"I'm sorry... I'm sorry iniwan ko kayo. I'm sorry dahil sa akin ay nagdusa kayo ng maraming taon." Punung-puno ng pagsisisi na sambit niya. Niyakap niya ito nang mahigpit gaya ng kung gaano kahigpit ang yakap nito sa kaniya. "Ssh!" Kumuwala ito at pinahid ang kaniyang mga luha. Pinahid niya rin ang masaganang luha nito. "Baby ko! Wala kang kasalanan. Kasalanan 'to lahat ng kumidnap sa iyo! Humanda sila—" "No!" putol niya rito. "Mom, kasalanan ko lahat. Kagustuhan ko na hindi bumalik dito. Kagustuhan kong iwan kayo. Patawad, mom." "Maisie..." "Galit ako sa inyo dahil sa masasamang gawain ninyo kaya pinili ko na lang na magpakalayo at kalimutan kayo. Galit ako sa mga pinaggagawa ninyo, mom." Natahimik ito pero patuloy sa pagluha. "Ayoko ng mga ginagawa ninyo, mom. Ayokong nananakit

