Aze's POV
"Aze... Aze..."
Nagising ako dahil sa mahinang pag-ulit ulit na pagtawag ng pangalan ko. Tamad kong binuksan ang mga mata ko at nakangiting mukha agad ni Jax ang sumalubong sakin.
"Bo--Boss!"
Medyo napalakas yung pagkakatawag ko sa kanya dala narin ng bilis ng t***k ng puso ko at ng pagkagalak dahil sya ang una kong nakita.
Pero inilagay nya ang hintuturo nya sa labi ko para patahimikin ako.
"Sssshhh.... They're sleeping"
Sabi nito sabay tingin kila Kent at Kiana na magkatabing tulog habang nakasandal sa sofa. Matapos ay binalingan nya ulit ako. Seryoso syang nakatingin sakin na lalong nag pabaliw sa pintig ng baliw talagang puso ko. Grabe wala pa syang ginagawa o sinasabi pero parang kinikilig na ako.
"I think this is the right time to tell you what I feel for... and I'm hoping that you feel the same..."
Pagsisimula nito na parang ikinatigil ng paghinga ko. Kalma Aze! Huminga ka gaga!
"Aze..."
Hinawakan nito ang kamay ko. May pabitin pa sya bwesit naman eh!
"Aze... I...-"
Pero naramdaman kong may tumapik sa pisngi ko.
"Ate AZE!"
Napamulat agad ako sa sigaw ni Kiana. Langya! Panaginip yun!? Pero kase the feeling is there!
"Bakit ka naman sumisigaw?"
Sita ko dito habang inaalalayan nya akong makaupo sa hospital bed ko.
"Sorry ate. Namumula ka kase kahit tulog. May masakit ba sayo?"
Napaiwas ako ng tingin at inilibot nalang sa kabuoan ng kwarto kung nasaan ako. Parang ang mahal dito ah!
"Ahh.. Wa--Wala ok na ako"
Tumango tango naman ito na parang naniniwala sa sinabi ko. Napakunot noo ulit akong nilibut ang tingin sa loob. Teka! Bakit dalwa lang kami dito? Asan si Kent?
Pati narin si Sir Jax? Hehe. Syempre kasama na yun.
"Ahh. Bumibili sila ng pagkain?"
Napatingin naman ako kay Kiana.
"Ha--Ha?"
Maang maangan na tanong ko dito. Bakit bigla akong nahiya?
"Sus! Ikaw Ate hah! Hinahanap mo si Sir Jax ano?"
Feeling ko naman namula sa sinabi nya. Feeling ko nahot seat ako.
"A--ano pinag sasabi mo? Teka! Ikaw nga boyfriend mo na pala yung Kent nayun bakit di mo sakin sinabi ha? Kung hindi ko pa marinig sa iba..."
Pag-iiba ko ng usapan na kinatahimik naman nito. Mabuti nalang naiba yung usapan nag-iinit mukha ko sa mga pinag sasabi nito eh.
Hindi narin sya nag karoon ng chance makasagot dahil pumasok na si Jax at Kent na may dalang mga pagkain. Habang kumain at sinusubuan ako ni Kiana kase may sugat nga diba Hello! Ramdam ko ang mga mata ni Jax na nakatingin sakin pero hindi ko sya magawang tingnan dahil naaalala ko yung nasa panaginip ko. Mababaliw na ata ako.
"Ayan Ate Aze yung gamot mo naman..."
Agad naman akong namutla sa sinabi ni Kiana. I hate meds.!
Inilahad agad nito sakin ang isang tableta ng gamot. Sa itsura palang mukha na talagang mapait.
"Ano? Ate kailangan mo po uminom..."
Sabi nito at pilit inabot sakin pero tinutulak ko lang yung kamay nya.
"Hindi ko na kailangan nyan..."
Nairita na ata sakin si Kiana kaya ayun tinawag si Kent habang nakakunot noo namang nanunuod samin si Jax
"Aze bakit yung painkiller na imon mo agad!"
Naiirita narin ata sakin si Kent dahil ayoko talaga ng gamot. Kaya ayoko ng nagkakasakit eh.
"Kase subrang sakit naman nun! Kong ikaw yun baka kahit lason inumin mo."
Magcross-arms sana ako pero wag nalang may sugat nga pala ako.
"Lason? Ano--"
Hindi na tinuloy ni Kent ang sasabihin nya at parang baliw na sinabunutan yung buhok nya.
"Sumasakit ulo ko sayo ate..."
Sabi naman ni Kiana habang hinihilot yung sintido nya. Napangiwi naman ako dun ang kulit din naman kase nila. Sandali silang natahimik na dalwa saka maya maya lang nagkatinginan. Ano kayang iniisip ng dalwang abnormal na ito?
Matapos yun ay sa gawi naman ni Jax sila tumingin tapos ang mga walang hiya iniwan ako dito.
Nakakunot noong pinanuod ko lang sila at talagang sa harap ko pa sila nagchikahan hah? Nakita ko ang pagkunot at pagkairita sa mukha ni Jax.
Maya maya pa ay seryoso ang mukhang lumapit ito sa akin habang hawak yung gamot. Parang alam mo na ah!
"Take your medecine..."
Malamig na utos nito sa akin. Take note! Utos talaga ang ginawa nya.
"Eehh. A-ayoko nga boss... Magaling na ako no! Di ko na po yan kailangan..."
Pilit ko talagang pinasigla ang sarili ko para makumbinse sya na magaling na talaga ako.
Tuluyan akong napasandal sa pagkaupo ko sa kama ng nilapit nya yung mukha nya sa mukha ko. Bango nya! Kagigil...
"You will take your meds. Or I'll kiss you infront of your friend and Kent..."
Nakangising bulong nito habang nakatingin sa labi ko. Napalunok naman ako ng ilang beses. Parang ang hirap mamili dun ah. Ang ganda kase ng binigay nyang choices.
Oyy! Aze umayos ka ah! Yung puso mo na naman maririnig na hangang sa kabilang barangay.
"A--Akin na! Ga-Gamot lang ito eh..."
Agad kong inagaw mula sa kamay nya yung gamot sabay subo. Langya! Ang pait!!! Agad naman nya akong inabutan ng tubig sa subrang pait hindi nanga ako nag-abalang alaisin yung kamay nya sa baso. Kaya habang umiinom ako hawak ko yung kamay nya na may hawak sa baso.
"Pait!"
Reklamo ko dito matapos kong uminom ng tubig. Narinig ko naman ang mahinang tawa nito kaya pinukol ko sya ng masamang tingin pero tuloy lang sya.
"Tumigil ka nga boss! Nakakairita ka ah..."
Papaluin ko sana sya pero yung brasong may sugat ang nagalaw ko kaya na pangiwi ako.
"Aww!"
Daing ko agad naman nyang dinaluhan yung braso ko. Ang sakit!
"Wag kangang kumilos masyado! F*ck your bleeding! Kent Call the doctor..."
Napatulala ako sa tono ng boses nya. Si Sir Jax ba ito? Yung boss ko na masungit?
Agad namang dumating yug doctor at pinalitan ng bandage yung sugat ko.
"Aaawwww..."
Hindi ko mapigilang hindi ma pa daing.
"Be gentle. will you!"
Nagulat ako ng ng pinagalitan ni Jax yung doctor. Naparang nanginig naman yung kamay.
"Ka--Kalma boss. Ok lang ako..."
Ang OA talaga ng isang. Nakakunot noong lumayo lang ito at padabog na umupo doon sa sofa kung saan nandoon sila Kiana. Matapos yung ginagawa ng mga doctor ay naiwan na ulit kaming apat dito.
"Kiana pahiram ng cellphone mo.."
Pag-agaw ko ng atensyon kay Kiana na nilalandi na naman ni Kent. Agad naman nitong dinukot sa bulsa nya.
"Sino tatawagan mo ate?"
Tanong nito habang palapit sakin.
"Ahh. Si Nanay uuwi muna ako samin."
Sabi ko dito at inabut yung cellphone nya. Pero napabaling ni Kiana sa likod nya ng padabog na tumayo si Jax.
"No way! You will stay!"
Napakurap ako g ilang beses sa sinabi nito at saka nag walkout. Ano na naman kinakagalit ng isang yun?