Troy POV Ngunit nagulat ako. Akala ko iiwas siya sa akin. Akala ko galit siya o masasaktan sa nakita niya. Pero parang wala lang kay Cathy. Habang papalapit siya sa hallway kung nasaan kami ni Mika, nakangiti pa rin siya gaya ng dati. Masiyahin. Parang walang problema sa mundo. “Good morning, Troy,” bati niya habang nakangiti. Sandali akong natigilan. “Morning,” sagot ko. Tumingin siya kay Mika. “Hi, Ate. Ingat sa paa mo ha.” Tumango si Mika pero halatang pilit ang ngiti. “Salamat,” sagot niya. Pagkatapos ay tumingin ulit sa akin si Cathy. “Troy, good luck sa practice mamaya,” sabi niya na parang normal lang ang lahat. Pagkatapos ay kumaway siya. “Bye!” At naglakad na siya papunta sa classroom nila ni Anna habang tumatawa pa sila. Naiwan akong nakatayo doon. Tahimik.

