Chapter 4

1190 Words
Aze's POV "Oo ikaw. Wala kabang gusto sakin?" Bahagyang nanlaki yung mata ko. Masyado syang diretso magtanong. Teka! Asan na yung masungit na Jax? "Ahh.... Syempre po.... Ano... Hindi. Haha. Sir trabaho lang po ito. Saka amo ko po kayo bawal sakin ang magkagusto sayo..." Yan tama yan Aze Saktan mo sarili mo. Este! Bawal talaga. Nakita kong nawalang ng emosyon ang mukha nya. "Bawal?" Sagot nito at humakbang ng isang beses palapit sa akin. Agad naman akong napaatras at nag iwas ng tingin. "How about the kiss? Wala kabang naramdaman noon?" Wala ba talaga syang preno? Hindi nya ata maramdamang naiilang na ako. Humakabang ulit sya palapit nakina atras ko ulit. "Si--Sir.... Boss... ka--kalimutan na lang po natin yun..." Saka ako dahan dahan tumingin sa mukha nya. Nagpantay ang mga labi nya bumalik sa malamig ang tingin nya. "Kalimutan?" Sarkastikong sabi nito na may ngisi sa labi. Subrang kinilabutan ako sa uri ng pag kakasabi nya. Matapos yun ay tumalikod ulit sya. "Leave my room.." Parang sandaling tumigil yung t***k ng puso ko. Nanghihina din yung mga tuhod ko pero pinilit ko paring lumabas doon. Habang nag lalakad para akong lutang hindi ko nga ramdam na lumalapat yung paa ko. Lutang nga kase diba!!! "Ate Aze!!!" Patiling tawag sakin ni Kiana pilit ko naman pinasigla yung Aura ko. Madadaan ko'to sa ngiti. Agad akong pumunta sa garden doon kase nag mumula yung sigaw nya. Medyo malayo pa ako pero kita ko na si Kiana at si Kent yung kaibigan ni Jax na nag-aasaran. "Kiana bakit? Anong problema?" Naabutan ko pa ang pagbawi ni Kiana sa braso nya mula sa pag kakahawak ni Kent. "This girl. Hindi nya sinusunod ang utos ko!" Nang-aasar na sabi ning Kent napakunot naman ang noo. May something sa dalwang ito ah. "Ate kase kanina nya pa ako inuutusan. Nung una pinakuha nya akong tubig na inomin. Tapos cake tapos juice ngayon naman kape!" Nagpapadyak na reklamo nito so cute! Hindi nakaalis sa mata ko ang pagtitig at pagngiti ni Kent. "Hoy lalaki! Para paraan ka din eh no!" Natatawang sabi ko dito na kinatawa rin nito. Habang si Kiana naman parang naguguluhan. Nilampasan ko na silang dalwa maglilinis nalang ako ng Pool para na refresh naman ang utak ko sa mga landian nayan. Habang naglilinis ako may bigla nalang tumapik sa balikat ko. "Nagsisipag sipagan?" Parang nag init naman yung ulo sa babaeng sinungaling na'to. Mabuti nalang talaga mabait akong uri ng nilalang sa mundo. "Kyla, Ayoko ng away..." Iwas ko nalang dito at lumipat sa kabilang side ng pool pero hindi ko naman akalaing susundan nya ako dito. "Wag mo nga akong talikuran!" Inis na sabi nito saka hinila yung braso ko para mapaharap ako sa kanya. "Kyla ano ba!" Pinalis ko ang kamay nya napipikon na ako sa babaeng ito masyado syang desperada. "Wow! Ang tapang samantalang ang amo mo naman kanina nung kaharap si sir Jax" Nakapabewang na sabi nito. Sarap lang sampalin pero hindi ako pumapatol sa mga ganitong babae hanggat kay kong magtimpi. Timpi lang. "Pwede ba Kyla. Kung gusto mo si Sir Jax ayun sayo na. Saksak mo dyan sa baga mo!" Tunalikuran ko na sya dahil ayaw ayaw ko talaga makipag usap sa kanya. Nakakasuka yung ugali nya magkababata kami at noon palang sa probinsya ang sama talaga mg ugali nya. "Aba't! Sabi ko wag mo ko talikuran..." Naalarma ako ng bigla nya akong tinulak sa tubig. "Ky...la hindi.... a...ko maru...nong mag...la...ngoy" Nahihirapang paghingi ko ng tulong dito. Pero tiningnan nya lang ako saka sya umalis. Peste! Hindi talaga ako marunong at hindi ko maabot yung gilid ng pool. Lord pls wag mo po muna ako kunin. Kiana's POV "Come on Kiana. Ikuha muna ako ng kape... Kung hindi isusumbong kita kay Jax" Pananakot nito sa akin. Kanina pa sakin ang lalaking ito. "SIR! Marami pa PO kaming gagawin sa loob!" Dinidiin ko talaga yung mga ibang salita. Wala ba syang awa! Kanina pa ako pabalik balik dito marunong ako mapagod. "Kent. Diba sabi ko Kent ang itawag mo sakin-" Hindi ko na sya pinatapos para matapos agad. "Oo na! Oo na! Ito kukuha na!" Lumayas na ako doon at sinadya ko talagang sa likod ako dumaan sa doon sa may pool para matagalan ako. Mag antay sya dyan! Sinisipa sipa ko pa yung mga d**o iniisip ko na ito yung lalaking nakakainis na yun. Nangmatapat na ako sa pool narinig kong may nag tatampisaw ata. Yung ata ko nauwi sa panlalaki ng mata. Nalulunod si Ate Aze jusko! Hindi rin ako marunong mag langoy. Tumakbo agad ako abalik kay Kent. "SIR! SIR!" Pero hindi nya ako pinapansin. Ngayon pa talaga nya ako inartihan ng ganyan! "SIR! AAARRGGHH! KENT!" Nangmabanggit ko yung pangalan nya saka lang sya nakangiting tumunghay sakin. "Si Ate Aze nalulunod!" Nangmasabi ko yun parang kahit sya nataranta. Nauna panga syang tumakbo kesa sakin. Nako Kiana nalulunod na si Ate Aze landi landi mo pa. Nakita kong agad tumalon si Kent sa tubig at inahon si Ate Aze nanginginig yung kamay ko ng makalapit ako sa kanila. "F*ck! Patay ako kay Jax nito..." Sabi nito habang pinapump yung dibdib ni Ate Aze. Pero hindi parin nag reresponse yung katawan ni Ate Aze. Oh my god! "Mou-Mouth to Mouth..." Napaiwas ako ng tingin sa sinabi ko kase parang ayaw ko talaga yung sabihin pero yun lang ang paraan. Sa sulok ng mata ko nakita kong nakatingin lang sya sakin na parang nag sasabi na sinagot ko lang ng isang tango. Hindi ko na tiningnan ang mga susunod na nangyari. Uunahin ko pa ba yung nararamdaman ko? Tumingin lang ulit ako sa kanila ng narinig kong umubo si Ate aze . "Ate Aze Ok kalang ba?" Pinatong ko yung ulo nya sa binti ko sumagot lang sya ng tango at saka pinikit ulit ang mata nya. "She need to rest..." Malumanay na sabi ni Kent na nakaupo sa tabi ko. Naiilang man ako sa tingin nya pilit ko paring sinalubong ito. "Pwe--Pwede pabuhat sa kanya?" Napalunok ako ng sinuklay nya ng kamay nya yung basang buhok nya. Lalo na ng nagbigay sya ng matamis na ngiti. Kiana ano ba! Si Ate Aze oh! "Sure. Basta ikaw.." Landi talaga ng mga lalaki nakasunod lang ako sa kanya habang buhat nya si Ate aze. Ako na ang nagbihis kay Ate aze dahil nanghihina daw sya. Pagkahiga nya nakatulog naman sya agad. Kumuha ako ng extrang towel para ibigay kay Kent baka basa parin yun. Lumabas na ako saka sinarado yung pinto. Pero napasandal ulit ako dun sa nakasaradong pinto ng ang lapit lapit ng mukha ni kent. "A--Ano ba sir.. Na--nakakagulat ka" Napaiwas ako ng tingin kase nararamdaman ko na sa mukha ko yung mabango nyang hininga. "How's Aze?" Tanong nito at mabuti nalang lumayo sya ng kaunti. Kase baka naririnig nya na yung t***k ng puso ko ang lakas eh. "Na--Nakatulog na..." Pilit kong pinakalma yung sarili ko at inabot sa kanya yung towel na kinuha nya naman kaagad. "That's good. Ako na ang magsasabi kay Lola Sandra ng nangyari..." Sabi nito habang nagpupunas ng basa nyang buhok at nakatitig sakin. Walangya! Paano ko ba maiiwasang kiligin!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD