"Good morning, Joaquin." Sabay kaming napabalikwas ng bangon ni Joaquin nang makita sa paanan ng higaan sina kuya Mark, kasama si Hiro, Shun, Kairo at Caden. Magkatabing nakaupo sa sofabed sina kuya at Kai habang nasa likod naman ang tatlo, nakatayo na parang mga modelo. "A-anong ginagawa niyo rito?!" bulalas ko sabay balot ng katawan ko ng kumot. Langhiya! Nakahubo't hubad pa naman ako! "We're here to rescue you," sagot ni Caden. "Hayop ka, Joaquin! Halos mabaliw kami kahahanap kina Maisie at Azec, dinukot mo lang pala!" Nagtatagis ang mga bagang ni kuya Mark. Nginisihan lang naman ito ni Joaquin. "Wow! Paano kayo nakapasok sa mansion ko?" tanong din niya na binalewala ang galit na nakikita sa mga mata ng kapatid ko. Bago pa man may sumagot sa tanong niya ay pumasok na ang maga

