Troy POV Napakamot na lang ako sa ulo dahil sa nangyari. Hindi ko naman puwedeng iwan si Mika sa kalagayan niya. Pero hindi ko rin maintindihan ang mga magulang nila. Ganun ba sila ka-busy? Kahit anak nila na napilayan, iniwan lang sa akin. “Kamusta? Masakit pa ba?” tanong ko. “Medyo,” sagot ni Mika. Lumuhod ako para hilutin ang paa niya. “Troy… pakuha naman ng yelo sa ref. Please,” malambing niyang sabi. Tumango ako at pumunta sa kusina. Pero natigilan ako nang makita ko ang mga kalat sa mesa. Mga pinagkainan nila kanina. Hindi man lang niligpit. Napailing ako. Pero hindi ko na pinansin. Kinuha ko ang yelo at bumalik kay Mika. Maingat kong inilagay ang yelo sa paa niya. “Okay na?” tanong ko. Tumango siya. “Tara na,” yaya ko. Pero bigla siyang tumayo. “Troy, maghuhuga

