LN-23

1160 Words

"Dad! Ano 'yon?! Bakit may ganong kasunduan ang mga Zaragoza at si Lolo? Akala ko ba ok na? Akala ko ba hindi niyo na pakikialaman ang buhay namin ni Maisie?" Mula sa terrace ay rinig ni Lettie ang pagtatalo ng kaniyang kapatid at ama. Hindi alam ni Mark na sumunod siya rito sa mansion. Hindi napansin ng mga ito ang pagdating niya dahil abala ang mga ito sa pagtatalo. "Mark, wala rin akong alam diyan. Nagulat na lang din ako. Maging si Margaux ay wala ring alam." Ngayon dapat ang alis ng mga magulang nila papunta sa Sweden. Tuloy na ang pagpapagamot ng Mommy nila at sasamahan ito ng Dad nila. Susunod naman siya kapag naayos na niya ang mga papeles at kakailanganin niya para sa kaniyang pag-alis abroad. "Dad, ako na lang! Makakaya ko pa! Huwag na si Maisie! Huwag ang kapatid ko, dad!"

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD