Ika-apatnapu't Limang Basket

1283 Words

ANG araw ng laban ng CISA at St. Anthony ay dumating na. Nasa homecourt sila ngayon ng kalaban at crucial ito sa parehong team na parehong may tatlo nang talo. Nang naglalakad ang Flamers papunta sa venue ay wala pa ang isa nilang kasamahang si Ricky Mendez sa hindi malamang dahilan.   “Susunod daw siya,” sabi ni Kier sa mga kasamahan.   “Tss. Baka hindi maglalaro dahil unang game matapos bumalik?” pasaring naman ni Rommel na kinaseryoso ng mga kasamahan nila.   “Itigil mo kaya ang bibig mo Alfante?” sabi naman ni Benjo at ang mga katabi nitong sina Rodel ay mabilis na humawak dito. Hindi pa nagsisimula ang laro ay nag-iinit na kaagad ang mga ito.   “Pwede bang huwag ka nang magsalita Alfante?” bulalas naman ni Kier at si Rommel ay napatawa na lamang.   “Okay Captain,” sabi ni Al

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD