Cathy POV
Nanigas ang katawan ko nang tuluyan siyang humarap sa akin.
Hindi na siya ngumiti.
Malamig na ang tingin niya.
“May kausap ka ba?” tanong niya.
Napahigpit ang hawak ko sa phone ko na nakatago sa bag.
“W-wala po,” sagot ko kahit nanginginig ang boses ko.
Sa kabilang linya, naririnig ko pa rin si Troy.
“Cathy? Cathy, answer me,” mahina niyang sabi sa phone.
Pero hindi ako makasagot.
Bumukas ang pinto ng driver at bumaba siya ng taxi.
Napaatras ako sa upuan.
Lumapit siya sa likod ng sasakyan at binuksan ang pinto sa side ko.
“Baba,” utos niya.
“Kuya… bayaran ko na lang po. Uuwi na ako,” sabi ko.
Pero bigla niyang hinawakan ang braso ko.
“Baba,” ulit niya, mas matigas ang boses.
Sa kabilang linya, narinig kong sumigaw si Troy.
“Cathy! Nasaan ka?!”
Halos maiyak na ako.
“Troy…” bulong ko.
Bigla akong hinila ng driver palabas ng taxi.
“Anong ginagawa mo?!” sigaw ko habang pilit kumakawala.
Pero malakas siya.
Hinila niya ako papunta sa gilid ng kalsada malapit sa madilim na warehouse.
“Walang makakarinig sa’yo dito,” sabi niya.
Nanlamig ang buong katawan ko.
Pero bigla…
may malakas na tunog ng preno ng sasakyan.
Headlights ang tumama sa amin.
At may pamilyar na boses ang sumigaw—
“Bitawan mo siya!”
Si Troy.
Troy POV
Pagkabukas ko ng pinto ng kotse ko, agad akong tumakbo papunta sa kanila.
“Bitawan mo siya!” sigaw ko.
Napalingon sa akin ang taxi driver. Saglit siyang natigilan nang makita ako.
Pero hindi niya agad binitawan si Cathy.
Mas lalo akong nagalit.
“Sinabi kong bitawan mo siya.”
Lumapit pa ako nang ilang hakbang.
Sa wakas, binitawan niya ang braso ni Cathy.
Agad tumakbo si Cathy papunta sa akin.
Halos mapayakap siya sa akin sa takot.
Ramdam kong nanginginig siya.
Napahigpit ang hawak ko sa balikat niya.
“Okay ka lang?” tanong ko.
Hindi siya agad nakasagot.
Tumango lang siya habang hawak ang braso ko.
Napatingin ako sa driver.
“Mawawala ka na dito ngayon din,” malamig kong sabi.
Siguro nakita niya sa mukha ko na hindi ako nagbibiro.
Wala siyang sinabi.
Mabilis siyang sumakay ulit sa taxi at umalis.
Tahimik ang kalsada matapos iyon.
Napatingin ulit ako kay Cathy.
Namumula ang mata niya at halatang nanginginig pa rin.
Napabuntong-hininga ako.
“Sabi ko na nga ba…” sabi ko habang hinihimas ang balikat niya. “Dapat hinintay mo ako.”
Tahimik siyang nakatingin sa akin.
Pagkatapos…
bigla siyang napaiyak.
Napailing ako habang niyayakap siya.
“Shhh… okay na,” sabi ko.
“Safe ka na.”
Cathy POV
mMahigpit akong kumapit kay Troy.
Hindi ko pa rin mapigilan ang panginginig ng katawan ko.
“Shhh… okay na,” mahina niyang sabi habang hinahaplos ang likod ko para pakalmahin ako.
Ramdam ko ang t***k ng puso niya habang nakayakap ako sa kanya.
Maya-maya, kinuha niya ang phone niya at tumawag.
“Where are you?” malamig niyang tanong.
Halatang bodyguard niya ang kausap.
“Send someone here. Now.”
Pagkatapos niyang ibaba ang tawag, tumingin siya sa direksyon kung saan tumakas ang taxi.
Nanigas ang panga niya sa galit.
“Hindi mo alam kung sino ang kinakalaban mo,” galit niyang sabi, halos pabulong.
“Seven Pillars ito.”
Napahigpit ang hawak niya sa kamay ko.
“Pagbabayaran niya ang ginawa niya.”
Napatingin ako sa kanya.
Hindi ko pa siya nakitang ganito kagalit.
“Troy…” mahina kong tawag.
Napatingin siya sa akin at biglang lumambot ang ekspresyon niya.
“Sorry,” sabi niya.
Napakunot ang noo ko.
“Para saan?”
“Hindi kita pinilit na hintayin ako,” sabi niya. “Kung hinatid kita kanina, hindi ito mangyayari.”
Umiling ako.
“Hindi mo kasalanan,” sagot ko.
Pero bago pa kami makapagsalita ulit…
may dalawang itim na sasakyan ang biglang huminto sa harap namin.
Bumaba ang ilang lalaki.
Mga bodyguard ni Troy.
“Sir,” sabi ng isa sa kanila.
Tiningnan ni Troy ang daan kung saan tumakas ang taxi.
“Hanapin niyo ang driver na iyon.”
“Ngayon din.”
Tahimik ang mga bodyguard habang tumango.
At sa sandaling iyon…
na-realize ko kung gaano kapowerful si Troy.
Pero sa halip na matakot…
mas lalo akong nakaramdam ng seguridad habang hawak niya ang kamay ko.
Huminto muna kami sa isang coffee shop bago niya ako ihatid pauwi.
Tahimik muna kaming umupo habang hawak ko ang mainit na tasa ng kape. Unti-unti na ring kumakalma ang dibdib ko mula sa nangyari kanina.
“Cathy,” sabi ni Troy habang nakatingin sa akin, “next time mag-iingat ka. Huwag ka basta magtitiwala sa mundo. Maraming masasamang tao.”
Tumango lang ako.
“Siguro ikaw na lang ang nakikita kong tao na hindi marunong magalit,” dagdag niya. “Lagi ka lang masaya.”
Ngumiti ako.
“Salamat, Troy,” sabi ko. “Pero huwag ka nang masyadong lumapit sa akin.”
Napakunot ang noo niya.
“Bakit?”
“Ang taas ng status mo,” sabi ko habang natatawa nang kaunti. “Baka kung ano ang sabihin ng mga kaibigan mo kapag may kakilala kang tulad ko.”
“I don’t care what people say,” sagot niya agad. “Akala ko ba ganun ka rin? Bakit nag-aalala ka ngayon?”
Napakamot ako sa ulo.
“Eh kasi…”
Hindi ko na tinapos ang sasabihin ko.
Napangiti si Troy.
“Cathy, you’re such a wonderful girl,” sabi niya. “Gusto kitang maging kaibigan.”
Sandali akong natigilan.
“Pwede ba?” dagdag niya. “Please?”
Napatawa ako.
“Ano ba qualification mo para tanggapin kitang maging kaibigan?” biro ko.
Natawa rin siya.
“Puwede naman,” sabi ko sa huli.
Biglang naging seryoso ang mukha niya.
“Cathy… yung nangyari sa atin noong gabing iyon,” sabi niya. “Kilala mo ba talaga ako?”
Tumango ako.
“Oo,” sagot ko. “Sikat ka kaya… sinamantala ko ang pagkakataon.”
Napatawa siya nang malakas.
“You’re so funny.”
Umiling ako.
“Hindi, totoo ’yun, Troy,” sabi ko. “Sorry ha… sinamantala ko ang kahinaan mo.”
Diretso ko siyang tiningnan habang sinasabi iyon.
Walang drama.
Walang paawa.
Honest lang.