LN-7 Plano

1754 Words
"Make sure she's not breathing bago niyo iwan." Kumabog ang dibdib ni Lettie sa narinig. Ipapapatay ba talaga siya ng sarili niyang ina? Why would she be surprised? Halimaw nga ang pamilya niya, 'di ba?! Matagal nang nabanggit sa kaniya ng mga kapatid ng kaniyang inang Doris at ng mga pamangkin nito kung gaano kasama ang mga Slora. Hindi niya lang talaga matanggap noon ang katotohanan na iyon. But now... now is the proof of how evil her mother is at siya na anak nito ang susunod na magiging biktima ng kasamaan nito. Yumuko siya at nayayamot na ngumisi. So this is it. Ito na nga ang magiging katapusan niya. Ang masaklap lang ay matatapos ang buhay niya sa utos ng sarili niyang ina. Kumislap ang mga mata niya sa namumuong luha. Masakit ang katotohanan na iyon. But what if sabihin niya rito na siya si Maisie, ang nawawala nitong anak na babae? Baka sakaling magbago ang isip nito. Napailing siya sa naiisip. No. She will not do that. Hahayaan niya si Mayora na magdesisyon. At hahayaan niyang magsisi ito habang buhay kapag nalaman nitong ang ipinapatay nito sa mga tauhan ay anak pala nito. She will suffer by her own deeds! But what about Azec? What about her son? Handa rin ba siyang iwan ito? Tuluyang bumagsak ang namumuo niyang luha matapos maalala ang kaniyang anak. "M-ma'am Margaux," kandalunok niyang tawag. Sinikap niyang salubungin ng tingin ang berdeng mga mata ni Mayora. "Pakiusap, naghihintay ang pamilya ko sa amin. Hayaan niyo na lang akong umuwi. Pangako, wala akong pagsasabihan tungkol dito. Pakiusap... Pakawalan niyo ako." Alam niyang kulang sa sinseridad ang kaniyang pagmamakaawa. Hindi lang talaga siya marunong dahil hindi siya sanay na nagmamakaawa. Natawa si Mayora sa kaniya. "Dear, are you really begging for your life? Kulang ka sa pag-arte. Subukan mo kayang magpaturo kay Diego? But no time for that dahil hindi ka na sisikatan pa ng araw." Lalo siyang yumuko upang itago ang pagtatagis ng kaniyang bagang kasabay ng pagtulo ng kaniyang luha dahil sa sakit at galit. "I'm sure kilala mo kung sino'ng kaharap mo. Sikat ang pamilya namin sa lugar ninyo dahil sa pagiging masama namin, hindi ba? So what makes you think I'll let you live? Akala mo ba, hindi ko alam na isa kang Domingo? Malaki ang kasalanan ng pamilya mo sa pamilya namin! Kulang pa ngang kabayaran ang buhay mo, eh! Hampas-lupa!" Kumuyom ang palad ni Lettie. Suminyas ang Mayora sa mga tauhan nito. Nagsipagkilos naman kaagad ang mga ito at kinalagan si Mark. "Sir Mark," mahinang tawag ng isa sa mga tauhan. Tumayo si Mark saka tiningnan si Lettie. "Despatch her!" malakas na sabi ni Mayora. Halos kaladkarin na si Lettie palabas ng silid nang biglang sumigaw si Mark. "Sandali!" Napatigil ang tauhan ni Mayora na humahatak kay Lettie at tumingin dito. "Spare her, Mom. Kapag pinakawalan niyo siya, papayag na ako sa kasunduan ninyo ni Mr. Reymundo." Napangiti si Mayora saka lumapit sa anak na lalaki. "You fool!" Nanlaki ang mga mata niya nang bigla na lamang nitong sampalin si Mark nang paulit-ulit. Ang kaninang kalmado nitong mukha ay tila sinapian at naging demonyo. Nagwala ito sa galit. Kita niya sa nanlilisik nitong mga mata ang gigil at tila ba hindi pa nakokontento. Kinuha nito ang latigo mula sa isa sa mga tauhan nito at paulit-ulit na inihahataw iyon sa kapatid niya, sa mismong harapan niya. Gulat na gulat siya at hindi makapaniwala sa nasasaksihan ngayon. Is this how her mom treats her brother? What the hell!? Bakas sa mukha ni Mark ang labis na pagtitiis sa sakit pero hindi man lang ito pumalag ni magmakaawa sa ina. Sa nakikita niya, mukhang sanay na itong sinasaktan ng Mommy nila. Parang dinurog nang pinung-pino ang puso niya sa nakikita. Nagsusugat na ang balat ni Mark sa likod. Nakahubad na kasi ang shirt nito ngayon kaya mas lantad na ang balat nito mula sa hagupit ng latigo pero hindi man lang ito lumaban. At kahit pa balot ng tattoo ang likod ng lalaki ay hindi pa rin naitatago niyon ang bakas ng kalupitan ng sarili nilang ina! Why?! Bakit hinahayaan ni Mark na saktan nang ganito ng mommy nila? Sa bawat hampas ng latigo sa likod nito ay napapapikit siya at ang masisipa na tunog niyon ay tila karayom na tumutusok sa tainga niya. Gusto niyang umiyak pero wala rin namang silbi dahil hindi naman n'on matutulungan ang kapatid niya. Paano nga ba nagiging halimaw ang isang maamo at malambing na mommy niya? Maraming taon siyang nawalay sa piling ng mga ito at ngayon ay pakiramdam niya, nag-iba na ang katauhan ng mga ito. Hindi na niya kilala ang kaniyang pamilya lalo na ang kaniyang mommy. O baka bulag lang siya noon? 'Kuya...' Kinimkim na lamang niya ang sakit at awa sa kapatid. Nang mapagod si Mayora ay ibinalik na nito sa tauhan ang latigo pagkatapos ay bumaling ito sa kaniya at mariin na hinawakan ang mukha niya. "You have just witnessed how cruel I am to my own son. Kaya ikaw... fear for your life because I can do more than that to you!" Patulak siya nitong binitiwan na ikinatumba niya. Napapikit pa siya pagkakabagsak niya sa sahig. "Alisin niyo na ang babae!" hingal nitong sambit. Kumilos ang isa sa mga tauhan nito pero biglang humarang si Diego. "Sandali lang, Mayora. Ibalato mo na lang sa akin ito. Ako na ang bahala. Huwag kang mag-alala, sisiguraduhin kong hindi magiging problima ang babaeng ito." Tumingin lang sa kaniya nang matalim si Mayora bago walang salita na umalis. Kaagad sumunod ang mga tauhan nito samantalang ang dalawang iba pa ay iniskortan si Mark palabas. Naiwan sila ni Diego sa silid. "Nakokonsensya ka na ba, Diego?" malamig niyang tanong dito. Pumamulsa itong humarap sa kaniya. "Ikaw ang nawawalang anak ni Mayora." Nanlaki ang mga mata niyang napatingin sa lalaki. "Pasensya na. Na-curious lang ako sa katauhan mo kaya pinasok ko noon ang kwarto mo nang walang paalam. Nakita ko ang nakadikit sa likod ng pinto ng silid. Ang litrato ninyo ni Mark noong mga bata pa kayo." "Hindi ako 'yon." "You sure? Lettie, alam kong ikaw 'yong batang kasama ni Mark. I told you that I grew up in the orphanage. Nakita na kita noon, Lettie. Ang liit mo pa noon. You're just four and I was seven that time. Isinama kayo ng Mommy mo sa bahay ampunan na kinalakihan ko. Nagbigay siya ng donasyon at kasabay nito ay nangampanya rin siya para sa Lolo mong tumatakbo bilang senador sa parating na halalan noon." "Hindi ako ang batang nakita mo." "Don't deny it! Natatandaan pa rin kita, Lettie. Mahirap kalimutan ang maamo mong mukha at ang berde mong mga mata. Siguro hindi mo na naalala pero ako, naaalala ko pa, Lettie. Nagpa-picture kami noon sa inyo ni Mayora kasama ang mga madre. At alam mo bang hanggang ngayon ay nasa wallet ko pa rin ang litrato mo? Kapag tinanggal ko iyang wig, salamin at contact lens mo, magiging kamukha mo na ang bata sa litrato." Tiningnan niya ito nang matalim. "Ano'ng binabalak mo?" "Bakit ka nagtago sa pamilya mo?" "Dahil ayoko sa kanila! Mas gusto ko sa lugar ng mga umampon sa akin." Hindi ito nagsalita. Nakatitig lang ito sa kaniya nang mariin. "Ano? Papatayin mo na ba ako ngayon, Diego dahil mali ang sagot ko? Pero iyon ang totoo. Ayoko sa tunay kong pamilya!" Bumuntong-hininga ito. "Letticia Domingo o tamang sabihing, Maisie Diolet Slora Rojas... Alam kong iniisip mo na masama akong tao dahil trinaydor ko kayo. Pero hindi ako mamamatay-tao, Lettie. Ginawa ko lang ito dahil tumatanaw ako ng utang na loob sa mommy mo. Pero hindi ako masama at hindi kita hahayaang mapahamak." "Mabuti naman," mayabang niyang sabi rito. Kinalag nito ang tali sa kaniyang mga kamay. "Pwede ka bang maging kaibigan?" Ngumiti ito at inilahad sa kaniya ang kanang kamay nito. Tinanggap naman niya ito. "Sure. Pwede bang manatiling sekreto ang nalaman mo tungkol sa akin?" Tumango ito. "Maaasahan mo ako, Lettie. I'm sorry sa ginawa kong pagtraydor sa inyo ni Mark. I am not a bad person, maniwala ka. At patutunayan ko iyan sa iyo." Ngumiti nang makahulugan si Lettie. "I believed you. Pero hindi pa rin kita mapapatawad. Dahil hindi biro ang ginawa mong pagtraydor, Diego. Pinahamak mo si Mark!" Malungkot itong tumango. "Nakonsensya nga ako kanina. Hindi ko akalaing sasaktan nang ganoon ni Mayora ang sarili niyang anak." Naniniwala siya kay Diego dahil nakikita niya sa mga mata nitong sinsero ito sa mga sinasabi pero hinding-hindi siya magtitiwala rito hangga't nasa mommy niya ang loyalty nito. People may think that Lettie is fragile, innocent and easy to fool pero nagkakamali sila dahil ang babaeng nasa harap ngayon ni Diego ay isang tuso at pailalim gumanti. Bago sila naghiwalay ay may hiniling siya rito. "Diego, magkaibigan na tayo, hindi ba? Pwede ba akong humingi ng pabor?" tanong niya na nakatingin sa harap ng sasakyan. "Yes. What is it?" "Pwede mo bang paimbistigahan si Joaquin Guerrero?" "Joaquin Guerrero? Parang narinig ko na ang pangalan na 'yan." "Oo dahil makalat talaga ang lalaking iyan kaya sikat." "May problima ba?" "Malaki." Tiningnan niya ito at nginitian nang makahulugan. "Leader siya ng isang crime organization at gumagawa ng mga illegal na transaction. Ginagamit niya ang kaniyang cargo ship para maglabas-masok sa bansa ng mga illegal na gawain. Isa siyang maruming bilyonaryo, Diego. At gusto kong ubusin ang lahat ng mayroon siya." Napakurap ito. "Malaking tao ang babanggain natin. He's a Mafia, right?" "Natatakot ka? Paiimbistigahan mo lang naman. Hindi mo siya kailangang harapin." "Lettie..." May pag-aalinlangan sa mga mata nito. Lettie is now a secret millionaire dahil sa success ng itinayo niyang negosyo noon with Joaquin's money. Hindi man niya ito mapapantayan pero kaya na niya itong labanan. At syempre, sa tulong ni Diego. Gagamitin niya si Diego saga plano niya. "Marami kang koneksyon, Diego. Kaya ikaw lang ang pwede kong mahingan ng tulong." "May ginawa ba siya sa iyo kaya gusto mo siyang pabagsakin?" Tumingin siya sa harap ng kotse saka lihim na napangiti. Nang magsalita siya ay seryoso na siya ulit. "Yes. He raped me. At si Azec ang naging bunga ng kasamaan niya." It was just a lie. Of course Joaquin didn't rape her. Ginusto niya rin ang nangyari sa kanila noon. Pero ito lang ang paraan para makuha ang simpatiya ni Diego. Nagtagumpay naman siya. Kita niya ang pag-igting ng panga ng lalaki. Pababagsakin niya si Joaquin at uubusin niya ang lahat ng pera nito. Gusto niya itong turuan ng leksyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD