LN-6 kidnap

1838 Words
Present time. Nakapikit ang mga mata ni Lettie na dinampot ang tumutunog niyang cellphone sa ibabaw ng side table sa tabi ng kama. Tumagilid siya ng higa at ipinatong ito sa ibabaw ng tainga niya. "Mm?" "Lettie! Help!" Kumunot ang noo niya at napipilitan na dumilat. "Lanie? Ano'ng problima?" "Magtatanan kami ni Mark! Tulungan mo naman ako, o! Hindi ko alam kung saan pupunta. Hayop kasing Mayora na iyon! Pinagbantaan ako. Pinapirma pa ako ng annulment para hiwalayan si Mark. Napakakontrabida ng bruha!" Nawala ang antok niya sa mga narinig. Gusto niyang tumulong. Syempre, kaibigan niya si Lanie at si Mark... Kapatid niya ito. Ito ang totoo niyang kapatid sa dugo at laman. Gusto niya itong tulungan. Kahit sa paraan na ito man lang maipadama niya ang pagmamahal niya sa kaniyang Kuya na walang kaalam-alam tungkol sa kaniya. Pero saan naman niya dadalhin ang mga ito? Bahala na! "Sige. Sumama kayo sa akin sa probinsya namin." *** Sumama nga ang dalawa sa kaniya sa Cagayan. Tumawag na siya sa kaniyang inang at ipinaalam ang tungkol sa pagdating nila. Isang malusog at gwapong bata ang sumalubong ng yakap sa kaniya pagdating nila sa kanilang bahay. "Dre! Miss kita!" Ginulo niya lang ang buhok nito at dinala ito sa loob ng bahay. Iba kasi ang titig ni Lanie sa bata. Parang may pagdududa. Kinabahan kaagad siya kaya nilayo niya ang bata. "Kapatid ko," pakilala niya kay Lanie na ikinatango nito pero halata namang hindi ito kumbinsido. "Ang laki ng bahay ninyo, Lettie. Bungalow. Mayaman pala kayo?" mayamaya'y sabi nito. Umangat lang ang gilid ng kaniyang labi. 'Yong pera na tinangay niya mula kay Joaquin ang ginamit niya para mapagawa ang sira-sirang bahay ng kaniyang inang. Ilang milyon din ang ibinahagi niya sa malalapit nilang kamag-anak lalo na sa pamilya ng yumao niyang tiyuhin. At ang natirang pera ay ipinuhunan niya sa kaniyang negosyo at pinalago ito. Nagpatayo siya ng bar club sa Manila, malapit sa Neon bar club na madalas tambayan ni Joaquin. Wala lang. Gusto niya lang kompetinsyahan ang nasabing bar. "May kapatid kasi akong nasa abroad. Siya ang nagpagawa nito," pagsisinungaling niya kay Lanie. Hindi na niya mabilang kung ilang beses na siyang nagsinungaling sa babae. Pakiramdam niya ay humahaba na ang kanyang matangos na ilong sa kanyang mga kasinungalingan. Hindi rin kasi ito tumitigil sa pangungulit. Gusto niya na tuloy magsisi kung bakit niya pa ito dinala rito. Mukhang mapapahamak pa ang sekreto niya dahil sa babaeng ito. Sa kabilang banda, masaya siya na dinala niya ang dalawa sa bahay nila sa Cagayan. Masaya siyang nakikita lagi ang kapatid niyang si Mark Dillion Slora Rojas. Masaya siya na nakikita itong tumatawa at masayang-masaya sa piling ng kaibigan niyang ipinaglihi sa balyena ang bunganga. Kontento na siya kahit hindi alam ni Mark na siya ang nawawala nitong kapatid. Mukhang limot na rin naman nito ang tungkol sa nangyari noon kaya hindi na lamang niya guguluhin pa ang kanilang pamilya. Kontento na rin naman siya sa buhay niya ngayon. Pero aminin man niya o hindi, may bahagi sa puso niya ang nangangarap na sana isang araw, makasama niya ang tunay niyang pamilya at mayakap ang mga ito. "Sino'ng ama ng bata?" Isang araw ay bigla siyang kinulit ni Lanie. Nataon pa man din na nagluluto siya. Gusto niya sanang sabuyan ng kumukulong sabaw ang mukha nito. "Manahimik ka Lanie, tatamaan ka sa 'kin." "Sino nga?!" Hindi talaga siya nito tinantanan. Araw-araw siyang kinukulit ni Lanie. Tuwing may pagkakataon ay tinatanong siya nito tungkol sa batang si Azec. Hanggang sa napaamin siya nito. Si Aaron Zeus Creuffer o Azec, ay ang bunga ng karupukan niya. Ngunit kahit na ano'ng mangyari, hinding-hindi niya aaminin kay Lanie kung sino ang ama. Di bale nang magkasala siya nang paulit-ulit dahil sa pagpapanggap niya pero hindi niya sasabihin kahit kanino na nagkaanak siya kay Joaquin. Pero mukhang alam na rin nito kung sinong ama ng bata. Panay pasaring nito sa kaniya. *** Isang araw, matapos tuyuin ni Lettie ng blower ang kaniyang buhok ay sinuot naman kaagad niya ang kaniyang itim na contact lens pagkatapos ay sinapawan niya ng clear specs. Saka niya sinuot ang itim na wig at ikinalat ang mahabang bangs. Paglabas niya ay nadatnan niya si Diego Buenavista. Oo maliban kina Lanie at Mark ay may isa pa siyang bisita. Ang lalaking ito ay hindi niya alam kung paano napasama sa kanila. Nagulat na lang siya nang makitang ito na ang kasama nila pagkababa sa tricycle noon. Iyon pala, sa terminal ng bus ay iba ang nahablot ni Lanie at hindi si Mark. Magkapareho naman kasi ng suot, tindig at pareho ring porcelana ang balat. At dahil pareho silang hilo sa byahe ay wala sa kanila ang nakapansin agad. Ang kawawang si Mark ay naiwan sa terminal mag-isa! Pero binalikan nila ito noong gabing iyon. Syempre, ayaw niyang may masamang mangyari sa kapatid niya. Kinupkop na rin nila si Diego dahil wala itong matutuluyan. Pinagtataguan daw nito ang manager. Isa kasi itong sikat na artista na gustong takbuhan ang magulong mundo ng showbiz. Pero iba ang pakiramdam niya sa lalaki. Parang may mali rito na hindi niya matumbok kung ano. Hindi siya mahilig sa mga artista kaya wala siya masyadong alam tungkol dito. Basta ang alam niya, artista ito. "Good morning, Lettie!" nakangiti nitong bati sa kaniya. Ngumiti rin siya nang tipid dito sabay tango. Pinagpawisan ito. Basa pa ang dulo ng matangos na ilong nito. Mukhang kagagaling lang sa jogging. Nilagpasan niya ito at lumabas siya ng bahay para tulungan ang kaniyang inang sa pagwawalis sa bakuran. Medyo mahangin kasi kagabi kaya ang daming nakakalat na dahon sa lupa. Dinampot niya ang walis tingting sa gilid ng bahay nang magsalita si Diego sa likod niya. "Berde pala ang kulay ng mga mata mo. Parang kay Mark." Nanigas ang likod niya at nabitiwan ang walis. "Nakita kita kanina paglabas mo ng banyo. Pasensya na, hindi ko sinasadya. Hindi mo yata ako napansin sa sala." Nakita siya nito? Hinuhubad niya kasi ang mga maskara niya kapag gabi. Nasanay siya na sila lang ng inang niya at ni Azec ang magkasama sa bahay. Nakalimutan niyang may mga bisita pala siya at hindi na pwedeng pakalat-kalat siya nang walang takip sa mukha. Sunud-sunod siyang napalunok at marahan itong tiningnan. "Ahm, mahilig ako sa contact lens." Tumitig ito sa mga mata niya. Ang ngiti nito ay unti-untimg nabubura. "Gan'on ba? Natutulog ka nang naka-contact lens? Nakasisira iyon ng mata." "K-kagabi lang. Nakalimutan kong tanggalin." Tinalikuran na agad niya ito at inabala ang sarili sa pagwawalis. Nakaramdam siya ng iritasyon sa lalaki. May mali rito. Sa kabila ng maamo nitong mukha at matamis nitong ngiti, parang hindi niya pa rin makuhang magtiwala rito. Nang sumunod na mga araw ay nabulabog sila dahil si Diego ay nakagat daw ng ahas. Para makasiguro ay lumuwas sila ng bayan upang dalhin ito sa hospital pero pagdating nila sa highway ay may biglang humarang sa kanila na isang van. Nagbabaan dito ang armadong kalalakihan at tinutukan sila. "Bilis, ah!" nakangising sambit ni Diego sa mga lalaki. Napakuyom siya. Ito pala 'yon! Kaya pala masama ang kutob niya! May itinago ngang kahayupan si Diego! Tinangay sila nito at dinala sila sa lugar na pamilyar sa kaniya. Kung hindi siya nagkakamali, ito ang plantation dati ng kaniyang Lolo. Alam niya ang mga property rito ng kaniyang pamilya dahil itinuro ang mga iyon sa kaniya ng kaniyang kinikilalang mga tiyuhin at pinsan. Pumasok sila sa rest house at dumiretso sa isang silid na walang bintana. Tanging ang nag-iisang lampshades lang ang nakakapagbigay liwanag dito. Itinali silang dalawa ni Mark sa silya. "Hindi ka dapat nandito. Nadamay ka tuloy," ani Mark nang maiwan silang dalawa sa silid. Tiningnan niya lang ito pero hindi na kinibo. Nalaman nila na si Mayora pala na Mommy nila ang nag-utos na ipadukot si Mark at nadamay lang siya dahil kasama siya nito. Spy pala ni Mayora si Diego at sinadya talaga nito na sundan sila. "I'm sure nag-aalala na ngayon ang inang at kapatid mo. Hindi ka dapat nadadamay rito." Dahan-dahan siyang tumingin sa malungkot na mukha ni Mark. Malamlam ang itim niyang mga mata sa likod ng suot niyang specs na bahagyang natatakpan ng kaniyang mahabang bangs. Gusto niya itong yakapin. "Sanay na sila sa akin na bigla-bigla na lang nawawala at lilitaw. Kaya hindi mag-aalala ang mga iyon. Ang concern ko ay si Lanie. Siguradong hindi na iyon mapakali ngayon. Galit ka ba sa kaniya dahil sa annulment?" Hindi kumibo si Mark. Nalaman na kasi nito ang ginawang pagpirma ni Lanie sa annulment paper na pinabigay ni Mayora. Wala naman talaga siyang pakialam sa nangyayaring love life sa dalawa dahil maging siya ay may problima ring kinakaharap. Pero hindi niya mapigilan ang sarili na mangialam. "Ito ang dating plantation ni senator Evan Slora, Mark," biglang pag-iiba niya sa usapan. Kunot-noo siya nitong tiningnan. "What?" "m*******a ang dating negosyo ng Lolo na—mo, Mark." Muntik na siyang madulas! "Bago ka pa man isinilang, ito na ang naging kabuhayan nila at ang nagpayaman sa mga Slora. Isa sa pinsan ni Inang ang nagsumbong noon sa mga pulis tungkol sa plantation. Nang malaman ito ng mga Slora, pinadukot nila si tiyong at hanggang ngayon ay hindi pa rin ito nakabalik sa amin. Ang hinala ng kamag-anak namin, na-salvage na ito." "Kailan 'yon?" "Matagal na. Wala pa tayo rito sa mundo." "Bakit ang dami mong alam? Sigurado ka ba diyan? B-baka sinisiraan lang nila si Lolo." She smiled. "Minsan kailangan mong umalis mula sa lilim ng sinisilungan mo. Para makita mo nang klaro ang mga nangyayari sa paligid mo." Napalunok si Mark habang nakatitig sa mga mata niyang may specs. "You're mysterious." That's right. Sa kanilang magkakaibigan, siya lang ang bukod tanging naiiba sa lahat. Hindi mo mababasa ang tinatakbo ng isip niya. Mahirap hukayin at hindi mo maintindihan ang ugali. "Ano pa ang alam mo, Lettie?" Hindi siya sumagot. Tinikom na niya ang kaniyang bibig. Kasabay nito ay bumukas ang pinto ng silid. Halos mapigil niya ang hininga nang makita si Mayora Margaux Slora Rojas, ang kaniyang Mommy! Kasunod nito ang tauhan nitong may mga nakasukbit na armas sa tagiliran. Huling pumasok si Diego. Kay Mark nakatingin si Mayora pero ang dibdib niya ay hindi na maawat sa lakas ng kabog. Sobrang lapit nito sa kaniya. Naaamoy niya ang pamilyar nitong pabango na hanggang ngayon ay hindi pa rin pala nito pinalitan. Sobrang na-miss niya ito. Gusto niya itong yakapin. Na-miss niya ang kaniyang mommy. 'Mommy ko...' sa isip na lamang niya itong matatagawag sa ganoon. "We're leaving now, MD," wika ni Mayora sa malamig na tono. "Paano ang babae, Mayora?" one of her men asked. Tumingin si Margaux sa kaniya at nagkasalubong ang kanilang mga mata. Napalunok siya sa kaba. Pinipigilan niya ang sariling sugurin ito ng yakap. God knows how much she wanted to hug her. Sobra siyang nangungulila sa mainit na yakap nito. 'Mommy...' Ngunit ang kaniyang pananabik ay biglang naglaho nang magsalita ito. "Itapon niyo 'yan. Make sure she's not breathing bago niyo iwan."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD