Habang tumatagal ay nasasanay akong makihalubilo sa iba kong mga kaklase. Halos araw-araw ay sila Jenny ang kasama ko, at halos nakadikit na rin sa amin palagi sila Clifford. I realized it's not that bad to gain some friends. Kahit sanay ako mag-isa ay naappreciate ko sila. It's nice to have some friends aside from the circle I have with Samantha. Ilang araw na rin kaming hindi nag-uusap ni Xian. I think he got pissed that day. He started ignoring me na kahit ang tungkol sa nalalapit na oral defense ay hindi niya ako kinakausap. Gusto ko rin sanang makipag-matigasan sa kaniya pero iniisip ko na kailangan na namin pag-usapan ang defense. Kaya sa huling klase ay sinubukan kong maupo ulit sa tabi niya. Nilingon niya ako, nagtagal ang madidilim niyang mga mata sa akin. "Uhm.. about the—"

