Kiana's POV
Gigil akong nakakapit sa kumot sa tabi ni Ate Aze....
Walangyang Kent yan akala ko bukal sa loob ang pagtulong may kapalit pala!
Ayan tuloy naging boyfriend ko sya ng hindi ako naliligawan! Hindi naman sa ayaw ko pero syempre gusto ko naman maligawan kahit papaano!
"Kiana?"
Napatingin agad ako ng mag salita si Ate Aze.
"Ate Aze? Ok kana ba? Ano bang nangyari Ate?"
Pagtatanong ko habang tinutulongan syang makaupo sa higaan nya.
"Ok lang ako. Heheh.. Na--Nahulog kase ako nung.... nung nililinisan ko yung pool"
Nauutal na sabi nya habang nakaiwas ng tingin sakin. Napakunot noo naman ako at napabuntong hininga.
"Kilala kita Ate Aze.... Ano nga?"
This time tumingin na sya sakin na nag papacute hindi naman cute. Tinaasan ko lang sya ng isang kilay na nagpangiwi sa kanya.
"Ang bruhang Kyla kase nayun! Tinulak ako akala mo naman aagawin ko sa kanya si--"
Pinutol nya yung sasabihin nya saka tumingin sakin.
"Si? "
Taas kilay na tanung ko pero umiling lang sya.
Aze's POV
(Kinabukasan)
Ito na naman ako mag hahatid ng kape kay boss. Kinausap ko kagabi ni Lola Sandra at Kiana na sana hindi ito makarating kay Jax. Kase mag mumukha kaming desperada pareho ni Kyla nag away kami dahil sa isang lalaki.
"Boss ito na yung kape mo! Nasaang lupalop ka na naman ba..?"
Syempre pabulong na yung huli baka sigawan na naman ako nun.
Pero walang sumagot kaya dating gawi pinatong ko nalang ulit yung kape nya. Paglumamig ito walang sisihan.
"Booo!!"
Dep*uta! Napahawak agad ako sa dibdib ko. Abnormal talaga ang lalaking ito. Mabuti nalang hindi ako katulad ng ibang babae na tumitili pa pag nagugulat.
"Boss ano ba!?"
Iritang humarap ako dito pero hindi ko inaasahang subrang lapit nya pala. At sa pag-atras ko jusko! Hindi naman alam na mawawalan ako ng balanse. Mabuti nalang na hapit nya agad yung bewang ko.
Naglapat yung....
Yung....
Yung...
Yung ilong naming dalwa. Tangos ng ilong nya ah.
"Bakit hindi mo ako hinatidan ng kape kagabi?"
Seryosong sabi nito na nakAhawak parin sa bewang ko.
"Bo--Boss pwede paki bitawan muna ako... hehe.. kaya ko na po"
Gustong gusto talaga ng lalaking ito na nakikitang naiilang ako eh. Hindi ako binitiwan at tiningnan lang ako ng seryoso na parang inaantay yung sagot ko.
"Ma--Masama po kase yung pakiramdam ko. Kaya yun!"
Saka binigyan ko sya ng pilit na ngiti. Napalitan ng pag-aalala yung mga mata nya. Binitiwan nya din ako sa bewang pero hinawakan naman ang magkabilang balikat ko. Saka sinuri yung buog mukha ko.
"How are you feeling right now? Are you feeling better?"
Napakurap ako ng ilang beses. Concern? Nakakashock ah! Ayiieee...
"O--Opo boss. O-ok na ako."
Tiningnan nya muna ako na parang nag dududa pero ilang sandali pa tumango tango naman sya.
"Good"
Sabi nito na nilalapit na naman yung katawana nya pero umatras naman ako. Humakbang ulit sya atras naman ulit ako. Habang ulit tapos atras na naman ako. Ang lapit na subra! Tinagilid nya ng kaunti yung ulo nya para masmalapit yung labi nya sa labi ko. Halos maduling ako sa subrang lapit ng mukha nya.
Nakita ko pa ang dahan dahan nyang pagpikit sa mata nya. Hanggang maglapat ang labi namin pero halos isang segundo lang yun. Dahil nasa pinakang gilid na pala ako ng kama at ng tumama yung lukod ng mga tuhod ko sa gilid ng kama ay napaupo ako sa kama.
Nakita ko naman ang pagkairita sa mukha nya ng magmulat ulit sya ng mata. Grabe! Subrang bilis ng t***k ng puso ko.
Nanlaki yung mata ko ng ambang dadamba sya sakin pero maskina ako nanlaki ng mata ng di SINASADYANG umigkas yung isang paa ko at na sipa ko sya sa ano nya! Dun sa ano. Basta alam nyo na yun.
"Oh F*ck!"
Malakas mura nito at tumalikod sakin habang iniinda yung sakit. Jusko! Patawad baka hindi magkalahi ang isang ito sayang naman.
"So--Sorry Boss... Ikaw kase eh!"
Hindi ako mapakali sa pagkakaupo dito hindi rin naman ako makalpit. Kase bAka sa galit nito ihagis nalang ako bigla sa kung saan dyan.
"So! Kasalanan ko pa ngayon!"
Masamang tingin na nilingon ako nito. Habang bakas sa mukha nito ang sakit dahil dun sa ano.
"Sorry po. Sorry talaga..."
Saka lang ako naglakas ng loob na lumapit sa kanya kahit natatakot ako. Hinawakan ko sya sa balikat nya na agad nya namang ikinaharap sakin.
"Ma--masakit pa po ba?"
Nakangiwing tanong ko dito hindi ko nga alam kung saan ako titigin sa mukha nya o dun sa parte kung saan sya nasaktan. Pero dahil ayaw kong magkasala ang mga mata ko sa mukha nya nalang napili kong tumingin.
Pero pinagsisihan ko rin dahil ayan na naman yung lapit ng mukha nya.
"Si--sige boss... ma--may gagawin pa pala ako..."
Agad ko syang iniwan doon at lumabas na nakahawak sa dibdib. Ang bilis ng t***k eh. Kailan kaya kakalma yung puso pagkasama ko ang lalaking yun.
Pasalamat nalang ako ng buong araw nayun naging malamig ulit ang pakikitungo nya sa lahat na parang walang nangyari.
*****
8 ng gabi tapos ng kumain ang lahat at tapos narin ang mga gawain namin. Pero kaming tatlo ako si Kiana at Kent nandito pa sa kusina. Hindi ko nga alam kung bakit palage ng nandito ang Kent na ito.
At dahil nag lalandian yung dalwa iniwan nila ako saglit dito para bantayan yung niluluto naming sinigang sa baboy. Lalandi talaga!
Tinikman ko naman kung ano yung lasa noon... hmmm! Sarap!
"AZE!"
Napatigin agad ako sa likod ko ng galit na pumasok sa kusina si Kyla. Napabuntong hininga naman ako hanggat maari ayoko talaga ng away.
"Kyla. Ayoko ng ayaw. At bakit ba parang ikaw pa itong galit. Ako nga yung muntik ng mamatay. Wala man lang sorry mula sayo?"
Pero imbis na magsorry isang sampal pa ang ibinigay nya. Napipikon na ako sa babaeng ito.
"Sorry!? Dahil nga sayong pabida ka wala na akong trabaho!!! Pinapaalis na ako at kasalanan mo yun!"
Umiiyak na sabi nito nawala nanan ang galit ko at biglang naawa dito. Pareho kaming mahigit isang taon na dito na nag tratrabaho.
"Kyla wala naman akong-"
Sinubukan kong hawakan ang balikat nya pero pinalo nya yung kamay ko.
"Pabida ka kase!"
Sabi nito at tinulak ako ng malakas. Nakaramdam ako ng sakit ng tumamayung balikas ko sa mainit na pinaglulutuan ng sinigang.
"AHHH!!"
napasigaw ako ng malakas sa sakit ng tumagilid pa yung nilulutuan ng sinigang at nabuhos pa sa balikat ko yung ibang kumukulong sabaw. Nag-uunahan ding nag bagsakan ang mga luha ko. Maging si Kyla parang nagulat din sa ginawa nya.
"Oh my god!"
Rinig kong tili ni Kiana at sa isang iglap wala na si Kyla sa harap ko at ang nag aalalang mukha na ni Kiana. Paulit ulit akong dumadaing sa subrang sakit.
Kiana's POV
"Sumusubra kana!!"
Hindi ko na napigilan yung galit ko ng malita ang lagay ni ate aze. Hinarap ko agad ang walangyang babaeng ito. Ilang beses ko syang sinampal sa mag kabilang pisngi.
"Kiana tama na! Tulongan na natin si Aze!"
Natataranta nading sabi ni Kent isang malakas na tulak muna ang ginawa ko kay Kyla bago bumaling kay Ate Aze na buhat buhat na ni Kent.
"Da--Dalhin natin sya Hospital..."
Naiiyak nadin ako ng makitang namumutla si Ate Aze.
"*sob* Wa--Wag! *sob* A--Ayoko pls. *sob* Ayoko sa *sob* Ho-hospital. Pls"
Nagkatinginan kami ni Kent na parang nagtatanongan ng gagawin. Sa huli ay tumango sakin si Kent kaya dinala nalang namin sya sa kwarto.
Si Kent din ang gumamot sa sugat ni ate pinainom din namin sya sa pain Killer buti nalang at umipekto agad iyun at nakatulog si Ate.
Matapos yung ay pinauwi ko na dim sya pero ang usapan namin bukas sa ayaw at gusto ni Ate Aze dadalhin na namin sya sa hospital.
*****
"Ki--Kiana..."
Bandang hatinggabi nagising ako sa tawag ni ate Aze. Nangbalingan ko ito nangigninig sya.
"Ate! Ang taas ng lagnat mo!"
Natatarantang ginawa ko naman ang lahat ng alam ko. Sinubukan ko kaninang umalis para sana tawagin si sir Jax para sana madala sya sa hospital pero hindi sya pumayag. Ayaw nya ding ipasabi dito
Aze's POV
Hayop na babae yun! Naisahan na naman ako! Dapat lang talaga sya mawalan ng trabaho sa sama ng ugali nya. Bwesit! Ang sakit!
Tinulongan ako mag bihis ni Kiana na nagsuot ako ng polo na longsleeve. Medyo mababa narin ang lagnat ko.
"Nahatid ko na yung kape nya Ate..."
Sabi ni Kiana na kakapasok lang sa kusina. Nakaupo lang ako dito ang sakit sakit parin ng sugat ko.
"Nagsabi narin ako na sasama ka saming magsimba. Pumayag naman sya."
Sabi naman ni Kent na nakasunod kay Kiana. May landian talagang namamAgitan sa dalwang ito eh.
Maaga pa mag 6 palang ng umaga mabuti nalang linggo ngayon kaya may palusot kami.
"Tinanung nya nga kung bakit hindi ikaw nag hatid ng kape nya. Sabi ko nalang nagbibihis ka para sa pagsimba..."
Pagkwento ni Kiana habang maingat na tinutulongan akong tumayo. Jusko! Subrang sakit! Hindi ko maiwasang hindi mapangiwi.
Inalalayan ako ng dalwa palabas ng bahay wala akong energy puro sakit lang yung nararamdaman ko.
"Jax!"
Pagulat na banggit ni Kent sa pangalang ni Jax. Napatigil kami sa tapat ng hagdan. Nakakunot noong nakatingin sakin si Jax. Kinabahan naman ako ramdam kong ganun din sila Kiana.
"Bakit namumutla ka?"
Kunot noong tanong nito habang pababa. Nangmakalapit na samin si Jax binitiwan ako nung dalwa at pumunta sa likod ko.
"Are you ok?"
Sabi nito at hinawakan ang magkabilang balikat ko.
P*tang-! Ang sakit napaawang ang bibig ko pero agad ko din kinagat ang ibabang labi ko para mapigilan ang pag daing.
Pero huli na dahil nakita nya ang reaksyon ko. Agad nyang binawi ang kamaya nya at malamig na tumingin sakin.
"Unbotton your polo"
Malamig na sabi nito napalunok naman ako. Kunti nalang din babagsak na ako sa subrang panghihina. Hindi ako makagalaw dahil hindi ko rin naman yun magagawa dahil hindi ko magalaw ang kabilang braso ko.
Naiinip ata sya dahil sya mismo at nag unbotton ng polo ko matapos yung at binaba nya yung sa may parteng balikat ko kaya tumambad sa kanya ang sugat ko.
"PUTANGINA!"