"Señorito Joaquin, buhay pa kaya 'yong babae? Paano na, apo iyon ng presidente. Siguradong—" "Manahimik ka." Pabagsak akong umupo sa isang puno para magpahinga. Iniwan namin si Lettie sa kubo. Kung ano'ng mangyayari sa kaniya, wala na akong pakialam. Marami ang lumusob sa amin kaya kinailangan naming umatras. May mga nalagas na sa mga tauhan ko at hindi ko iyon matanggap! Nanggagalaiti ako sa galit! Kaya bago pa man ako mawala sa sarili, iniwan ko na agad si Lettie. Baka kung ano pang magawa ko sa babaeng iyon. Ayoko talaga ng traydor! Nakakap*ta ang katangahan ko dahil hinayaan ko lang siyang traydurin ako! Alam ko... Alam ko na kabilang siya sa grupong gusto akong pabagsakin pero itinuloy ko pa rin ang kabaliwan ko sa kaniya. Naniniwala akong hindi niya magagawa sa akin ang bagay

