Jax's POV
Pagkapasok ko palang sa bathroom tumapat agad ako sa malamig na shower.
Pinikit ko ang mata ko para sana damahin ang tubig pero ang mukha ng babaeng yun. Nagpapagulo na naman sa sistema ko. Subrang nakakairita sya... Naiinis din ako sa reaction ng katawan ko sa kanya.
Yung maliit nyang mukha maamo at mapungay na mata. Naiinis ako sa mapang akit nyang labi.
a/n: hehe... kunti lang po ang kanya.
Aze's POV
(4:00 am)
Matapos ang araw nayun andito na naman ako. Umagang umaga sa harap ng kwarto nya.
Gaya ng palagi nangyayari bumukas na yung pinto at ng walangyang lalaki topless na naman. Inalog kong bahagya ang balikat nya para magising.
"Boss... Gising na"
Buti nga hindi na ako sumisigaw kalma na ako oh! Kahit sa totoo lang kinakabahan ako at hindi ko alam kung paano ko sya kakausapin ulit ng normal!
Ilang tapik at alog pa ay nagmulat sya ng mata. Jusko! Kagigising na Anghel.
Sandali kaming nag katitigan pero ako ang unang nag-iwas ng tingin.
"Ahh. Si--Sige po ku-kuha na akong kape.."
Ayan balik kami sa kape pahamak na kami. Dahil dyan kaya nangyari yung kahapon eh!
Agad akong lumabas ayoko syang makasama ng matagal. Naiilang na ako sa tigin nya palang kaya pag katimpla ko ng kape kahit na kahubad pa sya di na ako nag abalang tingnan pa sya.
*****
(FastForward)
Mahigit dalwang linggo paulit ulit lang ang ginagawa ko. Iniiwasan kong magkaroon ng mahabang pag-uusap kasama sya .
Pag nauutos sya ginagawa ko agad tapos lumalayas na ako. Napansin ko narin ang mga ginagawa nya. Halos araw araw may taong pumupunta dito para mag dala ng kung ano anong papel.
Si Jax naman dito lang nag tatrabaho sa bahay paghindi sa Sala sa kwarto nya or sa Garden. Ewan kahit saan atang parte ng bahay nila. Minsan may kavideo call din sya umaalis naman sya tuwing Friday tapos babalik ng gabi.
Wala sinasabi ko lang sa inyo para alam nyo.
Tuwing linggo naman ayun parang day off nya. Nagliliwaliw sya kasama yung kaibigan nya ata yun Kent Andrew ang pangalang nakalimutan ko lang yung last name.
Isa pa sa napansin ko ang paglapit lapit ni Kyla kay Jax hindi ako nagseselos ah. Kaso parang nagmumukha na kase sya talagang papasin. Minsan gusto ko syang kausapin pero baka mapahiya naman sya. Oo matapang naman ako pero hanggang sa isip lang naman no!
Katulad ngayon para syang tangang nakadungaw kay Jax na nakaupo sa sofa kaharap yung laptop nya.
Maya maya lang ay tumakbo sya ulit dito sa loob ng kusina at nag timpla ng juice. Hindi nalang sya pinapakialaman ng lahat para iwas g**o na din.
"Hmm... Sir Juice po?"
Rinig kong alok nito habang ako itong kawawang mga plato ang pinanggigigilan.
"Aze! Coffee!"
Nagulat na naman ako ng bigla kong marinig yung pangalan ko. Napasilip naman ulit ako sa gawi nila medyo kita kase mula dito sa kusina.
Nakita kong ang masamang tingin sakin ni Kyla habang pabik dito at bitbit parin yung juice nya.
Hindi na ako nagreklamo pa kumuha agad ako ng tasa para sana mag timpla na ng kape pero may umagaw nun sa kamay ko.
"Kyla anong ginagawa mo?"
Pilit kong inaagaw dito pero tinutulak nya lang ako. Ano bang problema ng babaeng ito?
"Ako ang magtitimpla at maghahatid ng kape nya..."
Sabi nito at nagsimula ng magtimpla. Nako! Kung pwede ko lang talagang ipatapon sa kangkungan ang babaeng ito. Naiirita ako sa kanya ah.
Kalma lang Aze... wag papatol..
"Kyla iba kase ang timpla-"
Pero hindi ko na natuloy at sasabihin ko pa.
"Wag kanang makialam alam kung gusto mo nanaman makasipsip kay Sir Jax"
Sabi nito ng hindi tumitingin sakin. Aba! Ako sipsip!? Ehdi wag! Bahala sya dyang timpla nya ang gusto nya. Basta walang sisihan.
Basta pag kalabas nya sa kusina para ihatid yung natimpla nya. Nagtimpla ako ng bago hindi ko alam basta parang alam ko na nahindi nya yun magugustohan.
Lumipas ang ilan pang sandali parang wala namang nangyayari. Kaya sumilip na ako sa pinto ng kusina para makita kung anong nangyayari. Hindi ako Chismosa hah!
Kita kong nakayoko si Kyla hindi ko masyado maintindihan ang sinasabi nya dahil sa subrang hina.
"Aze!! My Coffee!"
Nakita kong bahagyang napatalon ang mga balikat ni Kyla ng sigaw si Jax halatang galit ito.
Kahit kinakabaha ako ay lumapit ako agad para ibigay yung kape nya. Masamang tingin ni Jax ang sumalubong sa akin.
"What happened?"
Tanong ni Lola Sandra nakakapasok lang sa sala kasunod ang mga parents ni Jax. Lalo akong kinabahan dahil nasa nakakahiyang sitwasyon kami ngayon.
"Kailangan ko pa bang magdalwang utos sayo bago mo sundin?"
Nanlamig ako sa kinatatayuan ko. Ako ang kausap nya sigurado dahil ramdam ko ang malamig nyang tingin.
"Si--Sir kase po..."
Teka paano ko ba ipapaliwanag nakatingin silang lahat sa akin na parang nag aantay ng susunod ko pang sasabihin.
"Ahh... So--Sorry po Sir"
Yun nalang ang lumabas sa labi ko. Baka kung ano pang sabihin ko magkaaway pa kami ni Kyla.
"Follow me..."
Sabi nito at tumayo sa pagkakataong ito hindi ko alam kong sino ang pinapasunod nya. Ako ba? O si Kyla?
"Aze!"
Oo na! Sabi ko nga ako ito na oh. Sumusunod na naginginig pa. Hilig talaga manggulat.
Bago ko pa malampasan si Kyla nakita ko ang masama nyang tingin.
Kasalanan nya din naman nagmamarunong kase sya.
Tumigil kami ng nasa loob na ng kwarto nya. Nakatalikod lang sya at nasa veranda.
So? Pumunta kami dito para tumambay?
"I will Fire her...."
Laglag ang panga ko.
Ano daw? Pinasunod nya ako dito para lang sabihin yun?
"Po? Hah? Hmmm... bakit po?"
Naguguluhan ako sa lalaking ito eh. Nag sasabi ba sya sakin?
Humarap sya sakin halatang galit sya.
"Sabi nya sakin ayaw mo daw kaya sya ang nag timpla..."
Parang nag mamakaawa yung boses nya na sabihin kong hindi yun totoo.
Naspeechless ako at ang bilis ng t***k ng puso ko...
Ito na naman kami... at nang dahil na naman sa kape.
"Sir kakapalan ko na po yung mukha ko. Pero sa tingin ko po para iwas g**o pag may kailangan kayo si Kyla nalang po utosan mo. Hindi naman po sa tamad ako. Ayaw ko po ng g**o"
Parang kinakain ko na rin yung mga salita sa bilis ng pagkakasabi ko. Dahil ayaw ko ng mag tagal na kasama sya sa insang kwarto. Yung puso ko kase nagwawala.
"g**o?"
Nakakunot noong tanong nito.
"Opo. Halata naman po kase na may Gusto sayo ni Kyla"
Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ko at saka dahil narin sa uri ng titig nya.
"May gusto?"
Tanong ulit nito. Nang-aasar naba ito?
"Oo sir. Unuulit mo lang yung-"
Napahinto ako ng mag salita ito ulit.
"Ikaw..."
Walang emosyon ang mukha nito pero lalong nagpabilis ang t***k ng puso ko.
"A--ako po?"
Grabe yung tigin hah! Nanlalamig na tuloy yung kamay ko. Hindi ko na sya magawang tingnan ng matagal.
"Oo ikaw. Wala kabang gusto sakin?"
Bahagyang nanlaki yung mata ko. Masyado syang diretso magtanong. Teka! Asan na yung masungit na Jax?