Chapter 6

1178 Words
Kiana's POV "P*TANGINA!" napangiwi ako sa mura ni Sir Jax ang lutong. Matapos ang sigaw na yun si Sir ay ang nagmamadaling pagbaba ni Lola Sandra at Ma'am Leah. Nakita ko pang napatakip sa bibig nya si Ma'am Leah. "Na... Nang... Nang Hi--Hina a-" Hindi na natuloy ni Ate yung sasabihin nya dahil tuluyan na syang na tumba mabuti nalang nasalo sya ni Sir Jax. "Kent Ready my Car!" Agad namang sumunod si Kent sa taranta ko namalayan ko nalang sumunod pala ako kay Kent. Mabilis na kinuha ni Kent at sumakay na din ako sa likoran. Saktong nasa tapat kami ng malaking pinto ay ang paglabas ni Sir Jax buhat si Ate Aze. Agad nya itong isinakay sa likod din at nakaunan sa mga binti ko. "Move!" Malamig na sabi ni Sir Jax kay Kent para sya ang mapunta sa driver's seat. Habang nasa byahe subra yung pagpipigil ko sa katawan ni Ate Aze para hindi mahulog. Dahil sa subrang bilis ng patakbo ni si Jax parang mas nag-aalala pa sya kesa sakin. Mabuti nalang nakarating parin kami ng buhay sa Hospital. Napatulala nalang ako sa pag kakaupo ko dahil ang bilis ng kilos ni Sir nakuha at nabuhat nya agad si Ate Aze na parang napakagaan nito. "Kiana! Let's go!" Napabalik lang ako sa sarili ng tawagin ako ni Sir Kent. "Ahh... Si--Sige po Sir Kent" Nakakunot noong tiningnan nya ako. Alam ko yang mga ganyang tingin inis na naman yan dahil tinawag ko syang Sir. Hindi ko na sya pinansin at sumunod na kay Sir Jax. Alangan namang unahin ko na naman ang landi. Pinasok agad si Ate sa isang VIP room wala namang problema nun kase kila Sir Jax naman itong Hospital minsan ko nang sinamahan si Lola Sandra para magpacheck up dito. Habang ginagamot at chenicheck ng doctor si Ate nakaupo lang kami sa sofa ni Kent habang si Sir Jax hindi umaalis sa tabi ni Ate. Lumingon ako sa katabi ko para sana tanungin kong maygusto si Sir Jax kay ate pero ang loko nakangiti pa. "Aww!" Daing nito ng sikuhin ko sya sa tiyan nya. Baliw ata ang lalaking ito eh! "Anong nginingiti ngiti mo dyan SIR!?" Nakangiwing sumiksik ito sa akin naparang subrang nasaktan. Pinulupot pa nya ang braso nya sa bewang ko habang nakaupo parin kami at sinandal ang ulo nya sa balikat ko. Kadramahan ng lalaking'to! "Ngayon ko lang kase nakita na may ganyan emosyon si Jax. Tao na ang kaibigan ko Babe." Nakakatuwa ngang tingnan si Sir Jax parang may something talaga pero ang isang ito sa tabi ko! "Aww!" Daing ulit nito ng sikuhin ko ulit sya sa tiyan nya. "Chansing ka rin no!" Nagmasid nalang din kami sa ginagawa nila kay Ate Aze at nakinig sa mga sinabi ng doctor. Mabuti na naman na daw si ate Dah mababa na yung lagnat nya. Yung sugat nalang talaga nya ang problema. Sumabay na ako sa mga doctor sa paglabas para i-check si Lola Sandra sa katabing room. Sa subrang pag-aalala kase na high blood kaya ayun dito rin na punta. Pero pagkapasok ko palang parang pinapalayas na agad ako ni Lola. Wag ko daw syang intindihin at bantayan nalang si Ate Aze. Sumunod nalang ako sa kanya dahil nandoon naman si Ma'am Sandra. Papasok na sana ulit ako sa kwarto ni Ate pero napatigil ako sa isapan nila. "Gusto mo ba sya Jax?" -Kent "No..." -Jax "Good. Akala ko mag kakaroon tayo ng problema. I like her" -Kent Napaatras ako sa narinig ko mula kay Kent. Ano ba Kiana!!! Wag mong sabihing iiyak ka Kiana! Akala ko ba hindi mo gusto ang lalaking yan! PaFall kase! Kent Andew's POV Tamang tama lumabas si Kiana pagkakataon ko na ito para alamin ang basta abangan nyo. Pero bago yun set up ko muna ang cellphone ko para makunan ang lahat ng mangyayari. Nangmasiguro kong ayus na saka ako lumapit kay Jax. "Gusto mo ba sya Jax?" Wala ng paligoy ligoy na tanong ko dito. Gusto ko na talagang malaman dahil bago sakin ang mga kinikilos ng kaibigan kong ito. "No..." Malamig na sabi nito napangisi naman ako sa isip ko. Sige lang tingnan natin kong ano nga ba. "Good. Akala ko mag kakaroon tayo ng problema... I like her" Sagot at naupo sa kama sa may paanan ni Aze. Kay Aze ako nakatingin pero kita ko sa gilid ng mata ko ang pagtayo ni Jax at sa isang iglap lang nasafloor na ako at may dugo sa gilid ng labi. Imbes na indahin ang sakit ay nginisian ko sya na parang kinainis nya hinila ako sa kwelyo hanggang makatayo at magkaharap kami. "I guess you like her too. Don't you?" Pangalawang tanong ko dito pabalyang binitiwan nya lang ako at hindi parin sumagot. Matigas talaga sya ah. Tingnan natin ito kung hindi ka pa aaminin dito. "Alam mo ba nalunod sya nuong isang araw...." Pagsisimula ko habang inaalis yung dugo sa gilid ng labi ko. Nakakunot ang noong tiningnan ako ni Jax. Kunti lang! "Binigyan ko sya ng CPR. Her lips was so soft and-" Hindi ko na natuloy na sa isang iglap nasafloor na ulit ang kagwapohan ko. F*ck! May dugo ulit. "Gusto mo nga?" Pangatlong tanong ko na dito at parang gusto kong matawa dahil pulang pula yung mukha nya dahil sa galit. "YES! YES I LIKE HER! HAPPY!?" Sigaw nito sa pagmumukha ko mabuti hindi nagigising si Aze. "Gago ka! Mahirap bang aminin sakin yun! kaibigan mo ako. Dalwang beses mo pa nasuntok yung mukha ko. I don't really like her. Girlfriend ko si Kiana Dude!" Natatawang sabi ko dito lalong lumalim ang kunot ng noo nito. "F*ck you!" Inis na sabi nito at bumalik sa upuan nito sa tabi ni Aze. Natawa nalang ako sa kanya finally! May nakatapat din ang yelo. Kiana's POV Matapos kong ibuhos lahat ng sakit. Wow! Kiana ikaw yan? Basta! Masakit kase eh. Pafall kase ang lalaking yun! Bwesit sya! Bwesit! Ngyon nag pasya na akong bumalik sa kwrato ni Ate Aze malapit na ako ng saktong lumabas ang paFall na lalaking yun at talagang ngiting ngiti pa sya ah! "Kiana Babe! Tayo na lang kumuha ng ilang gamit ni Aze..." Aakbayan sana ako nito pero agad akog tumalikod para mauna nang lumakad sya kanya hanggang makarating kami sa labas. Hanggang makasakay kami sa kotse hindi ko parin sya pinapansin. Pero ang loko nakangiti pa habang nag Drive! Saya saya nya talaga ah! "Oo nga pala. May papapanuod ako sayo." Nakangiting sabi nito at inaabot sakin ang cellphone nya habang yung isa sa manobela... Kunuha ko nalang at binuhay... "Password?" Hindi tumitinging tanong ko dito. "Your Name..." Napatingin ako dito at isang kindat lang ang sagot nito. PaFall talaga. Binuksan ko nalang at isang Video agad ang tumambad sa akin pinanuod ko nalang. Habang pinapanuod ko iyun hindi ko mapigilang mapatingin sa kanya. Kaya pala may sugat sya sa gilid ng labi. Pero yung sinabi nya sa bandang huli ang nag papula ng mukha ko. Saka napahiya din ako sa sarili ko. Mapanghusga ka Kiana! "Kinikilig ang girlfriend ko..."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD