Unknown POV Tahimik ang hallway ng hospital. Mahahabang hakbang. Maayos na postura. Nakasuot ng puting coat na may nakasulat, Dr. Catherine Reyes Huminto siya sa harap ng glass wall. Nakatingin sa reflection niya. Malinis. Maganda. Kontrolado. Hindi na siya yung dating Cathy. Dahan-dahan siyang napangiti. “Limang taon…” bulong niya. Mahabang panahon ng sakit. Ng paghilom. At ng pagbabago. Hindi siya namatay. Nabuhay siya ulit. Pero hindi na bilang Cathy na inaapi. Kundi bilang isang taong… hindi na kayang saktan ulit. Flashback (fragments) Madilim. Tubig. Hirap huminga. Sigaw. Pagkatapos, katahimikan. Isang kamay. Isang boses. “Buhay pa siya!” Present Huminga siya nang malalim. At inayos ang coat niya. “Time to come back,” mahina niyang sabi. Troy POV

