Mika POV Nang matapos ang libing ni Cathy… doon nagsimula ang lahat. Unti-unti… napalapit kami ni Troy. Hindi biglaan. Hindi halata. Dahan-dahan. Parang wala lang. Sa simula… lagi lang akong nandiyan. Tahimik na sumusuporta. Kapag tahimik siya, tahimik lang din ako sa tabi niya. Kapag hindi siya kumakain, pinipilit ko siyang kumain. Kapag hindi siya natutulog, sinisigurado kong nagpapahinga siya. “Ayos ka lang?” madalas kong tanong. At kahit hindi siya sumagot, hindi ako umaalis. Hanggang sa masanay siya. Masanay na nandiyan ako. Masanay na ako ang kasama niya. Isang gabi… nakaupo kami sa labas ng bahay nila. Tahimik. Malamig ang hangin. “Ang daya…” bigla niyang sabi. Napatingin ako sa kanya. “Ano ’yon?” “Bakit siya?” sabi niya. “Bakit si Cathy pa…” Tah

