"Ariadna!" Nagulat si Joaquin nang paggising niya ay nasa kwarto na niya ang kaniyang foster sister, ang babaeng kasama niyang lumaki sa organization at anak-anakan ng umampon sa kaniya. Ang babaeng unang minahal niya noon.
Mahal pa rin naman niya ito hanggang ngayon pero bilang kapatid na lang.
Nginisihan niya ito.
"Maghilamos ka muna. May panis kang laway sa pisngi. Hihintayin kita sa mini-office mo," pagkasabi niyon ay kaagad na lumabas ng kwarto si Ariadna o mas nakasanayang tawagin ng iba na Apple.
Kaagad din siyang kumilos. Dumiretso na siyang nag-shower at nagsipilyo. Pagkalabas niya ng silid ay nagtawag siya ng maid at nagpahatid ng almusal sa kaniyang mini-office.
"Okay... May mahalaga kang sasabihin?" tanong niya kay Apple pagkaupo niya sa kaniyang swivel chair.
Nakaupo naman sa tapat niya si Apple. Humalukipkip at dumekwatro saka siya tiningnan nang seryoso sa mga mata.
Hindi ito nagsalita.
Dumating ang maid dala ang isang tray ng pagkain at dahil gutom siya kaya napapasubo na kaagad siya. Pinatapos muna siya ni Apple bago ito nagsalita.
"Akala ko ba nagbago ka na? You want to live a normal life pero patuloy ka pa ring gumagawa ng illegal!"
Sumimangot siya sabay tayo. Kumuha siya ng Champaign sa mini-bar niya na katabi lang ng kaniyang table. Sa ibabaw niyon ay naka-display ang iba't ibang klase ng wine glass. Kumuha siya ng isa at nagsimulang magsalin.
"Gusto mo?"
"I didn't come here for that, Joaquin."
Apple is so damn serious. Kakabahan na ba siya? Paano nga pala nito nalaman ang tungkol sa illegal business niya? Sumisimsim siya ng alak habang ginugulo ng samu't saring speculation ang kaniyang utak.
"Tinitiktikan mo ba ako, Ariadna?"
"Bored ang mag-ama ko kahapon kaya naisipan nilang mag-tour sa pundahan mo. And guess what? Zayn discovered a container of cocaine!"
Nahigit niya ang kaniyang hininga. Kahit kailan, pasaway talaga ang panganay ni Apple. May sa aso ang ilong nito!
"Na-miss ko lang ang trabaho namin noon ni Papa. Unlike you, wala akong pamilya, mi Manzana. Wala akong ibang pagkakaabalahan. Bored na ako sa buhay."
"Mag-zumba ka," seryoso nitong sagot na ikinahagalpak niya ng tawa.
"Nahawa ka na talaga ng tarantado mong asawa!" Iiling-iling siyang nagsalin ulit ng alak sa kaniyang baso.
"Seryoso, Joaquin. Itigil mo na ang ginagawa mo. Baka mapahamak ka na naman."
"Nagpapalago ako ng kayamanan, Ariadna. Target kong maging trillionaire."
"Bakit ka pa nagpapayaman? You have everything, Joaquin."
"Have I?"
Tigagal na napatitig sa kaniya si Ariadna. Seryoso na siya at suot na ngayon ng mga mata niya ang bitterness.
"Nasa akin na nga ba lahat, Ariadna?"
"Joaquin..." Napalunok ito nang makaramdam ng awa sa kinikilalang nakatatandang kapatid.
Mapait siyang ngumiti habang ang mga mata ay itinutok sa hawak na baso.
"I'm all alone, Ariadna. Habang kayo ay masaya na kasama ang pamilya ninyo. Ano ba ang gagawin ko? Wala na akong maisip na iba kundi ang mag-aliw na lang gabi-gabi."
"Mag-asawa ka na rin, kuya."
Napalingon siya sa babaeng nakatayo na ngayon sa nakabukas na pinto ng kaniyang mini-office. Naroon ang babaeng napakaganda pa rin kahit na kapapanganak pa lang. Nakasuot ito ng long sleeve off shoulder floral dress na hanggang binti ang haba. Nakalugay ang mahaba't natural brown nitong buhok. Kamukhang-kamukha ito ni Ariadna o Apple ng kaniyang buhay. Malamang dahil kakambal ito ng huli. Si Adriana o mas kilala ng lahat bilang si Dimples, ang malambing niyang prinsesa.
"Princess, bakit ka nandito? Dapat nagpapahinga ka ngayon sa bahay dahil kapapanganak mo lang."
Sa halip na sumagot ay lumapit ito at kaagad na yumakap sa kaniya. Dama niya ang mainit na pagmamahal nito sa kaniya sa mahigpit nitong yakap. Napayakap na rin siya rito.
Mula nang makasama niya si Dimples, naramdaman niya kaagad ang presensya ng isang mapagmahal na pamilya. Biglang natanggal ang sungay niya at napalitan ng halo at pakpak dahil dito.
Malambing ito sa kaniya at wala itong pangingiming ipadama sa kaniya na mahal na mahal siya nito bilang isang tunay na kuya. Kaya napamahal din kaagad siya sa babae.
"Na-miss kasi kita, kuya. Nag-alala kami nang husto sa iyo nang malaman namin ni Apple ang pinaggagawa mo. Please stop, kuya Joaquin. Bakit kasi hindi ka na lang mag-settle down? Ang daming babae ang nagkakandarapa sa iyo."
Ngumisi siya. "They're all just after for my money and influence. Kaya nga ako nagpapayaman para may libangan ako. Kapag naubos ang pera ko, mawawalan na ako ng libangan."
Ngunit ang tunay na rason kung bakit gusto niyang maging pinakamayaman, dahil sa isang katotohanan... Mas mayaman, mas makapangyarihan. Mas makapangyarihan, mas angat. Kapag mas angat, mas ligtas. Walang makakatibag sa proteksyon niya para sa kaniyang pamilya kapag siya na ang itinuring na pinakamatibay na pader.
"Ibahin mo si Lanie, kuya!"
Kumunot ang noo niya. At paano nasali sa usapan ang megaphone na iyon?!
"Kapag si Lanie ang pinili mo, kuya magiging masigla ang araw at gabi mo! Hindi lang iyon, nasisiguro ko ring may magmamahal sa iyo nang totoo kahit pa mamulubi ka. Kilala ko si Lanie, kuya. Mukha lang 'yong pera pero mapagmahal iyon! Masipag din at masayang kasama!"
Napa-tsk siya. Hindi siya sang-ayon dito. Baka nga si Lanie pa ang magiging dahilan na mapapaaga ang pagsundo sa kaniya ni Kamatayan.
"Princess, huwag niyo na akong alalahanin. Kaya ko ang sarili ko. Kahit pa tumanda akong mag-isa."
"Ayaw lang naman namin ni Apple na may masamang mangyari sa iyo, eh. Mahal ka namin."
Muli siya nitong niyakap at naglalambing—nagsusumamo.
"We can't afford to lose a kuya like you. We love you so much."
"Mahal ko rin kayo ni Apple..." At nakahanda akong protektahan kayo kahit buhay ko ang magiging kapalit. Napapikit siya sa ibinubulong ng kaniyang isip. Nais niyang idugtong iyon sa sinabi niya ngunit hindi na mahalaga na marinig pa ng mga ito kung ano'ng nilalaman ng puso't isip niya.
Inalalayan niya si Dimples na maupo sa bakanteng upuan saka niya ginulo ang buhok nito.
"Stop worrying. Siyam ang buhay ng kuya Joaquin niyo."
Dimples pouted sabay hampas sa kaniyang braso.
"Ilang beses ka na ba'ng napahamak? Ibig sabihin niyon, nabawasan na ang nine lives mo!" Mangiyak-ngiyak na ito. "Kuya naman, eh! Ayoko nang maranasan na mawalan ng kapamilya. Masakit 'yon, eh! Gusto ko, safe tayong lahat lagi."
"Aba, hindi pwede 'yon! Paano kung mas maikli pala ang kandila ko kaysa sa inyo? Syempre mauuna talaga akong mamamata—araay!" Napaatras siya matapos siya nitong kurutin sa tiyan. Buti na lang matigas ang abdomen niya kundi ay napalalim na ang kurot nito.
"Itigil mo na ang illegal mong negosyo kuya Joaquin! Hindi talaga kita kikibuin kapag nagpatuloy ka!"
"Okay! Bukas na bukas, iuurong ko na ang pakikipag-deal ko sa mga negosyante from other countries."
"Dapat lang!"
Iuurong niya talaga dahil nalaman niya kagabi lang na may ahas sa isa sa mga ito at gusto siyang ilaglag.
"Nakakasama ang illegal drugs kuya. Hindi lang ikaw ang mapapahamak dahil diyan. Makasisira rin kayo ng buhay ng ibang tao. Alam mo ang epekto ng drugs sa utak ng tao, hindi ba? Dahil diyan dumadami ang krimen sa Pilipinas—sa mundo!"
Hindi siya nakasagot. Pinapangaralan na naman siya nito. Nang balingan niya si Apple ay seryoso itong nakatingin sa kaniya. May gusto itong ipabatid sa kaniya sa pamamagitan ng matatalim nitong mga mata.
"Ini-stress mo ang asawa ko, Joaquin."
Mula sa pinto ay naroon naman si Kai na mukhang kararating lang. May pawis pa ito sa noo na animo'y galing sa pakikipag-marathon.
Inismiran niya ito.
"Don't worry, hindi ako magtatagal dito," wika nito. "Sinusundo ko lang ang asawa ko. Tumakas kasi iyan sa bahay," pagkasabi ay mabilis nitong nilapitan si Dimples at walang paalam na kinarga ang babae in a bridal position.
Pumalag si Dimples pero tumigil din kaagad.
Nang maiwan sila ni Apple ay saka naman ito nagsalita.
"Nakatanggap ka ng death threats," pagbubukas nito.
Hindi niya ito nilingon.
Yes, it's true. Matapos ang ilang taon ay nakatanggap siya ulit ng death threats last week.
Alam niyang hindi naubos ni Apple noon ang mga kalaban nila kaya heto't binabalikan siya. Mabuti na lang at hindi matunton-tunton ng mga ito ang mailap na si Apple kaya hanggang ngayon ay hindi nagagalaw ng mga ito ang babae.
Muli siyang nagsalin ng alak sa baso at inisang lagok iyon.
"Kaya kong protektahan ang sarili ko. Langgam lang sila sa akin."
"Alam ko. Ang inaalala ko, baka idawit na naman nila si Dimples o sino man sa pamilya natin."
Napakuyom siya ng palad.
"Hindi ko hahayaan na mangyari ulit ang nangyari noon."
"There's more..."
Napaharap na siya rito.
Tumayo naman si Apple at mula sa bulsa ng likod ng pantalon nito ay kinuha nito ang nakatuping papel.
Binuklat ni Apple ang papel at inilapag sa kaniyang mesa.
"Photocopy iyan ng lista ng codenames ng isang bagong underground society ngayon. Ang One Way Society."
"One Way Society? Haha! Tunog pang banda! Ano naman ang layunin ng grupo nila? Mag-concert?"
"Sila ang grupo na magpapatumba sa iyo. Target nila ang mga kagaya mo, Joaquin, mga kagaya mong crime lord."
Ngingisi-ngisi siyang umiling.
"Hindi nila ako kaya." Kampante siyang walang makakapagpabagsak sa kaniya.
Itinuon niya ang paningin sa papel at isa-isang binasa ang mga codename umano ng members ng underground society.
DT- Doned Tail
RD- Reminiscing Death
SO- Second Oblivion
Mayroong higit sa sampung nakasulat na pangalan ng miyembro ng nasabing grupo at lahat ng ito ay makahulugan ang dating. It seems like every name is a warning to someone like him. Pero sa mahigit sampung nakasulat, isa lang ang nagpakabog ng dibdib niya. The seventh member of One Way Society!
LN...
"Luscious Nightmare."