Ika-apatnapu't Tatlong Basket

1982 Words

MAAGANG gumising si Ricky at matapos maglinis ng mukha ay nagsimula na kaagad siyang mag-push-ups na sinundan niya ng sit-ups. May bilang ito at sa bawat linggo ay daragdagan niya ng bilang ito. Matapos iyon ay nagpalit na siya ng pamalit para tumakbo naman sa labas. Dala niya ang kanyang bola at mabilis na pumunta sa kabilang barangay at bumalik sa court. Pawisang-pawisan nga siya matapos iyon. Ramdam niya ang pagod at gusto niya ito. Gusto niyang bumalik ang dati niyang stamina kaya nga pagdating niya sa lugar na iyon ay nagtatalon siya habang hawak ang bola. Kasabay noon ay ang paghabol niya sa kanyang hininga dahil gusto niyang mapagod. Hindi pa doon natapos at hinubad pa niya ang kanyang damit at sa shooting naman siya nagpokus.   Puro mintis ang mga una niyang tira pero ikinalma ni

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD