Chapter 1

1019 Words
Troy POV Masakit ang ulo ko, pero may mabigat na nakayakap sa akin. Pagmulat ko ng mata at paglingon sa katabi ko, napasinghap ako, muntik pa akong mapasigaw. May katabi akong babae. Plus size. As in malaki ang katawan niya. Mabilis kong sinuri ang sarili ko… at lalo akong natigilan. Pareho kaming walang saplot. Para akong nasusuka. Ano’ng nangyari kagabi? Hindi ako pumapatol sa mga ganitong babae. Napatingin ako ulit sa kanya. Mahimbing ang tulog niya. Maamo ang mukha. Tahimik. Maganda. Napapikit ako at hinilot ang sentido ko. Kahit kailan, hindi ko naging tipo ang mga babaeng plus size. Hindi ito ang mga babaeng karaniwan kong inuuwi. Dahan-dahan kong inalis ang braso niya sa pagkakayakap sa akin at dali-daling nagbihis habang tulog pa siya. “Dambuhala…” bulong ko sa sarili, pilit na itinataboy ang kung anong gumugulo sa isip ko. Pagkatapos kong magbihis, hindi na ako lumingon pa. Mabilis akong lumabas ng hotel room na iyon, para bang may tinatakbuhan. Pero kahit nakalayo na ako, hindi ko maalis sa isip ko ang payapang mukha niya habang natutulog. At mas lalong hindi ko matanggap na may parte sa akin na gustong malaman kung sino siya. Troy POV (continuation) Pagkasara ko ng pinto ng hotel room, saka ako nakahinga nang malalim. Parang may bumabara sa lalamunan ko. Hindi ko alam kung galit ba ako, nandidiri, o mas higit na natatakot sa posibilidad na may nangyari na hindi ko maalala. Sh*t. Sumandal ako sa pader ng hallway at hinilot ang sentido ko. Huling naalala ko, nasa bar ako kasama ang mga kaibigan ko. May inom. May tawanan. May babaeng kumausap sa akin… pero hindi ko maalala kung siya ba ‘yon. Bakit wala akong maalala? Biglang sumagi sa isip ko ang mukha niya habang tulog. Hindi siya mukhang desperada. Hindi siya mukhang babaeng sanay sa one-night stand. Maamo ang mukha niya. Payapa. Parang bata na mahimbing ang tulog. Napailing ako. Bakit ba kasi ako uminom nang sobra? Pumasok ako sa elevator at habang bumababa, hindi ko maiwasang maalala ang itsura niya. Oo, plus size siya. Malayo sa mga babaeng karaniwan kong dinidate. Pero hindi ko maitanggi—maganda siya. Hindi yung tipong pang-rampa, pero may kakaibang dating. Yung tipong pag tumingin sa’yo, parang ang lambing ng mundo. Napakuyom ang kamao ko. Hindi ako pumapatol sa mga ganung babae. Pero bakit parang ako ang nakaramdam ng kaba kanina? Paglabas ko ng hotel, tumama ang malamig na hangin sa mukha ko. Pakiramdam ko, may tinatakbuhan ako. Pero hindi ko alam kung ano. Ang nangyari ba kagabi ay pagkakamali lang? O may parte sa akin na ginusto ‘yon? Sumakay ako ng sasakyan at hindi ko maiwasang silipin ang sarili ko sa rearview mirror. May bakas ng kalmot sa balikat ko. Hindi malalim. Pero sapat para patunayan na hindi panaginip ang lahat. Napapikit ako sandali. Hindi ko siya kilala. Hindi ko alam ang pangalan niya. Pero pakiramdam ko, hindi dito magtatapos ang lahat. At sa hindi ko maipaliwanag na dahilan… …may parte sa akin na gustong bumalik. Cathy POV Nagkunwari akong tulog kahit alam kong paalis na siya. Ramdam na ramdam ko ang bawat galaw niya habang bumabangon sa kama. Hindi ko man iminulat ang mga mata ko, malinaw pa rin sa isip ko ang nangyari sa amin ni Troy kagabi, ang mga halik niya, ang mga haplos niya sa katawan ko. Sa gabing iyon, ibinigay ko ang virginity ko sa lalaking heartthrob ng school namin. Kung malalaman lang ng mga babae sa campus, siguradong maraming maiinggit sa akin. Kakainggitan nila ang tabachoy na tulad ko. Napangiti ako habang naaalala ang lahat. Kilig na kilig pa rin ako kahit alam kong malamang ay hindi na iyon mauulit. Saglit kong sinilip si Troy habang nagbibihis siya. Kita sa mukha niya ang inis… at parang pagsisisi. Napangiti na lang ako. Hayaan mo na siya. At least natikman ko siya. Tahimik akong natawa sa sarili ko bago ako tuluyang bumangon. Dahan-dahan akong nagbihis, magaan ang pakiramdam ko. Walang pagsisisi. Sa halip, isang matamis na alaala lang ang iniwan ng gabing iyon. Cathy POV Pag-uwi ko ng bahay, naabutan ko ang ate ko, ang Daddy ko, at ang madrasta ko na nag-aalmusal sa dining table. “Saan ka galing, Catherine? At gabi ka na umuwi.” tanong ng Daddy ko, halatang hindi natutuwa. “Sa kaklase ko po ako natulog, Dad. May project po kasi kami sa school,” sagot ko nang maayos. “Baka kung ano na ’yan ha. Ayoko ng nagbo-boyfriend kayo habang nag-aaral pa.” May halong galit ang boses niya. “Naku, sa tingin mo magbo-boyfriend ba ’yan? Eh parang bata lang naman ’yang anak mo na pagkain lang ang inaatupag.” pang-iinsultong sabi ng madrasta ko. Biglang napatawa nang malakas ang ate ko. “Oops, sorry. I didn’t mean na matawa po,” sabi niya, kunwari pang may lambing. Tahimik lang na tumingin ang Daddy ko sa madrasta ko at sa anak nito, pero wala siyang sinabi. Hindi ko na pinansin ang kanilang tinatawag na happy family—kung saan malinaw naman na hindi ako kabilang. Tahimik akong umakyat ng hagdan. “Catherine! I’m not finished talking to you!” galit na sigaw ng Daddy ko. Pero hindi ko siya pinansin. Bahala siyang magalit. Ayokong masira ang araw ko dahil sa kanya. Pagpasok ko sa kuwarto, agad akong nagbihis at humiga sa kama habang nanonood ng TV. Binuksan ko ang mini fridge ko at kumuha ng Pringles, mamon cake, at Chuckie. Pagkatapos, kinuha ko ang phone ko at nag-play ng YouTube. Hinanap ko ang mga basketball games ni Troy pati ang mga interview niya. Hindi ko maiwasang kiligin. Ang guwapo niya talaga. At saka… ang lambing pala niya. Napakagat ako sa labi habang naaalala ko ang nangyari kagabi. Kahit first time ko, hindi ako nasaktan. “Ano ba ’yan, Catherine…” mahina kong sabi sa sarili ko sabay hagikhik. Kinuha ko ulit ang Pringles at kumain habang pinapanood ang highlight plays niya sa court. Maya-maya, biglang nag-ring ang phone ko. Si Anna. “Hey! What happened? Bigla kayong nawala ni Troy ah. Saan kayo pumunta?” sita agad nito pagkasagot ko ng tawag
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD