Ikalabing-limang Basket

1577 Words

DAHIL sa pagbabago ng mga players ni Coach Erik ay naisipan niyang mag-eksperimento sa friendly match na ito. Si Alfante ay isang manlalaro na dapat nasa starting five dahil sa reputasyon nito sa CBL, isa pa nga ay mahusay naman talaga itong maglaro. Hindi niya alam kung ang galawan nito sa kanyang koponan ay sa pagiging point guard dahil ang napansin niya rito nang mapunta sa Flamers ay parang may balak itong maging number 1 offensive player ng team.   “Gusto niyang siya ang maging main player ng team,” sabi ni Erik sa kanyang sarili at kahit nga gusto niyang si Ricky ang maging starting point guard ay inilagay na muna niya ito sa pagiging 6th man. Ang mga manlalaro naman ng kalaban ay napansin niyang malalaki, at halatang seseryosohin ang larong ito. Kilala niya si Gardiano at nakapano

New users can unlock 2 chapters for free!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD