Chapter 5

1060 Words
Troy POV Sa totoo lang, naiinis na ako sa sarili ko. Hindi ko talaga kilala si Cathy. Kaya nga nagpa-imbestiga pa ako kung sino talaga siya. Lumabas sa report na malapit na rin pala siyang grumaduate—tulad ko. Magkaiba lang kami ng course. Siya ay Culinary. Napailing ako. Kahit sa career niya, pagkain pa rin ang nasa isip niya. Pero habang iniisip ko iyon… biglang bumalik sa alaala ko ang gabing iyon. Kung paano ko siya hinawakan. Kung paano ko siya hinalikan. paano ko damhin ang malusog niyang dibdib at p********e. Kung paano siya kumapit sa akin. Mariin akong napapikit. “s**t…” bulong ko. Hindi ko maintindihan kung bakit hanggang ngayon naaalala ko pa rin ang gabing iyon. Parang malinaw pa rin sa isip ko ang bawat sandali. At mas lalo akong naiinis sa sarili ko nang maramdaman ko ang kakaibang init sa katawan ko habang naiisip siya. Tumitigas ang p*********i ko. Hindi dapat. Isang gabi lang iyon. Isang pagkakamali. Pero bakit pakiramdam ko… hindi pa doon nagtatapos ang lahat? Napailing ako at sinubukang alisin sa isip ko ang mga alaala ng gabing iyon. Hindi pwede. Hindi ako pwedeng maapektuhan ng babaeng iyon. Lumapit ako sa mini bar ng kwarto ko at kumuha ng tubig bago uminom. Pero kahit anong gawin ko, bumabalik pa rin sa isip ko ang mukha ni Cathy—lalo na ang paraan ng pagngiti niya. Hindi siya tulad ng ibang babae sa school. Karamihan sa kanila, kapag nakita ako, agad nagpapapansin o nagpapacute. Pero si Cathy… Parang wala lang sa kanya. Parang hindi siya natatakot sa akin. Napabuntong-hininga ako. Kinuha ko ulit ang phone ko at binuksan ang file na ipinadala sa akin ng investigator. Catherine Reyes Age: 22 Course: Culinary Arts Nakataas ang kilay ko habang binabasa ang ilang detalye tungkol sa kanya. Simple lang ang buhay niya sa school. Kaunti lang ang kaibigan. Madalas kasama ang isang babaeng nagngangalang Anna. At madalas din siyang mabully. Napahigpit ang hawak ko sa phone ko. Bigla kong naalala ang nangyari kanina sa hallway. Kung paano siya pinagtawanan ng mga lalaki. Kung paano niya iyon hinarap na parang wala lang. “Ang kulit mo talaga…” bulong ko sa sarili ko. Bigla akong napangiti nang bahagya. Hindi ko maintindihan kung bakit. Pero sa unang pagkakataon matapos ang gabing iyon… Parang gusto ko siyang makita ulit. Cathy POV Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko sa sala ang ate ko—si Ate Mika. Nakatayo siya roon habang nakapamewang at nakatingin sa akin na parang may kasalanan ako. “Hoy, anong kabalbalan ang ginagawa mo?” sita niya agad. Napakunot ang noo ko. “Ano’ng ibig mong sabihin?” tanong ko. “Kilala mo si Troy?” mataray niyang tanong. Napataas ang kilay ko. “Malamang kilala ko. Ikaw nga kilala mo rin siya,” sagot ko. “Pero ang problema… hindi niya tayo kilala.” “Totoo naman, ’di ba?” bulong ko pa sa sarili ko. Mas lalo siyang nainis. “Don’t play dumb, Cathy,” sabi niya. “May kumakalat na tsismis sa school.” Napahinto ako. “Anong tsismis?” Naikrus niya ang mga braso niya habang matalim ang tingin sa akin. “Na nakita raw kayong magkasama ni Troy.” Napakurap ako. “Ha?” “Sa gym. At saka sa hallway,” dagdag pa niya. Sandali akong natahimik. Hindi ko akalaing ganun kabilis kumalat ang mga tsismis. Napabuntong-hininga ako. “Eh ano ngayon?” sabi ko. Mas lalo siyang nainis. “Cathy!” sigaw niya. “Alam mo ba kung sino si Troy?” Napakibit-balikat ako. “Oo. Campus heartthrob.” Napailing siya na parang hindi makapaniwala. “Hindi lang ’yon,” sabi niya. “Isa siya sa Seven Pillars.” Napakunot ang noo ko. “Okay… so?” Mas lalo siyang naging seryoso. “Cathy… ang mga taong ’yon hindi basta-basta pinapakialaman.” “At kung totoo ang tsismis…” Tinitigan niya ako mula ulo hanggang paa. “Siguraduhin mong wala kang ginagawang kalokohan sa kanya.” “Huwag kang gagawa ng kalokohan laban kay Troy,” matigas na sabi ni Ate Mika. “Hindi ako papayag na hilahin mo siya sa kahihiyan.” Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang may dumi ako. “Alam mo naman sa school… isa ka lang basura,” dagdag pa niya. “Kaya huwag ka ngang pakalat-kalat.” Napataas ang kilay ko. Sanay na ako sa mga ganitong salita mula sa kanya, pero hindi ibig sabihin na hindi ako marunong gumanti. “Talaga?” sabi ko habang nakangisi. “Eh yung basurang sinasabi mo… hinahangaan ng sinasamba mo.” Napatingin siya sa akin nang masama. “Anong ibig mong sabihin?” “Simple lang,” sabi ko na parang wala lang. “Yung Troy na iniidolo mo… ako ang gusto.” Pang-aasar ko lang iyon sa kanya. Alam ko naman na hindi totoo. At lalong alam ko na hindi aabot kay Troy ang mga sinasabi ko dito sa bahay. Napailing ako sa sarili ko. Tutal… Kahit sa school, kinakahiya naman ako ng ate ko. Cathy POV Halatang nainis si Ate Mika sa sinabi ko. “Stop your nonsense, Cathy,” malamig niyang sabi. “Huwag kang mag-imbento ng kwento.” Napakibit-balikat lang ako. “Bahala ka kung ayaw mong maniwala,” sagot ko. Mas lalo siyang nagalit. “Kung nalaman kong ginagamit mo ang pangalan ni Troy para magpasikat sa school, ako mismo ang magsasabi sa kanya ng totoo tungkol sa’yo.” Napatawa ako. “Wow, Ate. Kala mo naman kilala ka niya,” pang-aasar ko. Saglit siyang natigilan. Alam kong tumama ang sinabi ko. Sa school kasi, kahit anong pilit niyang magpansin, isa lang siya sa maraming babaeng humahanga kay Troy. At hindi rin naman siya kilala nito. “Basta tandaan mo ang sinabi ko,” matigas niyang sabi bago tumalikod at umakyat sa hagdan. Naiwan akong mag-isa sa sala. Napabuntong-hininga ako at napahiga sa couch. “Ang drama naman…” bulong ko. Kinuha ko ang phone ko at nag-scroll-scroll sa social media. Pero biglang may nakita akong post mula sa school page. “Seven Pillars Charity Gala – This Weekend.” May kasamang picture ng mga miyembro ng Seven Pillars. At siyempre… Nandoon si Troy. Mas gwapo pa siya sa picture. Napangiti ako nang bahagya. Hindi ko alam kung bakit… pero pakiramdam ko, hindi pa tapos ang kwento namin.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD