lahat. Hinalikan niya ako sa noo. Mainit siya, sobrang init. "Ako rin, Elias. Matagal na rin." Akala ko doon na nagsisimula ang happy ending namin. Hindi ko alam, doon pala nagsisimula ang countdown. CHAPTER 2: ANG TATLONG BUWAN NA PARANG FOREVER Naging kami. Officially. Yun ang pinakamasayang 3 buwan ng buhay ko. Nag-aaral kami magkasama, nagde-date sa murang kainan, nagpa-plano para sa graduation. Gumawa pa kami ng time capsule. Liham namin sa isa't isa na bubuksan namin after 10 years. Pero may napapansin ako. Laging maputla si Elias. Laging pagod. Minsan sa kalagitnaan ng pag-uusap namin, bigla siyang mawawalan ng malay. Duduguin ang ilong. "Elias, magpa-check up ka na please." Ngumiti lang siya. "Wag mo akong alalahanin. Kapag kasama kita, gumagaling ako." Manloloko. Ang galing niyang magsinungaling. CHAPTER 3: ANG PAGLAHO Isang linggo siyang hindi pumasok. Hindi sumasagot sa tawag. Blocked ako sa lahat. Pumunta ako sa bahay nila. Ang mama niya ang nagbukas. Namamaga ang mga mata sa kakaiyak. "Nasa ospital si Elias, Lira. Leukemia. Stage 4. Matagal na niyang alam. Ayaw lang niyang sabihin sayo." Parang gumuho ang mundo ko. Takbo ako papuntang ospital. Pero pagdating ko sa kwarto niya, walang tao. Kalat ang mga gamit. At may nurse na naglilinis ng kama. "Yung pasyente dito? Dinala na sa ICU kaninang madaling araw. Critical." Ilang oras akong naghintay sa labas ng ICU. Hanggang sa lumabas ang mama niya, humahagulgol. "Wala na si Elias, Lira. Wala na ang anak ko." CHAPTER 4: ANG LIBING NA WALANG BANGKAY Hindi ko nakita ang katawan niya. Sabi ng mama niya, ayaw daw ni Elias na makita ko siyang ganoon. Gusto niya daw ang huli kong alaala sa kanya ay yung masaya siya. Walang burol. Cremation daw agad ayon sa hiling ni Elias. Binigay sa akin ng mama niya ang abo. At isang sulat. At yung time capsule namin. Lumuhod ako sa harap ng urn niya. "Manloloko ka! Sabi mo ako ang last love mo! Bakit mo ako iniwan?!" Simula noon, namatay na rin ako. Grumaduate akong mag-isa. Tinanggap ang diploma na hawak ang urn niya. Umalis ako ng Maynila. Lumipat ng probinsya. Sinubukan kong kalimutan. Dalawang taon. CHAPTER 5: DALAWANG TAON PAGKATAPOS Dalawang taon na. Nagtatrabaho na ako sa isang publishing house sa Baguio bilang writer. Hindi na ako sumusulat ng love story. Puro lungkot na lang. Isang hapon, inutusan ako ng boss ko na i-interview yung bagong may-ari ng malaking cafe na magbubukas sa town. Sikat daw. Galing Amerika. Pagpasok ko sa cafe, pamilyar ang amoy. Kape at pabango na kabisado ko. Nandun siya sa counter. Nakaharap sa akin. Matangkad pa rin. Pero mas payat. Maikli ang buhok. May peklat sa braso. Pero siya. Si Elias. Nalaglag ang notebook ko. "E-Elias?" Lumingon siya. At sa paglingon niya, parang nakakita ako ng multo. Kasi yung mukha ng taong pinagluluksa ko ng dalawang taon, nasa harap ko. Buhay. Huminga. CHAPTER 6: ANG MULTONG BUHAY "Do you know her?" tanong nung kasama niyang babae. Amerikana. Hindi siya sumagot. Nakatingin lang siya sa akin, tulala. Namumutla. "Lira..." Isang salita lang, bumalik lahat ng sakit. Tumakbo ako palabas. Hinabol niya ako sa ulan. Parehong-pareho sa waiting shed noon. "Lira! Magpapaliwanag ako!" "Wag mo akong tawagin! Patay ka na! Patay ka na diba?! Dalawang taon kitang pinagluksa! Dalawang taon akong patay na patay sayo!" Niyakap niya ako mula sa likod. At doon ko naramdaman, mainit pa rin siya. Pero iba na. Nanginginig. "Hindi ako patay, Lira. Patawarin mo ako." CHAPTER 7: ANG TOTOO Dinala niya ako sa loob. Doon niya kinwento lahat. Hindi siya namatay sa ICU. Na-coma siya. At nung nagising siya, sinabi ng doktor na may isang experimental treatment sa Amerika. 20% lang ang chance na mabuhay. At sobrang mahal. Ayaw ng mama niya na umasa ako. Ayaw niyang hintayin ko ang isang taong baka hindi na bumalik. Kaya sinabi ng mama niya na patay na siya. Para maka-move on ako. Para mabuhay ako. "Gusto kong lumaban, Lira. Kasi ikaw yung naisip ko habang nasa eroplano ako. Sabi ko, kailangan kong mabuhay. Kailangan kong bumalik sa kanya." "Pero ang tagal mo! Dalawang taon! Dalawang taon akong naniniwala na abo ka na lang!" Ipinakita niya ang mga peklat ng chemo, ng operasyon. "Araw-araw, sinusulat ko pangalan mo. Araw-araw, iniisip ko kung paano ako hihingi ng tawad." CHAPTER 8: ANG GALIT NA MAHAL PA RIN Hindi ko siya mapatawad agad. Paano ko mapapatawad ang taong hinayaan akong mamatay sa kakaiyak? Umiwas ako. Pero araw-araw, may kape sa table ko. Galing sa cafe niya. May sulat. "Good morning, my Lira. - E" "Kumain ka na? - E" Hanggang isang gabi, bumalik ako sa cafe. Sarado na. Nandun siya, mag-isa, naglilinis. "Bakit mo pa ako binabalikan? Hindi mo ba alam kung gaano kasakit?" Lumuhod siya sa harap ko. Si Elias na never luluhod kanino man, lumuhod. "Kasi kahit patay na ang tingin mo sa akin noon, ikaw pa rin ang binabalik-balikan ng kaluluwa ko. Mahal na mahal pa rin kita, Lira. Kung papalayasin mo ako ulit, aalis ako. Pero please, hayaan mo akong bumawi." At sa wakas, bumigay ako. Hinampas ko siya sa dibdib habang umiiyak. "Namimiss kita. Sobra kitang namiss, Elias! Akala ko wala ka na!" CHAPTER 9: ANG TIME CAPSULE Binuksan namin ulit ang time capsule na dalawang taon kong hindi ginalaw. Nabasa ko ulit ang sulat niya noon: "Kung binabasa mo to, baka wala na ako..." Ngumiti siya at kumuha ng bagong papel. "Correction. Kung binabasa mo to, buhay ako. At nandito ako para tuparin lahat ng sinulat natin. Pakakasalan kita, Lira. Sa susunod na buhay at sa buhay na to." Doon ako naiyak ulit. Pero hindi na dahil sa sakit. Dahil sa wakas, totoo na.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

HIS FATHER'S LUNA

read
3.6K
bc

Ex-Husband’s Regret: My Billionaire Savior

read
1K
bc

“Daddy, Will You Ever Love Me?”

read
15.5K
bc

The Heiress's Choice

read
9.5K
bc

The Abandoned Wife's Second Chance

read
101.8K
bc

Divorced At Eighteen

read
64.3K
bc

Betrothed to the Billionaire

read
6.8K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook