Catherine POV Hindi ako nagmadali. Hindi pa. Pinanood ko muna sila. Si Troy… at si Mika. Kung paano sila kumilos. Kung paano sila mag-usap. Kung paano ako tinitignan ni Troy, parang may gustong maalala. At kung paano ako tinitignan ni Mika, parang may kinakatakutan. Napangiti ako. Good. Ibig sabihin… may natatandaan ang katawan niya kahit hindi ang isip niya. Lumapit si Mika sa akin. “Hi, doc,” sabi niya. Ngumiti ako. “Hello po.” Pinagmasdan niya ako mula ulo hanggang paa. Mapanuri. Parang may hinahanap. “You’re new here?” tanong niya. “Yes,” sagot ko. “Recently transferred.” Tumango siya. Pero hindi pa rin nawawala ang tingin niya sa akin. “Magaling ka raw,” sabi niya. “Ginagawa ko lang po trabaho ko.” Ngumiti siya. Pero pilit. “Good,” sabi niya. “Importa

