LN 43 Hindi pahuhuli nang buhay

1664 Words

[Joaquin's POV] "Kahit na ano'ng mangyari, huwag mo hayaang mamatay ang apoy sa kandila. Kailangan nakasindi pa rin ito hanggang sa maubos. Hintayin mong maupos." Napailing ako sa bilin ni Mark. Kalokohan 'to! Para naman akong bata nito na nakikipagkasundo sa trip ng mga rugby boy! Nasira na talaga ang tuktok ng Mark na 'yon! Madami namang paraan para mapatunayan kong mahal ko si Lettie, bakit ito pa?! Sobrang tahimik ng paligid pagkarating ko sa nasabing lugar. Lumabas ako sa sasakyan ko at nagsimulang maglakad papunta sa harap ng abandonadong building. Hinayaan ko lang na nakabukas ang headlights ng sasakyan ko para may liwanag sa daraanan. Nang matapat na ako sa building ay bigla akong kinilabutan. Ang dilim! Tapos parang may nakikita akong anino na gumagalaw sa loob ng building.

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD