[Lettie's POV] "Hello?" Tumuwid ang tayo ko nang sa wakas ay sagutin na niya ang tawag ko. Wala akong ibang naisip na pwede kong mahingan ng tulong kundi siya lang. Bukod sa madami siyang alam at matalinong tao, madami rin siyang koneksyon. "Angus." "Maisie... My cousin! What's up?" "Galit ka kay Joaquin, 'di ba?" "Abot langit. Why?" "Pahiram ako ng mga tauhan mo." Hindi makapaniwala si Angus na makagagawa ako ng ganitong plano. Imposible nga namang magagawa ko ito sa kaibigan kong si Lanie. Pero hindi naman ito tungkol kay Lanie, eh. Hindi ako galit sa kaniya at lalo nang wala akong intensyon na masama sa kaniya at sa anak niya. I just want to teach Joaquin a lesson. Gusto kong ipakita sa lalaking iyon ang tunay na pagkatao ng kinakalaban niya. Hindi na makatarungan ang

