Cathy POV “May laro ngayon si Troy. Tara!” sabi ko kay Anna. Napangisi siya. “Ayan na naman tayo,” sabi niya. “Support lang,” sagot ko habang tumatawa. Pumunta kami sa gymnasium kung saan gaganapin ang basketball game. Punong-puno na ng estudyante. Halos lahat nagsisigawan habang naghihintay na magsimula ang laro. Habang naghahanap kami ng mauupuan, napansin ko si Ate Mika. Nasa harapang row siya malapit sa bench ng team. Kitang-kita niya si Troy. Napabuntong-hininga ako. “Tara doon sa dulo,” sabi ko kay Anna. “Bakit?” tanong niya. “Mas tahimik doon.” Sa totoo lang… ayoko makipag-agawan ng spotlight. Kung gusto ng Ate ko na mapansin ni Troy… hayaan ko na siya. Kami ni Anna ay naupo sa bandang dulo ng bleachers. Pagpasok ni Troy sa court kasama ang team niya, biglang nag

