Chapter 3

1071 Words
Cathy POV Napansin kong natigilan si Troy sa tanong ko. “Paano mo nalaman pangalan ko?” ulit ko habang nakatingin sa kanya. Sandali siyang napaiwas ng tingin bago sumagot. “Same school tayo. Malamang alam ko,” malamig niyang sabi. Napangiti ako nang kaunti. “Talaga lang?” Tahimik siya. Halatang ayaw na niyang pahabain pa ang usapan. “Well, thanks sa concern mo,” biro kong sabi. “Don’t worry, Troy. Safe ang reputation mo sa akin.” Tumaas ang kilay niya. “What do you mean?” “Hindi ko ikukuwento sa kahit kanino ang nangyari kagabi,” sagot ko habang nakangiti. “Ayokong mawalan ng fans ang campus heartthrob.” Parang hindi niya alam kung maiinis ba siya o matatawa. “Good,” maikli niyang sagot. Tumango lang ako. “Okay, bye.” Tumalikod na ako at naglakad palayo. Pero bago pa ako tuluyang makalayo, narinig ko ulit ang boses niya. “Cathy.” Huminto ako pero hindi ako lumingon. “Ano?” tanong ko. “Forget about last night.” Napangiti ako habang nakatalikod sa kanya. “Too late,” sagot ko. Pagkatapos, naglakad na ako palayo. Hindi niya nakita ang ngiti ko. Dahil kahit anong sabihin niya… Hindi ko naman talaga balak kalimutan ang gabing iyon. Lalo na ang lalaking nagbigay sa akin ng pinakaunang alaala ng pagiging babae. Cathy POV Naglalakad ako sa hallway habang malalim sa pag-iisip nang biglang may humarang sa daan ko. Mga estudyanteng lalaki na kilala sa school bilang mga bully. “Hey, Cathy!” sigaw ni Roger habang pinalolobo pa ang pisngi niya para asarin ako. “Nasaan ’yung isa mong bola na kaibigan?” Alam kong si Anna ang tinutukoy nila. “Nasa kusina, pare!” malakas na dagdag ni Ryan, sabay tawa ng mga kasama niya. Umismid lang ako at nagpatuloy sa paglalakad. “Cathy!” tawag ulit ni Mars. “Gusto mo bang makipag-date sa’kin? Para naman ma-experience mo na may lalaking nagde-date sa’yo.” Halatang pang-iinsulto. Huminto ako sandali at napatawa. “Kung ikaw lang din, never mind,” sabi ko habang nakatingin sa kanya. “Ang layo mo sa boyfriend ko. Ang pangit mo.” Pagkasabi ko noon, mabilis akong naglakad palayo. “Abat, tabachoy!” sigaw niya mula sa likod ko. Hindi na ako lumingon. Wala akong pakialam sa’yo, inis kong sabi sa isip ko. Sa totoo lang, parang may gusto lang naman siya sa akin. Kaso… Ang pangit niya. Troy POV Nakita ko ang pambubully nila kay Cathy sa hallway. Rinig na rinig ko ang mga pang-iinsulto nila habang nagtatawanan pa. Hindi ko maiwasang mapakunot ang noo ko. Gusto kong lumapit. Gusto ko siyang ipagtanggol. Grabe sila kung makapagsalita. Para bang wala silang pakialam kung nasasaktan na nila ang tao. Napatingin ako kay Cathy. Kahit pinagtatawanan siya, tuloy lang siya sa paglalakad na parang wala lang. Bakit bigla kong gustong protektahan ang babaeng iyon? Napailing ako. Siguro… naaawa lang ako sa kalagayan niya. Kahit kasapi ako sa Seven Pillars, isang organisasyon ng mga mayayaman at makapangyarihang estudye sa school, hindi ko kailanman nagustuhan ang mang-insulto ng ibang tao para lang magmukhang mataas. Pero pinilit kong alisin ang mga iniisip ko. Ayoko nang makialam. Ayoko ring mapag-isipan pa niya na may gusto ako sa kanya. Mas lalo lang siyang aasa. At kapag nangyari iyon… Mas masasaktan lang siya. Troy POV Pinilit kong ilayo ang tingin ko kay Cathy habang naglalakad siya palayo sa mga bully. Akala ko matatapos na doon ang lahat. Pero bigla siyang hinila ni Roger sa braso. “Hoy, hindi pa tapos ang usapan!” sabi nito habang tumatawa ang mga kasama niya. Napahigpit ang hawak ko sa bag ko. Hindi na tama ’to. “Roger,” malamig kong tawag. Biglang natahimik ang grupo. Lahat sila napatingin sa akin. “T-Troy…” biglang nag-iba ang tono ni Roger. “Nagbibiro lang naman kami.” Lumapit ako nang dahan-dahan habang nakatingin sa kamay niyang nakahawak pa rin sa braso ni Cathy. “Bitawan mo.” Hindi ko kailangang lakasan ang boses ko. Alam nilang seryoso ako. Mabilis niyang binitawan si Cathy. “Pasensya na,” sabi niya sabay tawa na pilit. Tumingin ako sa kanila isa-isa. “Kung gusto niyong magpatawa, humanap kayo ng ibang target.” Walang sumagot. Isa-isa silang naglakad palayo. Tahimik na ulit ang hallway. Nilingon ko si Cathy. Nakatingin lang siya sa akin na parang nagulat. “Okay ka lang?” tanong ko. Sandali siyang natahimik bago ngumiti. “Wow,” sabi niya. “Hindi ko akalaing ipagtatanggol ako ng campus heartthrob.” Napabuntong-hininga ako. “Don’t get the wrong idea,” mabilis kong sabi. “Ayoko lang ng gulo sa school.” Tumango siya pero halatang natatawa. “Sure,” sabi niya. Pagkatapos, naglakad na siya palayo. Pero habang pinapanood ko siyang lumalayo… Hindi ko maintindihan kung bakit parang may kung anong kumurot sa dibdib ko. Cathy POV Habang naglalakad ako palayo sa hallway, hindi ko maiwasang mapangiti. Hindi ko inaasahan na ipagtatanggol ako ni Troy. Ang akala ko nga, iiwas lang siya sa akin. Napahinto ako sandali at napahawak sa braso ko kung saan ako hinila kanina ni Roger. Hindi naman masakit, pero nakakainis lang isipin na kailangan ko pang maranasan ang mga ganung pang-iinsulto araw-araw. Pero ngayon… Parang gumaan ang pakiramdam ko. Hindi dahil ipinagtanggol ako ni Troy. Kundi dahil kahit papaano, may isang taong hindi tumingin sa akin na parang wala akong halaga. Nagpatuloy ako sa paglalakad papunta sa classroom namin. Pagpasok ko, agad akong nakita ni Anna na kumakain ng chips sa upuan niya. “Hoy! Nasaan ka kanina?” tanong niya. Umupo ako sa tabi niya. “Naka-encounter ko na naman ang mga bully,” sabi ko habang inilalapag ang bag ko. Biglang kumunot ang noo niya. “Sino na naman?” “Sila Roger.” “Ha? Ano ginawa nila?” inis na tanong niya. Ngumiti ako nang kaunti. “Nothing new,” sabi ko. “Pero alam mo kung sino ang nagpaalis sa kanila?” “Sino?” agad niyang tanong. “Troy.” Halos mabitawan ni Anna ang chips niya. “WHAT?!” malakas niyang bulalas. Napatawa ako. “Sshhh… dahan-dahan.” “Cathy!” bulong-sigaw niya. “Ipinagtanggol ka ni Troy?!” Tumango ako habang pinipigilan ang ngiti ko. Agad siyang napahawak sa balikat ko. “Girl… sinasabi ko sa’yo… may something!” Napailing ako habang natatawa. Pero sa totoo lang… Hindi ko rin maiwasang isipin iyon.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD