LN-9 kinuryente

1239 Words

One Way Society Nayayamot na binasa ni Joaquin ang kaunting information na nakalap ni Hector tungkol sa OWS. "Ito na 'yon? Kung alam ko lang nag-google search na lang sana ako!" Napaismid si Hector sa kaniya. "Kanina mo lang binigay sa akin ang task. Malamang mga basic information pa lang ang nakukuha ko." Kumunot pa ang noo nito na ikinangisi niya. "Pikon, ah? May dalaw ka ba ngayon?" Hindi ito kumibo. Bawat galaw ng mga mata ni Hector pati na ang pag-igting ng panga nito ay nagpapakita ng pagkabalisa. Poor Hector. Ito kasi ang nautusan niyang magsaliksik tungkol sa OWS. Pagkatapos ng pag-uusap nila ni Apple sa bahay niya nitong umaga ay kaagad niyang kinontak si Hector na kasalukuyang nasa bahay ng kaniyang Papa Gerardo. Pinaimbistigahan niya sa lalaki ang One Way Society.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD